Jannick's POV
Urgh! Tangina! Sabi ng 'wag na lang kaming sumama eh! Peste!
"Oh nahanap niyo na?" iritang tanong ko ng makita sila sa iisang bench.
"H-hindi pre eh."
"Wala, tinanong na rin namin sa ibang estudyante eh."
"Hayy... Nangiiwan talaga."
Napapikit na lang ako sa mga pinagsasagot nila.
Asan na ba 'yon?
Umupo ako sa isang bench. "Tangina! Nabuo nga natin ang mga puzzle nawala naman ang babaeng 'yun!" bulyaw ko sa kanila.
"Hayaan niyo na nga muna 'yun si Leigh." linigon ko ang nagsalita nun.
"Damn! Dexie, ilang oras na natin siyang hindi nakikita." inis na saad ko.
"Marunong naman siyang umuwi eh. Alam naman niya ang tinutuluyan natin." may halong inis na usad niya.
Umiling na lang ako, "Paano niyo nakakayang hindi hanapin ang kaibigan niyo?" tanong ko.
Tumayo ako at tumingn sa paligid.
Asan ka na?
Bumuntong hininga ako sa kawalan. Nakakainis pang sabihin na kinuha ng mga facilitators ang mga gadgets. Damn!
"Tangina! Kailangan nating siyang mahanap!" bulyaw ko ng lumingon ako sa kanila.
Kita ko ang pagkunot ng mga noo nila.
"Nakakapagod."
"Pre pahinga muna tayo, ilang oras na nating hinahanap si Karaleigh pero wala eh."
Damn! Naiinis ako sa pinagsasabi nila. "Hi—"
"Tell me Nick," napapatayong asik ni Dexie. Tinitigan ko siya habang naka tayo at tumingin sa'kin ng seryoso. "Bakit ganyan ang reaksyon mo? Ni kami nga hindi naman ganyan pag nawawala siya eh."
Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko. "Yun na nga eh, ang hindi ko maintindihan kung bakit wala kayong pakielam sa kanya?" tanong ko sa kanila.
"May pakielam kami Nick—"
"May pakielam kayo pero wala kayong kwentang kaibigan—" natagilid ang mukha ko dahil sa malakas na sampal na naabot ko.
"Woah!"
"Laxmi..."
Nilingon ko iyon. "Hindi mo kami kilala Blade," tiim bagang na anas sa'kin. Naiinis ako! Tangina! Nasampal niya ako. "Alam kong nag aalala ka lang sa kaibigan namin," asik niya pa. "Pero intindihin mo naman ang gusto niya, kung gusto niyang magpaisa go! Hindi mo alam ang nararamdaman namin sa tuwing nawawala siya, nawawala bigla ng walang paalam. Doble pa 'yun sa nararamdaman mo Blade!" paliwanag niya.
Napayuko na lang ako.
Nag aalala ako sa kanya? Oo! Sobra! Hindi ko alam kung nasan siya. Gusto mo bang munang mapag isa Leigh... Please, magpaalam ka, hindi yung mamamatay ako sa kakahanap sa'yo.
Bumuntong hininga ako. "Sorry, nag aalala lang ako sa kanya, kung nasan man siya." anas ko at umupo na lang sa inuupuan ko.
"Alam namin." biglang saad ni Dexie.
"Pfft. Hahahahaha."
"Yown! Nagkaayos rin!"
Pero alam ko kung sino ang kasama niya, at ang sinusundan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/87400930-288-k94704.jpg)