MT 25

3.2K 63 5
                                    

Laxmi's POV

Umupo ako sa hagdan ng school na pinapasukan namin.

• Flashback •

Maktol akong pumasok sa kwarto ko, habang tinatawag nila Mom ang pangalan ko. Tumalon ako sa kama ko, at nagtalukbong ako ng kumot.

Iiwan ko na talaga sila?

Umiling lang ako ng umiling. "No! I don't like your idea!" sigaw ko. Habang humihikbi.

A- ayokong lumabas ng bansa. Gu-gusto ko kasama sila.

Katok ng katok sila Mom sa labas. "Laxmi open this door!" bulyaw ni Mom mula sa labas.

Iling lang ako ng iling. "N-no! Ayo-ayokong umalis!" bulyaw ko pa.

Rinig ko ang kalansingan ng mga susi and the only thing that I know ay naka pasok na ang parents ko. "Anak," panimula ni Dad at umupo sa kabilang side ng kama ko. "Kailangan nating umalis dito," ani ni Dad. Nakikiusap.

Hikbi lang ako ng hikbi. "Ba-bakit Dad?!" tanong ko. "A-andito ang m-mga ka-kaibigan ko!" sabi ko at humikbi na naman.

" 'Wag kang mag alala susunod sila." ani ni Mom.

• End of Flashback •

Tanda ko pa 'yon. Kung paano nila ako pilitin para makalipat sa ibang bansa. Kung paano ko sila Mom pinakiusapan na 'wag ng tumuloy. Seven years old lang ako nun, pero lahat ata ng detalye kabisado ko pa.

Sayang lang ang luha ko putik!

Nakasimangot akong naglakad palayo. Sinipa ko ang mga bato na nakikita ko sa lupa... hindi naman lahat. Napabuntong hininga na lang ako. "Bakit ba kasi ganto ang buhay ko?" pabulong na asik ko at sinipa ang maliit na bato. "Peste," singhal ko. "Kung pwede lang umalis." anas ko.

Bakit ko ba kasi kailangan pasukan ang skwelahan na 'yon? Bakit naman ganun pa ang pinasukan ko?

Napangiti ako. "Secret strategy?" natatawang tanong ko sa sarili ko.

Siguro kung may dumadaan lang dito pag iisipan nila na baliw ako. Kinakausap ko ba naman ang sarili ko eh.

"Argh," mahinang asik ko. "Kakausapin ko si Leigh," ani ko.

Ramdam kong may nag vibrate sa bag ko, naka dress pa pala ako. Tsk. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa pouch, at dinikit iyon sa tenga. "Sì?" tanong ko. Rinig ko ang naghihingalong hininga ng nasa kabilang linya. "Who the hell is this?" anas ko.

Frank call? Psh... Maybe.

Hindi pa rin nagsasalita. "Stupid! Waste of time!" bulyaw ko.

"Laxmi," ani ng nasa kabilang linya.

Tinignan ko ulit ang screen ng cellphone ko. Unknown, pero paano naging ka boses ni Leigh 'to?

Stupida! Marami nga pala 'yong extrang phone. Bwisit!

Nagpatuloy ako sa paglalakad. "Why?" tanong ko. "Hindi kita nakita dito." sabat ko pa.

"Na-nasan ka?" kumunot ang noo ko sa boses na naririnig ko ngayon.

Hindi ko pinansin ang tinanung niya sa'kin. "Hoy! Bakit ganyan ang boses mo?" tanong ko at tumuloy na sa labas ng school. Hindi pa rin tapos ang party.

"Nas...an... ka nga?" halatang inis ang boses niya.

Hindi naman nagpapatalo 'to.

Wala na akong nagawa. "Nasa labas na ako ng school," sagot ko. "Where are you? Pupuntahan kita." asik ko pa.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon