G A B R I E L ' S P O V
Umirap ako sa kanila habang patuloy pa rin sa pag pindot ng mga gatilyo sa mga baril na hawak ko. Hindi ko na pinansin pa ang mga nasa likuran ko dahil alam ko namang may sumusubaybay sa'kin.
"Don't you fucking dare hit any of my gorgeous body, asshole." usal ko habang nasa baba pa rin ang paningin ko.
Rinig ko ang tawa niyang nagmumula sa listening device. Napailing na lang ako dahil naiisip ko ang reaksyon niya.
Masyadong magulo ang nangyayare sa first floor. Ang daming mga kalaban na nakahilata.
Pinagmasdan ko sa di kalayuan si Kuya Garrett na tumatakbo papunta sa second floor.
Ano kaya ang nangyare sa kapatid ko at sa traydor niyang girlfriend?
"Urgh!" sigaw ko dahil naiinis akong isipin na niloko lang ni Ate Laxmi ang Kuya ko, at isipin pang hindi lang amg Kuya ko amg niloko niya, kundi ang mga nasa organisasyon niya!
Ano kaya ang mangyayare kay Ate Karaleigh neto?
"Problema Riel?" tanong ng partner ko.
Umiling at bumuntong hininga lang ako kahit hindi ko siya nakikita. Ayoko ng pagtuunan pa ng pansin ang meron sila ni Kuya Garrett.
Kailangan kong mag focus sa misyon namin.
Naglakad ako patunong kung saan naroon ang nakita kong tumatakbo at natigilan sa nakita niyang nasa sahig.
"Kuya Fort!" sigaw ko habang tumitingin sa paligid at tuloy pa rin sa pagputok sa baril.
Unti unti kong nakikita ang dahilan kung bakit siya napatigil sa ginagawa niya. Rinig ko pa ang sinabi ni Ate Karaleigh dahil sa nangyayare.
"You found me Fort, Yeah Fort, I killed her. Don't worry her only mother will mourn." walang emosyong narinig kong sinabi 'yun ni Ate Karaleigh.
Napatingin ako sa itaas kung na saan ang pinaghulugan ng katawan ng babaeng 'to. Pamilyar sa'kin ang mukha niya, hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita, basta ang alam ko, pamilya siya sa'kin!
"Blu y-you really—" hindi natuloy ni Kuya Fort ang sinasabi niya ng isa isa niyang pinagbabaril ang mga lalaking nakatayo sa paligid, ang mga kalaban.
Naging alerto ako dahil doon. Mabilis ko ring tinutukan ng baril ang mga nagtatakbuhan dahilan para hatakim ako ni Kuya Fort.
Takbo lang ang ginawa namin habang patuloy pa rin kami sa pagpapaputok. Habol ang hininga ko ng tumigil kami sa isang gilid.
Hindi ko alam pero gusto kong malaman ang nangyayare.
Liningon ko si Kuya Fort na tuloy sa pagpapalit ng bala sa kaniyang armas. Tumikhim ako at ngumiti ng mapaet sa kaniya.
"Balfour, w-who's dead?" tanong ko. Isang straight to the point na tanungan.
Liningon niya ako dahilan para manlumo ako sa pinakita niyang ngiti. Binalik niya rin sa'kin ang ngiting ginawa ko!