Jannick's POV
Umupo na kami sa table namin sa canteen at ito namang kasama ko ay diretso lamon na.
Nagtataka pa rin ako sa nakita ko kanina. Bakit naman magkakaroon doon ng chopper kung wala namang espesyal na gagawin. Dibale na lang kung andito pa ang mga Stone. Imposible!
"Hoy! Kumain ka na dyan Nick!" napa tingin ako sa sumigaw.
Kinunutan ko lang siya ng noo. "Problema mo?" tanong ko. Nagsasalita ba naman mag isa.
Kumagat siya sa kinakain niya. "Ang layo naman ata ng iniisip mo." sabat niya.
Bumuntong hininga lang ako. "Kumain ka nga lang dyan." asik ko.
Tumahimik naman siya. "Alam mo ba kung nasaan sila Laxmi?" tanong ni Kraven.
"Kasama ba nila ko?" kunot noo kong tanong. "Ni hindi ko nga nilalapitan 'yong mga 'yon." sagot ko pa.
"Loner ka kasi." - Kraven.
Napalingon ako bigla. "Tangina mo." bulong ko.
Natawa naman siyang tinignan ako. "Easy lang pre," sabi niya at linabas ang cellphone. "Tawagan natin si Clifton." saad na naman niya at may tinipa na sa cellphone niya.
Tss... Yung ugok na 'yon.
Lalong kumunot ang noo ko.
Sino naman kaya ang may gawa nun? At paano nila nailusot ang mga armas nila? Sila... sila Azuka. Bigla silang nawala nung oras na 'yon.
Tinapik ko si Kraven, at liningon naman niya ako. "Bakit?" sabi niya pero walang boses. Sinenyasan ko muna siya na mamaya na lang at tumango naman siya. "Pre, musta na?" tanong ni Kraven at ni-loudspeaker sabay lagay sa ibabaw ng table.
["Ito pogi pa rin naman."] natatawang asik ni Clifton sa kabilang linya.
Napailing ako sa pinagsasabi ng lalaking 'to. "Ano padadalhan ka na ba namin ng wheel chair dyan?" ani Kraven.
"Lumpo na siguro." sabat ko.
["Oh buhay ka pa pala Mr. Blade! Naks naman."]
Kumuha rin ako ng pagkain sa lamesa, at biglang nag sibulungan ang mga nasa paligid namin.
"Syempre 'yan pa, hindi naman ata takot 'yan sa Blades." natatawang asik ni Kraven.
"Damn you." bulong ko.
["Ano nag murahan na kayo dyan? Sige sali ako. Putangeners niyo."] natatawang sabat ni Clifton. ["Clifton! Sino naman ang minumura mo dyan?!"] rinig namin sa kabilang linya.
Napailing ako, at ang kasama ko naman ay tumawa ng tumawa. "Pfft... Hahahahaha. Sino 'yan si Tita? Nakooo..." ani Kraven.
["Ewan ko sa inyo! Sige, bye!"] bulyaw ni Clifton at binabaan kami ng telepono.
Pailing iling na nilagay ni Kraven ang cellphone niya sa bag niya. "Ayaw talaga ng inaasar siya," natatawang saad niya at tumingin sa'kin. "Ano 'yon Nick, anong sasabihin mo?" tanong niya sa'kin.
Napa ayos ako ng upo. "Ganto kasi," panimula ko. "Alam mo kung saan pumunta ang Trio matapos nating umalis?" tanong ko at halata naman na inaalala niya.
Kumunot ang noo niya. "Saan 'yong nangyare kay Clifton?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo." sagot ko.
"Hindi ko alam eh." sagot niya.
Kumagat na lang ako sa kinakain ko, at baka mamura ko pa siya ng marami. "Tss. Wala bang nakaka alam kung bumalik ba sila sa table natin?" tanong ko ulit at umiling lang si Kraven. "Present ba sila ngayon?" tanong ko dahil hindi ko pinansin ang mga nasa paligid ko kanina.
