MT 37

2K 52 0
                                    

Jannick's POV

Nakatanga lang ako rito!

Tae na! Totoo ba 'to?!

"Hindi ka ba gagalaw dyan?" diretsong tanong ni Karaleigh na ngayong ay naglalakad papunta kala Clifton.

Tinignan ko 'yon. Nakatingin lang ang dalawa sa kwartong 'to. Malaking kwarto!

Damn it!

Natutuliro akong naglakad! "Andyan ka na pala Nick!" anas ni Clifton ng nakita niya akong nakatayo!

Naglakad ako at umupo sa couch ng kwartong ito. Malaking kwarto na'to! "Lang'ya Nick! Walang duda mayaman 'tong mga 'to!" sigaw niya pa.

Napangisi na lang ako! "Tsk." asik ko dahil wala akong masabi.

Pinagmasdan ko ang tatlong nerd! Na nasa isang table! "Sir, pumunta na po tayo sa table." napalingon ako sa lalaking nagsalita. Si Butler Isen.

Wala na kaming nagawa kundi maglakad na rin papunta sa tinuturo sa'min.

Hindi ko hinayaan na maglibot ang mga mata ko, at tutok lang na nakatingin sa isang babaeng minsan ko ng hina— Ano bang nangyayare sa'kin?!

"Butler Isen." napaiwas ako ng tingin ng magsalita siya.

Fuck this!

"Ma-ma'am..." tulirong lumapit si Butler Isen sa kanila.

"Kailangan mong silang i-train." kumunot ang noo ko sa sinabi niya!

Eto na ata ang sinasabi niya!

"Ma-ma'am, magagalit po ang ma—"

"Don't worry Butler, kakausapin ko sila." saad ni Karaleigh.

Inikot ko ang mata ko sa lugar na ito! Maraming fire range at sari saring station dito! At ang isa sa kinamanghaan ko ay ang mga weapons!

"Done checking?" napalingon ako sa nagsalita. Nasa gilid ko na pala siya!

Lumingon ako kala Kraven na ngayon ay naglalakad papasok sa is— "Mamimili lang sila ng gusto nilang gamitin." nakangiting ani nito!

Bumuntong hininga ulit ako dahil nasa tabi ko na naman ang babaeng 'to! "Sino ka ba talaga?" walang ganang tanong ko.

Marami akong gustong malaman sa'yo, pero i-isa isahin ko para lan—

"Ano ka ba!" natatawang asik nito. "Hindi mo ba ko kilala?" tanong niya sa'kin.

Ngumisi akong tumingin sa kanya. "Kilala kita, pero nalilito lang ako..." anas ko.

"Nalilito saan?" agarang sagot niya. Naka suot siya ngayon ng leather jacket na black! All black!

Sa marami.

"Sa kung sino ba talaga ang Karaleigh na kilala ko?" tanong ko sa kanya dahil naguguluhan ako!

Naguguluhan sa maraming bagay! Sino  ka ba talaga? Kayong tatlo? Ano bang sikreto niyo?

"Luh ka..." anas niya! "Syempre kami pa rin 'yung ne—"

Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumahimik siya. "Alam mo ang ibig sabihin ko Karaleigh." seryosong sabi ko.

Bumuntong hininga siya. "Lika na, magsimula na tayo." sabi niya at naglakad na.

Pinagmasdan ko ulit ang pagtalikod niya. Naglalakad na naman siya palayo!

Pe-pero bakit ganto 'yong nararamdaman ko?!

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon