MT 24

3K 67 0
                                        

Jannick's POV

Pinagmasdan ko lang ang bahay nila... ng mga nerds. Maganda at malinis, halatang mga babae ang mga naka tira. Tss.

"Ano pre? Okay ka na?" baling ni Kraven ng makapasok siya.

Nilingon ko ang dalawa. Si Clifton, naka higa sa kama. "Anong tingin mo sa'kin lastik man na gagaling bigla 'tong tama sa'kin?" inis na asik ni Clifton. "Tangina naman kasi! Sino ba kasing may gawa nito?! Pucha! Papatayin ko talaga!" bulyaw na naman ni Clifton.

Napailing na lang ako. "Iba pala epekto ng bala sa'yo." natatawang ani ni Kraven.

Kumunot ang noo ko. Sino naman kaya ang may gawa nito? Paano napatama 'yon sa hita ni Clifton?

"Tangina! Fuck you sila kong sinong gumawa nito sa'kin." bulong ni Clifton.

Napatingin ako sa pintuan. " 'Wag ka ngang maingay," anas ko. "Nasa ibang bahay tayo." dagdag ko pa.

Ang astig lang dahil may gumamot kay Clifton at mga nurse pa. "Tsk! Ang sakit ang putik!" maktol ni Clifton habang naka tagilid. "Sino bang may gawa nito?" ani niya pa.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tinawagan mo na ba si Tita?" tanong ko kay Kraven.

Liningon niya ako. "Hoy! 'Wag mong tawagan! Nakoooo! Patay ako sa ermats ko." protesta ni Clifton.

Napailing na lang ako. Ayaw talagang idamay ang magulang niya.

"Leigh, where are you?" nanahimik kami dahil may nag salita sa labas.

Tumakbo si Kraven at idinikit ang tenga sa pinto. "Gago." asik ko.

"Oh come on! Alam ko si Fort!... What?... Bakit?... Sinon— lang'ya ka!" bulyaw ng nasa labas.

Napakunot ang noo ko. "Sino 'yan?" bulong ni Clifton.

Lumingon si Kraven sa'min. "Dexie." sagot ni Kraven. "Aw!" bulyaw niya.

Napailing ako. "Pucha! Nakikinig ka sa usapan namin ah!" bulyaw ng nagbukas ng pinto. Si Dexie nga. "Epal 'to." asik niya at tuluyang pumasok sa loob.

Napayuko ako. Epic. Nauntog si Kraven sa pinto ng binuksan ni Dexie. "Kumain ka," sabat ni Dexie, ngayon ko lang nakita na may dala siyang mga prutas. "Kainin mo 'yan at nang bumilis ang pag galing mo." mataray na ani ni Dexie sabay labas na isang mansanas.








Clifton's POV

Napakunot ang noo ko sa mga galawan ni Dexie. "Baka naman may lason 'yan." paninigurado ko.

Hindi nga ako natamaan sa puso, pero baka sa lason naman ako mapatay.

Napairap siya. Napangisi na lang ako. "Don't worry kung may lason 'to, sisiguraduhin kong marami ang nilagay ko." sabi niya at napa laki na lang ang mata ko.

"Aba!" protesta ko.

Tumawa siya pero saglit lang. "Bwisit! I'm kidding, kainin mo na 'yan." sabi niya.

Napangiti ako. "May pagka sweet ka rin pala." ani ko.

"Ehem!" napalingon kami sa nagpeke ng ubo. Si Nick.

"O sige kumain ka na," sabi niya at lumingon sa dalawa. " 'Wag kayong mag alala dadalhan ko rin kayo." sabi ni Dexie at lumabas na ng pinto.

"Kainin mo na daw 'yan." natatawang sabat ni Kraven ng alam niya ng wala na si Dexie.

Napa mura na lang ako sa isip ko. "Bakit di mo kainin?" tanong ko. "Mamaya may lason 'yan eh." saad ko. Napatingin na lang ako sa kisame. "Bakit pala dito niyo ako dinala?" tanong ko.

Nakapagtataka lang kasi, sa dami dami ng hospital dito. Bakit pa ko nila dito dinala? Pwede namang sa hospital na lang.

Liningon ko na sila. Halatang mga nagtataka rin. "Pinasakay kasi kami agad ni Laxmi," sagot ni Kraven. "Syempre alangan kaladkarin ka pa namin." natatawang ani ni Kraven.









Blu's POV

Napabuntong hininga na lang ako. Malalim na buntong hininga. "Mi dispiace." sabi ko na lang habang naka tingin sa kanila. Sa kanilang dalawa.

Galit nila akong nilingon. "May nadamay ka pang inosenteng tao!" bulyaw nila sa'kin.

Napatungo ako at kinutkot ang mga daliri ko. "Hindi sila inosente," ani ko. Tinignan ko sila, mga nagtataka. "Hindi sila inosente." pang uulit ko.

Kumunot ang noo nilang dalawa. "What are you talking about?" tanong ng babae sa'kin.

Tumayo na ako at pinuntahan ang mesa. Nagugutom ako. "Hindi niyo nga pala alam," natatawang asik ko. "Kapatid niya, kasamahan namin." sagot ko.

Tumango sila. "Pero iba sila." sabi niya. "Hindi nila alam 'yong ginagawa natin." paliwanag nila sa'kin.

Kumain ako. Tuna Sandwich. "Pero alam ng kapatid nila." sagot ko dahil 'yon ang totoo.

"Iba sila Blu," saad ng babae. Ginamit ang pangalan ko. "Hindi sila katulad nila Fort." asik niya.

Kumunot ang noo ko. "Nasisigurado ba kayo?" tanong ko. "Tinuturuan ni Clisha ang kapatid niya... at ang mga kaibigan niya." sagot ko. Ginagawa pa nila akong masama.

"Andon ka sa tuwing magpa practice sila?!" bulyaw sa'kin ng lalaki.

Opps.

Napairap ako. "Hehehe. Si." sagot ko.

Lumapit siya sa'kin. "Lumalabas ka ng bansa ng walang pahintulot sa'min?!" asik ng lalaki.

Tumungo ako. Nahihiya. "Yeah."

Ramdam at rinig ko ang pagbukas ng pinto. Nilingon ko iyon.

Patay na! Andito pa 'to!

"The two of you!" bulyaw ng lalaki sa pumasok. Galit na siya! "Sabihin niyo sa'kin, alam niyo bang lumalabas siya ng bansa?!" asik ng tanong ng lalaki.

Nakatingin lang ako sa dalawang babae. Pabalik balik ang tingin sa'kin at sa lalaki. "Si." pagsagot nila.

"Sabi na nga ba eh." bulong ko. Alam ko naman na ilalaglag nila ako.

"But..." ani ni Nero. "Iba ang ginagamit niya." asik ni Nero at tumingin sa'kin.

Nako naman! Pati pangalan ko ilalaglag nila!

Tumingin ako sa nakakataas. Sa lalaki. Nagtama ang paningin namin. Galit na galit siya. "Anong pangalan?" tanong nila sa'kin.

Bumuntong hininga ako. Wala na akong magagawa kailangan eh. "Bl— Blu Blade." sagot ko.

"Anong nangyayare sa'yo Blu?!" asik sa'kin ng babae. "Bakit mo pa dinamay ang mga Blade's?" tanong niya pa.

Napailing na lang ako. "Wala lang," sagot ko at lumabas na lang sa kwartong 'yon, buti na lang talaga tapos ko ng kainin 'to. "Ang tanga mo Blu," asik ko ng lumabas ako. "Bakit mo nga ba dinamay ang Blade's?" tanong ko sa sarili ko.

Psh. Parang baliw na ako! Argh!

Mag handa ka na Blu, bukas na ang kaparusahan mo!

English: Mi dispiace
Italy: I'm sorry

English: Si
Italy: Yes

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon