MT 33

2.1K 51 0
                                    

Jannick's POV

Minulat ko ang mga mata ko, pinatong ko ang kamay ko sa noo. "Hayy..." bumuntong hininga sa kawalan.

Pinagmasdan ko ang ulap at ang mga bituin. Napakaganda! "Hoy Nick tumayo ka na dyan!" napabangon ako sa sumigaw.

Bwisit na Clifton 'to!

"Bilisan mo! Magpapaturo pa tayo kung anong gagawin!" sigaw niya.

Napailing na lang akong tumayo, andito pala kami sa school. Nagre-review ng gagawin. Hindi kasi kami nakapasa ng project. Bakit? Kasi tinatamad kami!

Nasa malayo na si Clifton sa'kin. May pagka madilim na rin, pero dahil sa liwanag nakikita ang daan. Lalo na ang liwanag ng buwan. Pinamulsa ko ang kamay ko at diretsong naglakad. "Psst." napalingon ako sa tumawag.

Wala namang tao!

Tuloy tuloy lang ako sa paglakad. "Psst." sitsit na naman nun.

Lumingon ako at nakitang may gumalaw sa mga puno.

Sino 'to?

Kunot noo ko iyong pinagmasdan. "Sino ka?" tanong ko.

Tangina!

Walang nagsalita kaya nagtuloy lang ako sa paglalakad. "Psst." tawag na naman nang kung sino ba 'yan!

Hindi ko na iyon pinansin at tuloy lang ako sa paglalakad! "Psst." paulit ulit na saad nun.

Kinamot ko ang batok ko ng may maramdamang may humangin doon, at lumingon sa likuran.

Walang tao! Puta!

" 'Wag mo kong pinagloloko gago ka!"  sigaw ko.

"Hoy... Psst."

Binilisan ko ang lakad ko at ng lumiko na ako sa hallway ay may nakita ako. "Psst." tawag na naman niya.

"Sino ka ba?!" inis na sigaw ko.

Nasa dulo siya ng hallway, at madilim doon! Kitang kita ko ang paglapit niya kaya naman napapaatras ako! "Psst." palakas na palakas ang sitsit niya.

Nasisigurado ko na palapit na siya!

Napahakbang ako paatras!

Tangina! Takot pa naman ako sa ganito! Pero hindi ako bakla!

"Jannick!" napalingon ako sa tumawag. "Yuko!" sigaw niya.

"Huh?" takang tanong ko.

Tumakbo siya palapit sa'kin. "Yuko!" sigaw niya.

Kunot noo ko siyang pinagmasdan. "Ano bang pi— Karaleigh!" bulyaw ko ng tumayo siya at tumakbo papunta sa madilim na parte!

Ano bang—

"Jannick! Tawagin mo sila Dexie!" rinig kong sigaw ni Karaleigh.

Rinig na rinig dito ang mga pagkaluskos ng mga sapatos... at isa lang ang alam ko. May kasama siya doon!

"Damn! Karaleigh!" sigaw ko at tatak— napatingin ako sa naapakan ko. Isang cellphone. Kinuha ko iyon at tinawagan si Dexie. "Dexie kailangan kayo ni Karaleigh!" sigaw ko sa kabilang linya.

[" 'Yan na nga ba ang sinasabi ko eh!"] bulyaw niya.

Pinatay ko na ang tawag ko at tumakbo papunta kay Karaleigh. Sa madilim na hallway!

"Karaleigh!" sigaw ko at naglakad takbo na ang ginawa ko.

"Stay away!" rinig kong sigaw sa malayo!

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon