MT 65

1.5K 23 1
                                    

| VIN'S POV |

Tinignan ko siya habang papalapit sa'min. Kanina ko pa siya inaantay, kung saan saan kasi pumupunta.

Wala sa wisyong naglalakad siya. What the hell with his aura? Anong kagaguhan na naman jaya ang nangyare sa kanya?

Tinignan ko ang pag upo niya sa tabi ko. "Oh, Nick, where have you been?" tanong ni Tita.

Natawa ako dahil hindi siya pinansin ng anak niya. Mukhang wala na naman sa sarili. "Nick, what happened to you? Are you okay?" tanong pa neto dahilan para magtinginan kami ng mga nasa table.

Pansin ko ang kanina pang pananahimik ni Rain na kapartner ni Kraven. Tsk. Dapat lang dahil wala ang lokong kaibigan niya—she know her place. Tiningnan ko si Clifton na kausap ang kapartner niya, si Gab.

Bitch, akala ko lalaki siya dahil sa pangalan niya.

Kanina pa nandito si Clifton, akala ko naman magkakasama sila, 'yun pala hindi. Sa dami dami  ba naman kasi na pwedeng iwan, bakit 'yung isa sa mahahalaga pa?

"Good evening ladies and gentlemen. Good day to start this event with overflowing music and dance, and let's—"

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang emcee. Nakatingin lang ako kay Nick. Hindi talaga siya mapakali.

"I'll go to my table na mga hija at hijo, behave lang ha? Nick, compose yourself." ani ni Tita at tinignan ako. "Vin, take care of Jannick." tapik niya sa balikat ko.

Napangiti ako. "Kahit di mo sabihin 'Ta, I will." nakangiting anas ko at kinindatan pa.

"Ikaw talaga..."

Napangiti akong sinundan ng tingin si Tita. Hindi mawala sa'kin isang ngiti sa mukha ko dahil sa pinakikita niya. May tiwala pa rin siya sa'kin kahit na ganun ang ginawa ko sa anak niya.

"Nick are you okay?" tanong ko habang kinalabit siya. Kita ko ang inis niyang mukha ng tumingin sa'kin.

What? Galit na naman ba siya?

"I don't want to hear your voice, Vin. So please, quiet."

Napanguso ako at inirapan na lang siya. Napa sungit talaga, pero kahit ganun ay love ko siya— ganyan lang talaga kapag dala pa rin ang nakaraan. Mawawala din naman. Bakit hindi niya na lang kasi ako patawarin? Namg sa ganum ay maging kami na agad. Hay.

"Vin... nakita mo sila Ate Clisha?"

Kibit balikat ang sagot ko sa nagtanong at kinuha ang juice sa table. Anong paki elam ko sa Ate niya, may kanya kanya kaming ginagawa dito.

"Hoy, asan na kasamahan niyo? 'Yung partner ko?" tanong ni Rain sa mga lalaki dahilan para mapataas ang kilay ko.

"Hey girl, they have names— Clifton," mataray kong sabat at tinuro ang nakangiting si Clifton. "And this is Jannick, remember that." sabat ko at tinuro naman 'tong masungit na katabi ko.

"I don't need their names, anong gagawin ko diyan? Di ko naman sila makakasama ng matagal."

What the hell?!

Inis akong napairap. Sumandal ako sa sandalan ng upuan at inis na inayos ang bangs ko. Kanina pa 'tong babaeng 'to. Kumukulo na ang dugo ko sa kanya.

Bakit ba sa dinami dami na pwedeng maging partner ni Kraven ay ito pang masungit at bitch na 'to? Walang respeto sa maganda. Nakakaloka.

"Guys, I'm sorry I'm late..."

Napatingin ako sa kanya. "Speaking of the devil. Ayan na, andyan na ang pinakamamahal mong partner." sumbat ko na lang.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon