MT 52

1.7K 37 3
                                    

>>>Fast Forward<<<

Jannick's POV

Bumuntong hininga ako habang inaantay sila, ang tagal naman kasi ng mga 'yon.

Ngayon ang uwi niya, kasama siya.

"Ang tagal naman ni Tita..." lumingon ako sa nag asik nun.

Sino ba kasing nagsabi na sumama ka dito?

"Uncle Nick," usal naman ni Jaquela, kasama ko pa ang dalawang 'to at ang mga ugok.

Tsk!

"Pre, basta pag—"

"Tsk. Quite na lang boys okay?" tanong naman ni Vin.

"Okay sabi mo eh." sagot na lang ni Kraven.

"Hungry?" nakayukong tanong ko kay Jaquela, ilang oras na rin kami dito. Masyado kasi silang excited.

"Nope."

Tumingin na lang ako sa pwede nilang daanan, ang tagal kasi masyado. Pag antayin ba naman niya ang anak niya ng ganito?

"Kyahhhhh! They here!" napapikit na lang ako sa matinis na boses ni Vin.

"Wahhh! Mommy! Lolaaa!"

Nabitawan ko si Jaquela dahil bigla siyang tumakbo. Dumilat ako at naglakad. "Ang ganda talaga ni Ate Jaquey." tapik na saad sa'kin ni Kraven.

"Sapak gusto mo?"

"Halik ang gusto ko Nick hahahaha."

Umiling na lang ako at tumigil, niyakap ko si Mama. "I miss you 'nak." usal niya sa'kin ng nakayakap, bumitaw ako at dinala ang gamit.

Tinignan ko si Ate Jaquey, kinuha ni Kraven ang dala niyang maleta at karga na rin niya ang anak niya.

"Hi, Tita..."










Jaquey's POV

Ngumiti ako ng makita sila Mama at Nick na mag yakapan.

Hayyy, I miss this place, place kung saan ako belong.

"Mommy, I miss you so much." hinalikan ko sa pisngi ang anak ko.

"Mommy too, I miss you very much." ngiti ko sa kanya.

Lumapit naman sa'kin si Kraven. "Dalhin ko na 'to Ate." sabi niya habang hawak na ang maletang dala ko.

Tumawa ako. "Thanks, Kraven." sagot ko rito.

"Let's go..." aya ng kapatid ko. Wala na akong ginawa kundi sumunod na lang na maglakad.

"Hi Ate Jaquey." napalingon na lang ako. Andito pala si Vin.

"Ow hi Vin." usal ko at ngumiti naman siyang tumingin kay Nick.

Okay I got that.

Ngumiti na lang ako, nasa unahan na kasi ang mahal niya.

Binaba ko si Jaquela at tumakbo naman siya kay Mama. Tumingin ako kay Clifton, diretso lakad lang siya.

"Ate Jaq, how's Italy?" tanong niya sa'kin, ni Vin.

"It's good, nakakasanay na rin naman ako ng attitude nila." sagot ko.

"Ow, someday nga sasabihin ko kay Mommy na pumunta dun hehehehe," saad niya. "Ilang months kayo mag is- stay dito?"

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon