A/N: Sorry po, dahil sa sobrang tagal kong mag-update haha. Busy-busyhan po kasi ako xD hahaha. Anyway, thank you po sa paghihintay ng mga updates ko =)
--------------------------------------------------------------------------------
Chapter 28
Henry's POV
Natulungan ko na ang kasambahay namin sa pag-aayos ng mga pagkain sa kitchen. Kaya babalik na ko sa living room para masabihan sila mommy at Leonora na okay na ang mga pagkain.
"Mommy, okay na po." sabi ko at hinahanap ko si Leonora.
"Okay, good. Let's eat na." sabi ni mommy.
"Po? But where's Leonora?" sabi ko dahil nagtataka akong wala siya dito.
"Ohh, oo nga pala. Umuwi na yata siya." sabi ni mommy.
"What?! Bakit daw? Dapat nagpaalam muna siya sakin." sabi ko.
"Well, ang sabi niya ay ako na daw ang magpaalam sayo, para sa kanya. Medyo sumama daw kasi ang pakiramdam niya. Baka may lagnat? I don't know." sabi ni mommy at nagkibit balikat pa.
Tumango nalang ako. Itetext ko si Leonora, impossibleng hindi siya magpaalam sakin. Importanteng gabi ito para sa amin eh. Bakit naman bigla siyang umalis?
Ako:
"Leonora, bakit ka naman umalis ng biglaan? Hindi ka man lang nagpapaalam sakin? Sumama daw ang pakiramdam mo bigla, sabi ni mommy?"
Tinext ko siya pero medyo may katagalan siyang magreply. Pumunta na ako sa dining room, at naabutan kong kumakain na si mommy. Ako naman ay hindi mapakali.
"Mommy, puntahan ko kaya muna si Leonora?" sabi ko.
"Wag na, kumain ka na muna. Masama lang naman ang pakiramdam niya eh. Wag ka masyadong mag-alala." aniya.
Umupo na ako sa table at kumain nalang din. Tinignan ko ang cellphone ko at wala pa ring reply si Leonora. Nag-aalala na ko, hindi ko natapos ang pagkain ko.
"Excuse me. Tapos na po ako kumain." sabi ko nalang.
Tumango nalang si mommy.
Tinitigan ako ang cellphone ko ng napakatagal hanggang sa maya-maya ay may nagtext na.
Leonora:
"Sorry, hindi na ako nakapag-paalam. Medyo sumama nga ang pakiramdam ko."
Atlast, si Leonora ay nagreply din. Agad naman akong nagreply.
Ako:
"Sige, puntahan nalang kita sa inyo bukas :)"
Leonora:
"Huwag na, nasa Salon ako bukas. Sige na, goodnight."
Ako:
"Edi puntahan kita sa Salon, bye. I love you :)"
Hindi na nagreply si Leonora, pupuntahan ko nalang siya sa Salon bukas.
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
General FictionMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...
