Chapter 27
Ito na ang araw na hinihintay ko, mame-meet ko na ang mommy ni Henry. Sabi nga pala ni Henry, hintayin ko siya ngayon dito sa bahay. Susunduin niya ako, mag-didinner ako sa bahay nina Henry. Kinakabahan at excited ako. Kaya nga nakaready na ako, nakasuot na ako ng dress ngayon. Pumunta ako sa may labas ng bahay sa may garden at naupo muna sa bench malapit sa gate namin.
Matapos ang sandaling paghihintay ay bumusina na ang kotse ni Henry. Agad akong tumungo sa gate at lumabas na ako. Lumabas din sa kotse si Henry at pinagbuksan ako doon sa front seat.
"You're so pretty, bagay na bagay sayo yung dress mo." sabi ni Henry ng makapasok na siya sa driver's seat.
"Thanks." sabi ko nalang.
Tahimik na kaming bumyahe dahil sa medyo kinakabahan nga ako. Habang si Henry naman ay tingin ng tingin sakin.
"Ui, ano bang problema? Baka matunaw ako niyan." sabi ko at tumawa.
"Wala, ang ganda mo kasi sobra. Gusto na kitang pakasalan." aniya at ngumiti.
Ngumiti ako pabalik sa kaniya. Shemmay, yung ngiti niyang yun. Nakakapanlambot ng tuhod, sobrang gwapo niya.
Nang makarating na kami sa bahay nina Henry ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse at bumaba na ako. Ibinato niya sa driver ng mommy niya ang susi ng kotse niya. Siguro ito yung magpapark ng kotse. Pumasok na ako sa napaka-laki at napaka-gandang bahay nina Henry. Agad kong natanaw ang mommy niyang nakaupo sa sala at nanonood ng TV. Nang makita niya kami ay pinatay niya ang TV at lumakad patungo samin.
"Ohh, hi Leonora." bati niya at bineso-beso niya pa ako.
Napangiti ako.
"Hi po, nice meeting you po." sabi ko.
"Henry, puwedeng ayusin mo muna yung nasa kusina?" sabi ng mommy ni Henry.
"Pero mom, andiyan naman sila manang diba?" sabi ni Henry.
"Nak, you help them. Masyadong maraming handa ngayon. Dahil nandito si Leonora at mag-uusap lang naman kami. You know bonding ng girls." sabi ng mommy ni Henry.
"Okay." sagot nalang ni Henry at pumunta na patungo sa kusina.
Medyo kinabahan tuloy ako lalo kasi baka kung anong tanungin sakin ng mommy ni Henry.
"Okay, hija have a seat." sabi ng mommy ni Henry.
"Okay po." sabi ko at ngumiti.
Pumunta ako doon sa couch at umupo, umupo naman sa tabi ko ang mommy ni Henry.
"So, mahal mo ba si Henry?" biglaan niyang tanong.
"Syempre naman po. Sobra sobra." sabi ko.
"Ohh, Leonora... Salazar. Alam na ba niya ang buong pagkatao mo?" aniya.
Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. P-Paano niya nalaman ang tunay kong surname?! I-Impossibleng sinabi ni Henry. Dahil kung sinabi niya iyon ay dapat magpapaalam muna siya sakin na sasabihin niya ang buong pagkatao ko sa mommy niya. Pero papaano ito nangyari?
"Nagulat ka ba hija? Well, sinabi lang naman sakin ito ni Joanna. Pina-imbestiga ka lang naman niya." sabi niya.
"P-Pero-" hindi natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang akong sinampal ng napaka-lakas ng mommy ni Henry.
"Liar! Alam na ba ito lahat ni Henry?! Alam na ba niya?" tanong niya.
Hindi ako makapagsalita dahil parang may namumuong bukol sa lalamunan ko. At once na nagsalita ako ay tutulo ang luha ko. Kaya tumango nalang ako.
"What?! Alam to ni Henry? Ewwww. Ginayuma mo ba siya? Galing kang basurahan. Hindi ka nababagay dito sa pamamahay namin. So, get out. At wag na wag kang magsusumbong kay Henry! Understood? Umalis ka na, now!" sabi ng mommy ni Henry.
Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko at tumakbo ako palabas ng bahay nila. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makalabas ako ng subdivision nila at sa labas ay may mga taxi na kaya sumakay nalang ako doon.
Ang sakit sakit. Bakit ba laging ganito? Hindi ba ako puwedeng magmahal ng walang hadlang? Bakit lagi nalang ganito? Ang sakit sakit na eh.
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
Fiction généraleMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...