Chapter 52

2.7K 50 4
                                    

Chapter 52

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana ng aking maliit na kwarto, agad naman akong bumangon. Tinanghali na ako ng gising. Agad akong lumabas sa kwarto at nagtungo sa lamesa para kumain ng almusal. Meron na namang almusal doon na inihanda ni inay para sakin. Kinain ko na iyon at pagkatapos ay iniligpit ko na ang pinagkainan ko.

Bumalik naman muli ako sa kwarto para kumuha ng damit at tuwalya ko at dumiretso na sa CR para maligo. Pagkatpos kong maligo at mag-ayos ay nagmadali na akong pumunta sa carenderia namin. Nakita ko si inay na siya na ang nagluluto.

"Nay! Bakit naman hindi niyo ako agad na ginising? Tsaka ako na po ang magluluto diyan." sabi ko kay inay.

"Ayaw naman kasi kitang istorbohin sa tulog mo, nak eh." sabi ni inay.

"Hayy, sige na po nay. Ako na ang magluluto dito." sabi ko at ngumiti.

"Sige, kulit mo talaga." aniya.

Nagluto naman ako ng mga ulam at nag-saing na rin ng bigas. Maraming customer ngayon. Nasarapan siguro sa luto ko! Hahahahahaha.

"Oyy, babae!" nagulat ako ng sigawan ako malapit sa tainga ni Mikaela.

"Ano ka ba naman! Kailangan bang sumigaw sa tainga ko?!" sabi ko at inirapan siya.

"Sorry naman po! Hahahaha. Alam mo ba kapag naaalala ko yung couple sa dyaryo kinikilig ako! Sana makahanap na din ako ng prince charming ko!!" sabi ni Mikaela habang kinikilig-kilig pa.

Hindi ako sumagot dahil alam ko naman kung sinong couple ang sinasabi niya. Si Joanna at si Henry lang naman iyon.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong sakin ni Mikaela.

"Ewan ko sayo! Maupo ka na nga lang doon, at alam ko naman na makikikain ka nanaman." sabi ko.

"Hahhahhahaha! Grabe ka naman sa makikikain! Nagbabayad naman ako ahh!" sabi niya.

Humalakhak nalang ako kahit na pilit lang talaga iyon.

***

Nasa carenderia lang ako buong maghapon hanggang sa mag-gagabi na. Nagluluto at nagseserve lang ako sa mga customer namin dito, at kumain na rin naman ako ng tanghalian kasabay si inay at itay.

Joanna's POV

Maghapon lang akong nasa kwarto at nakahiga. Tulog lang ako ng tulog. Hanggang sa magtext na sakin ang mommy ko.

Mom:

"It's already 6pm, we are going to Henry's house na. We have a family dinner, remember? Sumunod ka nalang okay?"

Ako:

"Okay."

Pinilit kong bumangon kahit medyo masakit na ang ulo ko, siguro dahil sa hindi ako kumain at maghapon lang akong nakahiga at pinag-iisapan kung anong gagawin ko.

Tumayo na ako at nag-shower. Sinuot ko naman ang isa sa mga paborito kong dress na kulay red. Inayos ko ang buhok ko at pinatuyo gamit ang blower ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay pumunta na ako sa garage namin. Naabutan ko naman ang driver namin doon.

"Manong, sa bahay po nila Henry." sabi ko.

Tumango naman siya at pinagbuksan na ako ng pinto sa back seat. Umandar na ang kotse at bumuntong hininga nalang ako. Ano kaya ang gagawin ni Henry kapag kinasal na kami? Natatakot ako, natatakot ako na baka siya na mismo ang hindi pumunta sa kasal namin. Natatakot akong masaktan ng sobra-sobra at natatakot akong mapahiya sa mga bisitang naroroon.

Ano kaya ang dapat kong gawin? Dapat bang ako na mismo ang magparaya? Dapat ko na bang itigil itong kasal namin next month? No! Marami na akong ginawa para mapasakin si Henry! Hinding-hindi ko na siya pakakawalan!

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon