Chapter 12

4.4K 97 3
                                        

Chapter 12

Pumunta si Joanna sa Salon na siyang ikinagulat ko, itong babaeng toh talaga pasulpot-sulpot nalang.

"Ohh, anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Wala lang, yayayain lang sana kitang sumama samin ni Henry maghahang out lang. You know! Magbe-beach" sabi ni Joanna.

Ngumiti nalang ako at sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano yung isasagot ko sa kanya.

"H-Hindi, kayo nalang. Ano ba! Mas masayang kayong dalawa lang para may privacy." sabi ko at hindi ko maiwasan ang tabang sa boses ko.

"Sumama ka na please!" sabi ni Joanna.

Hindi ko talaga alam parang name-mental block ako na hindi ko malaman. Ewan, hindi ko talaga alam sasabihin ko. Pero mas mabuti ng hindi nalang ako sumama dahil baka ma-OP lang ako doon.

"Hindi talaga ako puwede eh." sabi ko.

"Bakit naman, hindi ka puwede?" aniya.

"May gagawin pa akong trabaho." agad kong sinabi.

"Tsaka na yan. Isang araw lang naman eh please na! Sumama ka na!" sigaw niya sakin.

"Marami pa talaga akomg gagawin at ayaw mo yun? Solong solo mo si Henry." sabi ko at ngumiti.

Nakita ko ang malungkot niyang ekspresyon, pero ayoko talagang sumama sa kanila eh.

"Dali na, sayang naman yung pagpunta ko dito. Gusto pa naman kita i-invite na personal." sabi ni Joanna.

"Huwag mo nalang kasi akong pilitin." sabi ko nalang.

"Friendship Over na tayo kapag hindi ka sumama." sabi ni Joanna.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi niya or what.

"Sorry, sana maintindihan ko nalang ako." sabi ko.

"Please! Please! Please!" sabi niya sakin.

"Sorry talaga." yun nalang yung sinabi ko.

Sobrang nagulat ako ng makita kong lumuhod na siya sa harapan ko.

"Please!" sabi ni Joanna.

Sobrang babaw naman nitong babaeng toh. Bakit naman siya luluhod para lang pilitin ako?

"Ui, bakit ka naman lumuluhod! Tumayo ka nga!" sabi ko.

Matapos ang sobrang habang pilitan ay napilit niya naman din ako. Grabe, hindi talaga ako nito titigilan.

Joanna's POV

Dumaan ako ng maaga sa Salon ni Leonora, para lang imbitahan siya sa hang out namin ni Henry. Sa totoo lang pinilit lang talaga siya ni Tita na sumama sakin eh at sa totoo lang gusto kong kaming dalawa lang talaga ni Henry kaso alam kong awkward nanaman yung mangyayari dahil parang ang boring kapag kaming dalawa lang kasi ang tahimik niya eh. At para hindi ako masyadong ma-awkward edi isasama ko nalang si Leonora, feeling ko siya na nga yung the one. I mean siya yung pinagkakatiwalaan ko ng lubos i mean siya na yung pinaka- best friend ko na. Kaso si Ailenne yung best friend ni Leonora eh.

Atlast, ng mapilit ko na si Leonora ay syempre sumobra yung ka-excitedan ko para sa biyahe bukas. At yung pinakamamahal kong lalaki na si Henry yung kasama ko ng matagal sa kotse at siya pa yung magdadrive ng kotse at syempre nasa front seat ako! Matagal ko siyang makakasama! Kaya lalo akong nae-excite.

Kinagabihan ay agad kong tinawagan si Leonora.

"Hello, Leonora. Mga 5am tayo aalis bukas ahh. Sa Subic tayo pupunta mga 3 hours lang naman yung biyahe! Para mas maaga tayo." sabi ko.

"Hindi naman kayo masyado excited noh?" sabi ni Leonora.

"Konti lang. Haha." sabi ko.

"Sige na maaga pa pala tayo bukas kaya matutulog na ko ng maaga." sabi ni Leonora.

"Sige, goodnight." sabi ko at binaba na ang linya ng telepono.

Excited na talaga ako bukas sa hang out namin baka hindi na ako makatulog nito.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon