Chapter 6

5.4K 112 7
                                    

Chapter 6

Kamusta kaya ang date ni Joanna sa oras na mga ito? Medyo nacucurious tuloy ako kung ano na ang nangyayari, siguro ay namangha na yung lalaki dahil sa ganda palang ni Joanna.

*RING! RING!*

Tinignan ko ang cellphone ko at tumatawag nanaman si Joanna.

"Hello? Joanna, ano na nangyari?" tanong ko nang sinagot ko ang tawag niya.

"Leonora! Sana nakinig ako sayo, hindi niya yata gusto yung makapal na make-up para sakin." sabi ni Joanna sa malungkot na boses.

"Ohh? Okay naman ahh, maganda ka pa rin." sabi ko.

"1 hour lang dinner namin, inuwi na niya agad ako. Talagang kumain lang talaga kami." sabi ni Joanna.

"Grabe naman yung lalaking iyon! Ang sama ng ugali! Hindi ka man lang pinuri! Sinabi pa niyang ayaw niya sa make-up mo!" sabi ko.

"Easy ka lang, gusto na talaga kitang ipakilala sa kanya kailan ka ba free? Next week? Puwede ka na bang next week?" aniya.

"Sige, nang masapak ko na siya." sabi ko at sabay kaming humalakhak.

"Sige na, may trabaho din ako bukas kaya goodnight!" aniya.

"Goodnight din." sagot ko.

Binaba ko na agad ang linya. May ganun palang mga lalaki na nabubuhay pa sa ngayon haha. Na hindi tumitingin sa physical na anyo. Kasi ang ganda kaya ni Joanna tapos gaganunin niya? Haha. Kung ibang lalaki yun siguro pinakasalan na agad si Joanna.

Kinabukasan ay kinuwento ko kay Ailenne lahat ng nangyari kay Joanna kahapon.

"Wala akong pakielam sa buhay ng Joannang iyon!" sabi ni Ailenne at nakataas pa ang kilay.

"Grabe haha, di ka naman maka-get over sa sinabi ni Joanna nung nakaraang araw na sikat ka dati so it means dati ka lang daw sikat." sabi ko sabay halakhak.

"Ewan ko sayo!" sagot ni Ailenne.

Humalakk lang ako.

"Bakit ka nga pala nandito? Sino nag-aalaga kay Eve?" tanong ko dahil nandito siya sa bahay.

"Si mama." simpleng sagot ni Ailenne.

"Ahh, ganern. Okay." sagot ko na parang wala sa sarili.

"Naaalala mo yung lalaking nakita no sa hospital?" sabi ni Ailenne.

"Ohh? Ano naman?" sabi ko.

"Yieee! Kinikilig ka ba pag naaalala mo siya? Nginitian ka kaya niya tapos nagkahawak pa ang inyonh mga kamay!" sabi ng nang-aasar na si Ailenne.

"Ewan ko sayo!" sabi ko sa kanya.

"Paano pag nagkita ulit kayo?" tanong ni Ailenne.

"Anong paano? Edi wala lang." sabi ko.

"Yieeee." asar ni Ailenne.

Hindi nalang ako umimik at naisip ko nga paano nga kung nagkita ulit kami? Ano kaya ang reaction niya? Bakit ko ba toh iniisip! Tss. Kaasar naman kasi tong si Ailenne eh! Kung makapang-asar eh.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon