Chapter 24

3.4K 70 6
                                    

Chapter 24

Joanna's POV

"Ano po ang ipapagawa niyo sakin?" tanong ng tauhan ko.

"Gusto ko sana ipa-backround check si Leonora De Guzman o mas kilala sa pangalang Sheryl De Guzman." sabi ko.

"Opo, ma'am." sagot naman niya.

"Gusto ko bawat detalye ng buhay niya ay nandoon. Walang maiiwang mahahalagang detalye sa buhay niya. Naiintindihan mo?" sabi ko.

"Opo, ma'am." aniya.

Agad ko namang pinutol ang linya.

Humanda Leonora, ilalabas ko lahat ng bahong tinatago mo!

Leonora's POV

Hindi ako pumasok sa salon ngayong araw. Masyado kasi akong maraming iniisip. Lumabas ako ng bahay at naglakad-lakad, kapag marami akong iniisip isa lang naman ang pinupuntahan ko eh. At iyon yung park sa subdivision namin.

*RING! RING! RING!*

Sinagot ko ang cellphone ko nag-riring, ata si Henry ang tumatawag.

"Hello? Bakit ka napatawag?" tanong ko.

"May maganda akong ibabalita sayo." aniya.

"Ano naman yun?" sabi ko.

Pagkatapos malaman ni Joanna ang lahat may magandang balita siyang ibabalita? Ano kaya yun?

"Nasaan ka ba? Gusto ko kasi ito sabihin sayo ng personal." aniya.

"Nasa park ako ngayon sa subdivision. Malapit lang naman sa bahay." sabi ko.

"Sige, i'll go there immediately. Excited na talaga akong sabihin sayo ito eh." aniya.

"Okay." sabi ko at pinutol na ang linya.

Ano naman kaya ang sasabihin niya? Na-curious naman ako. Ang aga-aga pa ahh.

"Ohh, umagang umaga malungkot ka?" sabi nung boses lalaki.

Lumingon ako at nakita ko si Ivan.

"Ikaw pala." sabi ko.

Minsan hindi ko toh maintindihang lalaking toh eh, bigla nalang pasulpot-sulpot.

"Anong ginagawa mo naman dito?" tanong ko.

"Wala, lagi naman talaga akong nakatambay dito kapag ganitong oras." aniya.

Umupo siya sa tabi ko.

"Nakita kita kagabi kasi nung papauwi na ako sa bahay, nakita kitang parang ang lungkot mo tapos namumugto yung mga mata mo. Nung pagkababa mo sa kotse." aniya.

"Ahh, wala yun." sabi ko nalang.

"Bakit ba kasi ayaw mo pa sabihin yung dahilan?" sabi ni Ivan.

Hindi nalang ako umimik.

"Alam mo naman kahit anong mangyari, nandito lang ako diba? Kaya kapag may problema ka puwede mo akong lapitan." sabi ni Ivan at hinawakan pa ang kamay ko.

Agad kong kinalas ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Ano ba toh? Hindi kaya... Hindi kaya mag gusto pa siya sakin? No, impossible. Hindi naman siguro. Sana nga hindi.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon