Chapter 4
*RING! RING!*
Halos mapatalon ako sa gulat ng nagring ang cellphone ko, ano bayan. Ang aga pa, sino naman kaya ang tatawag sakin ng ganitong oras? Baka si Ailenne lang.
Tinignan ko ang cellphone ko at nagulat ako ng si Joanna pala ang tumatawag sakin, kaya naman agad ko itong sinagot.
"Hello?" sabi oo nung sinagot ko na ang tawag niya.
"Uwahhhh!" napangiwi ako sa lakas ng sigaw niya.
"Bakit? Anong problema? May nangyari ba sayo?" tanong ko.
"Wala naman kaso shet! Shet lang talaga OH EM GEE!!!" sabi ng sobrang sigla at sayang si Joanna.
"Huh? Anong nangyari?" medyo nagtataka kong tanong.
"Kasi yung lalaking kinukuwento ko sayo! Niyaya niya akong magdinner mamaya!!" sigaw ni Joanna.
"Ahh, congrats." simple kong sagot.
Bakit ba kailangan niya pang sabihin sakin ito?
"Uhm... Sorry sa abala, wala kasi akong makuwentuhan ng pangyayaring ito. Di ko kayang sa sarili ko lang kanina pa ko nagsisigaw dito sa kwarto ng mabasa ko ang text niya eh." sabi ni Joanna.
Sinagot niya na rin ang mga naglalarong tanong sa isip ko.
"Sige, okay lang." sabi ko nalang.
"Uhm, pupunta ako mamayang hapon diyan sa salon mo magpapacurl ako ng hair ko at magpalamake up na rin." medyo maarte niyang sinabi.
"Sige ba." sabi ko naman.
"See ya! Mamayang hapon bye." aniya at pinutol na ang linya.
Nawala tuloy ang antok ko, kaya maaga nalang akong papasok sa trabaho ngayon.
Maaga na nga akong pumasok sa salon, di na ako nakapagpaalam kay mommy dahil tulog na siya at ayoko naman siyang abalain sa mahimbing niyang tulog dahil puyat nanaman siya kakatrabaho.
"Good Morning! Ma'am." sabi ng mga epleyado ko sa salon ng nakapasok na ako dito.
Binati ko rin naman sila pabalik kaya tumango nalang sila at ngumiti.
Makalipas ang ilang oras ay dumating na si Joanna at agad akong niyakap.
"Ohh, medyo napaaga ang dating mo ahh." sabi ko.
"Excited kasi akong magkuwento sayo!" sabi niya.
Nginitian ko lang siya.
"Grabe! Sobrang saya talaga! Di na ko makapaghintay na makipagkita sa kanya!" aniya.
"Halata ngang excited ka eh." sabi ko.
"Oo sobra talaga!" aniya.
"So, kuwentuhan nalang tayo habang pinapaganda na kita." sabi ko at ngumiti.
"Sure!" sabi niya.
Sobra-sobrang saya naman nitong babaitang ito haha. Swerte naman nung lalaki sa kanya at mahal na mahal siya. Sana naman maaprreciate nung lalaki na pinaghandaan ni Joanna ang dinner nila dahil nagpaganda pa ito.
"Alam mo ba! Hindi ko pa rin binubura yung text niya sakin ang nakalagay nga dun 'Joanna, yayayain sana kita magdinner after ko sa work.' Ohmygod! Simpleng text lang yun pero grabe 5 hours kong paulit-ulit na binabasa iyon!" sabi ni Joanna.
Di ako nagsasalita at nakikinig nalang ako sa mga kuwento niya habang inaayos ko ang buhok niya at kinukulot ko ito.
"Gandahan mo ayos ng buhok ko haha. Isa na toh sa pinakamasayang araw ko! Lalo na pag natuloy ang kasal namin!" aniya.
"Oo, makita ka palang nun gugustuhin na niyang magpakasal agad sayo." sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Sana nga haha." aniya.
Matapos kong ayusin ang buhok niya ay minake-upan ko na siya. Medyo simple lang ang make-up ko sa kanya na parang nagmukha siyang anghel dahil sa make-up na ginawa ko sa kanya.
"Ayan ang ganda mo na!" masigla kong sinabi kay Joanna.
Minulat niya ang kanyang mga mata at tinitigan niya yung sarili niya sa mirror sa harapan niya.
"Ang ganda ko nga, pero parang di masyado kita yung make-up." aniya.
"Bagay nga sayo eh." mahinahon kong sinabi.
"P-Puwedeng medyo paki-kapalan yung halatang nagmake-up talaga ako." sabi ni Joanna.
"Huh? Bakit eh mas bagay talaga sayo yan." sabi ko.
"Please... Sana ikaw nalang nga ako eh, kahit walang make-up maganda pa rin lalo na pag may make-up." sabi ni Joanna sakin.
"Huh? Haha, alam mo mas mukha kang anghel kapag simple lang make-up mo." sabi ko.
"Pakikapalan pa rin." sabi ng makulit na si Joanna.
Sinunod ko ang gusto niya.
"Ayan okay na?" sabi ko.
"Oo! Puwede na toh. Paano maraming salamat Leonora! Thank you talaga!" sabi ni Joanna sakin at niyakap ulit ako.
Nagmamadali siyang umalis sa salon at iniwan nalang niya may may upuan ang bayad niya.
Mas bagay talaga sa kanya yung simpleng make-up, hindi yung ganun kakapal. Kung ako siya hindi na nga lang ako magmemake up, para simple lang. Kasi kahit anong itsura mo kung mahal ka naman nung taong yun tatanggapin ka pa rin niya.
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
General FictionMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...