Chapter 43
Nang makabili na kami ng iphone ay pumunta kami sa isang restaurant para makapag-lunch na.
"Wag mo ibigay number mo kahit kanino. Ako lang dapat i-text mo ahh." sabi ni Henry.
"Paano si Ailenne? Yung best friend ko." tanong ko.
"Okay lang kung babae, pero wag lalaki." sabi ni Henry.
"Okay." yan nalang ang tangi kong sagot.
Ang possesive naman ng lalaking ito. Nang matapos kami mag-lunch ay dinala niya ako sa cold stone at ibinili niya ako ng ice cream doon.
"Dessert naman hahaha." sabi ni Henry.
Umupo kami sa gilid at may nakita akong dalawang babae na titig na titig kay Henry pati nga yung nasa cashier nakatitig din kay Henry.
"Ang pogi!" sabi nung dalawang babae.
Hindi naman sila pinapansin ni Henry at kumain nalang siya ng kumain. Kumain nalang din ako ng tahimik. Pagkatapos namin kumain ay inakbayan ako ni Henry.
"Ayy, may girlfriend na yata! Sayang!" sabi nung dalawang babae.
"Ano pang gusto mong gawin?" tanong sakkn ni Henry habang naglalakad kami sa gitna ng mall.
"Wala na naman. Halika na at umuwi na tayo medyo inaantok na din kasi ako, feeling ko pagod na pagod na ako." sabi ko.
Inaantok na naman kasi talaga ako.
"Sige." aniya.
Pumunta na kami sa parking lot at sumakay na sa kotse niya. Habang bumabyahe kami ay naka-idlip naman ako.
"Leonora, andito na tayo." sabi ni Henry kaya ako nagising.
Bumaba ako sa kotse niya at nag-unat-unat pa. Inakbayan ako ni Henry hanggang sa makapasok kami sa bahay nila. Nawala lahat ng antok ko ng makita ko ang mommy ni Henry na nasa sala at nakaupo sa sofa habang umiinom ng wine! Lumaki ang mata ng mommy ni Henry ng makita niya ako.
"Mommy, bakit ang aga mo yatang umuwi?" tanong ni Henry.
"Wala lang gusto ko sanang makapag-pahinga sa bahay dahil medyo sumakit ang ulo ko kanina. Hindi ko naman alam na mas lalong sasakit ang ulo ko dito sa bahay dahil nandito ang Leonora'ng iyan!" sigaw ng mommy ni Henry.
"Mommy! Wag mong pagsabihan si Leonora ng ganyan!" sigaw ni Henry sa mommy niya.
"What the hell are you doing here?!" sigaw sakin ng mommy niya.
"K-Kasi po-" hindi natapos ang sasabihin ko dahik sumagot agad si Henry.
"Dito po siya muna mag-iistay." mariing sinabi ni Henry.
"WHAT?! Hindi puwede! May fiancè ka na Henry at si Joanna iyon! Sisirain lang ng babaeng yan ang relasyon niyo! At ayokong may basura dito sa pamamahay ko!" sigaw naman ng mommy ni Henry.
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko mahal si Joanna! Hindi ko siya mahal! Si Leonora ang mahal ko mommy at hindi na magbabago ang isip ko! Kung hindi mo matatanggap si Leonora ay mas mabuti pang kalimutan niyo ng anak niyo ako." sabi ni Henry.
Nagulat naman ang mommy niya sa sinabi niya kaya napatayo ito bigla at nabagsak ang hawak niyang glass ng wine.
"Look Leonora! Anong ginawa mo sa anak ko?! Hinypnotize mo ba siya?! Or baka ginayuma mo! Isa kang dukha! Hindi ka nababagay sa anak ko!" sigaw ng mommy ni Henry.
Para naman nangilid yung luha sa mga mata ko. Hinatak nalang ako ni Henry sa wrist ko hanggang sa makapasok kami sa kwarto niya. Agad din naman bumuhos yung luha ko.
"I-I'm so sorry." sabi ni Henry at niyakap ako ng mahigpit.
Umiyak naman ako sa dibdib niya. Ang sakit ng mga pinagsasabi ng mommy niya, alam kong mahirap lang talaga ako pero hindi na niya dapat ipamukha pa sakin iyon. Lalo ko tuloy nakikita at nararamdaman ang napakalaking pagitan sa amin ni Henry. Mayaman sila at wala lang ako, isa lamang akong basura.
"Sorry Leonora, hindi ko maintindihan si mommy. Sabi niya dati tanggap niya tayo, pero nung nalaman niyang hindi ka talaga tunay na anak ni Sarah ay umayaw naman siya sayo. Matapobre talaga siya. I'm so sorry Leonora." sabi ni Henry at hinaplos ang likod ko.
"O-Okay lang, totoo naman kasi ang sinabi ng mommy mo." sabi ko kay Henry.
"Wala akong pakielam sa mga sinasabi niya. Ang mahalaga ay ikaw at ako." sabi ni Henry at pinunasan niya yung luha ko.
Tumango naman ako sa mga sinabi niya.
"Balik na ako sa guest room niyo. Doon nalang ako magpapahinga." sabi ko.
"S-Sige." sabi ni Henry at sinamahan niya ako papunta doon sa guest room.
Humiga na ako sa kama at pumikit nalang.
"Sleep well." sabi ni Henry at hinalikan ang forehead ko.
Iminulat ako mata ko at nakita ko si Henry na lumabas na sa kwarto. Nangilid nanaman ang luha sa mata ko. Hindi ako matatanggap ng mommy ni Henry, ano na ba ang dapat kong gawin? Bakit ba padagdag ng padagdag ang mga problema ko? Wala naman akong ginawang mali ahh. Ano bang kasalanan ko para bigyan ako ng mga trials na ganito kahirap?
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
Ficción GeneralMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...
