Chapter 25

2.9K 60 4
                                    

Chapter 25

Nginitian ko nalang si Ivan at siya naman ay ngumiti nalang din pabalik. Parang ang awkward ng atmosphere dito, kasi magkatabi nga kami kaso sobrang tahimik lang. Hanggang sa nakita ko na ang kotse ni Henry. Agad akong tumakbo papunta doon at sumakay agad sa front seat, iniwan ko na si Ivan doon kasi nakakahiya iyong ka-awkwardan naming dalawa.

"B-Bakit?" tanong ni Henry.

"Huh?" sabi ko naman.

"Bakit pawis na pawis ka?" tanong niya.

"Wala naman ang init kasi sa labas eh." sabi ko nalang, pero ang totoo ay pinagpapawisan na ako sa kaba ko kanina.

"Eh, sino yung lalaking katabi mo doon?" tanong ulit ni Henry.

"Wala, yun yung kaklase ko dati at... At kaibigan ko lang siya." sabi ko at ngumiti.

Tumango si Henry.

"A-Ano nga pala yung magandang balita na sinasabi mo?" tanong ko.

Kinuwento niya ang lahat-lahat sa akin na tanggap na daw ako ng mommy niya.

"Puwede na kitang pakasalan!" sigaw ni Henry sa loob ng kotse at niyakap ako.

Hindi na ako umimik at napangiti nalang ako, hindi ko aakalain na matatanggap ako ng mommy niya. Pero salamat na din at natanggap din ako sa wakas.

"So, sumama ka sakin next week ahh, mag-didinner tayo with mommy." sabi ni Henry.

"Bakit next week pa?" tanong ko, dahil kahit papaano ay excited na rin akong makita ang mommy niya.

"Kasi masyado pang busy sa trabaho si mommy, so next week nalang." sabi ni Henry.

Tumango ako at ngumiti.

Joanna's POV

Makalipas ang anim na araw ay ngayon palang ako tinawagan nung private investigation ko.

"Hello? Ano ng balita?" tanong ko ng sinagot ko ang cellphone ko.

"Ma'am, nalaman ko na po yung buhay ni Leonora. Ibibigay ko po sa inyo yung reports ko, tungkol kay Leonora." aniya.

"Okay, pumunta ka na ngayon dito sa bahay para makita ko na agad." sabi ko.

Bago pa siya sumagot ay pinatay ko na ang linya ng telepono. Humanda ka Leonora, ito na yung araw na pinakahihintay ko. Lahat ng baho mo ay sisingaw din at sisiguraduhin kong ako ang unang makakaamoy nun.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon