Chapter 21

3.5K 75 7
                                    

A/N: Happy new year po sa inyong lahat!
-----------------------------------------------------------------
Chapter 21

Agad akong sinakay ni Henry sa kanyang kotse.

"A-Ano nang gagawin natin ngayon? N-Ngayong alam na ni Joanna." sabi ko at humihikbi pa rin.

"Stop crying, Leonora. I-eexplain ko toh kay mommy." aniya at hinawakan ang kamay ko.

Tumango nalang ako. Ini-start na niya ang kotse at umandar na ito, siguro ay iuuwi na niya ako samin.

Sa wakas, tumigil na rin ang kakaiyak ko at feeling ko sobrang pagod na pagod na ako. Gusto ko ng magpahinga, at makapag-isip ng maayos. Masyadong maraming nangyari ngayong araw na ito.

Joanna's POV

Nung nakita kong hinatak ni Henry sa wrist si Leonora ay lalo akong napahagulgol. So, mas pinipili niya sa Leonora?! Hindi pa tayo tapos Leonora! Tinuring kitang kaibigan! Pero tinraydor mo ko!

Sumakay ako sa kotse at pupunta ako ngayon sa bahay nila Henry! Isusumbong ko siya kay tita! At sisiguraduhin kong ito na ang huling araw na magkasama sila!

Nang makarating ako sa bahay nila ay naabutan ko si tita na nanonood ng TV habang umiinom ng wine.

"T-Tita." sabi ko at agad siyang lumingon sakin.

"Oh, what happened? Hija? Why are you crying?" tanong ni Tita na agad tumayo para damayan ako.

"Tita, si Henry may ibang babae." sabi ko at umiyak ng umiyak.

"What?!" sabu ni tita na takang-taka pa.

"Kaya pala hindi na siya pumapayag kapag niyayaya ko siya'ng mag-dinner, dahil may iba siya'ng ka-dinner!" sabi ko at umiyak ulit ng umiyak.

"P-paanong nangyari iyon?" tanong ni Tita na takang-taka pa rin.

Kinuwento ko lahat-lahat ng nangyari at syempre yung tungkol kela Leonora at Henry.

"Yung sikat na make-up artist? Yun yung babae ni Henry?" tanong ni Tita.

"Yes po." sabi ko.

"Okay, hija. Kakausapin ko si Henry. You need rest, umuwi ka na bukas at aayusin ko ang lahat lahat. Okay?" sabi ni tita.

Tumango nalang ako at dumiretso na sa kotse. Sasakay na dapat ako sa kotse ng makita ko si Henry sa papasok sa bahay nila. Agad akong tumakbo patungo sa kanya at hinatak ko siya papunta dito kung saan naka-park ang kotse ko.

"What are you doing here?!" sigaw ni Henry at kinalas niya ang braso niya sa kamay ko.

"Henry! Please! Ako nalang! Ako nalang!!!" sigaw ko at lumuhod pa sa harap niya.

"Ganyan ka na ba ka-desperada? Joanna, listen. Gusto mo bang pakasalan ako kahit hindi naman talaga kita mahal? Mahal ko si Leonora, at sa kanya lang ako. Sa kanya lang ako magpapakasal." sabi ni Henry.

Umiyak ulit ako ng umiyak.

"Henry! Ganoon ba ko kahirap mahalin? Ang tagal na natin magkakilala! Mula bata pa tayo! Eh si Leonora?! Ngayon-ngayon lang! Mahal kita higit pa kanino man!" sigaw ko.

Umiling lang si Henry at umambang aalis na para pumunta sa bahay niya.

"Henry! Please, ako nalang. Please. Wala akong pakielam kung mahal mo ako o hindi dahil alam kong matututunan mo rin akong mahalin! Kaya please ako nalang!" sabi ko kay Henry at niyakap siya habang nakatalikod.

"I'm sorry, Joanna." sabi ni Henry at kinalas niya na ang braso kong naka-yakap sa baywang niya at tuluyan na siyang umalis.

Hindi! Hindi ito puwedeng mangyari! Mapapasa-akin ka din Henry! Dahil ako lang ang may karapatan at ako lang ang nararapat para sayo!

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon