Chapter 3
Ngayong araw na ito ay nag-aaya sina Ailenne at Eve na mamasyal.
"Di ako puwede, papasok pa ko sa trabaho." sabi ko.
"Tita, please! Come with us na po. Miss ko na po kayo." sabi ni Eve at nakahawak pa sa pants ko.
"Sumama ka na kasi. Pagbigyan mo na si Eve." sabi ni Ailenne.
"Sige na nga!" sabi ko.
Sa huli ay pumayag din naman ako.
"Yehey!" sigaw ni Eve.
Kaming tatlo lang ang mamamasyal at wala si Nathan dahil may trabaho na ulit siya.
Nang nasa mall na kami ay sumakay kami sa elevator para pumunta sa 5th floor para manood ng cine. May mga lumalabas na sa elevator at papasok naman na kami... Pero parang nawala ako sa sarili, bigla nalang lumakas yung tibok ng puso ko at parang nagiging slow motion yung pagpasok namin sa elevator at yung paglabas ng mga tao. Nahihilo lang ba ako or what?
"Ui, okay ka lang ba?" sabi ni Ailenne ng pabili na kami ng ticket.
"O-Oo, okay lang ako ano ka ba." sabi ko.
"S-Sige." sagot ni Ailenne.
"Mommy, can we eat first. I'm hungry na po." singit ni Eve.
"After kong bumili ng ticket kakain na tayo ha." sabi ni Ailenne sa kanyang anak.
Nang makabili na si Ailenne ng ticket ay pumunta na kami sa restaurant kung saan kami kakain.
"L-Leonora?" sabi ng isang babae na kumalabit sakin.
"J-Joanna? Ui, nandito ka rin pala." sabi ko kay Joanna na saktong nandito rin pala.
"Oo eh, naglunch lang kami nung lalaking sinasabi ko sayong pinagkasundo sakin ng parents ko. Sayang! Di mo siya naabutan. Hindi tuloy kita napakilala." sabi ni Joanna at ngumuso.
"Oo nga eh, kamusta naman ang lunch niyo?" tanong ko at ngumiti.
"Yun nga eh, parang ang awkward. Ang tahimik niyang kumain. Nagsalita lang siya nung paalis na siya, wala, nagpaalam lang sakin. Tsss. Tapos di pa ko tapos kumain iniwan na agad ako. Tama ba iyon? Kaya ito ako ngayon. Uuwi na, kakatapos lang kumain." sabi niya at naging malungkot yung expression niya.
"Ahh ganun ba.Ui, siya nga pala Joanna. Si Ailenne yung Best Friend ko at si Eve yung anak niya." sabi ko.
"Ahh, si Ailenne oo. Yung sikat na make-up artist dati. Nice to meet you. Ako pala yung friend nitong si Leonora." sabi ni Joanna at nilahad ang kamay niya.
Tinanggap naman ito ni Ailenne.
"Nice to meet you too." sabi ni Ailenne at tumaas pa ang kilay nito.
"Oh paano ba yan, una na ko. See you Leonora. Bye!" sabi ni Joanna at nakipagbeso pa sakin.
"S-Sige, ingat ka." sabi ko.
Tuluyan ng umalis si Joanna at umupo na kami ni Ailenne doon sa may restaurant.
"Bakit parang badtrip ka?" sabi ko kay Ailenne na tumitingin ng mga pagkain sa menu.
"Nakaka-offend lang kasi sabihan ba naman akong make up artist na sikat dati. Nakaka-hurt sa feelings." sabi ni Ailenne.
"Hayaan mo na. Kapag may salon ka na ulit pag natapos yung pagpapatayo ko dun. Siguradong sisikat ka na ulit. At baka maging customer mo pa siya. Haha." sabi ko.
"Sana nga." sagot naman ni Ailenne.
Umorder na kami ng pagkain at nung pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa cine sakto naman ang pagdating namin, at ganun yung oras na nakalagay sa ticket.
Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ang pinanood namin. Medyo antok na nga si Eve eh.
"I wanna go home na po." sabi ni Eve.
"Ito na nga at uuwi na tayo." sabi ni Ailenne.
Pumunta na kami sa parking lot kung saan nakapark ang kotse ko. Nilagay ni Ailenne si Eve sa back seat at siya naman iyong nasa front seat. Ako naman syempre yung nasa driver's seat.
"Leonora." biglang tawag sakin ni Ailenne.
"Bakit?" tanong ko.
"Naaalala mo ba yung sa Hospital, yung naaksidente ka dahil sakin." sabi niya.
"Ohh tapos?" sabi ko.
"Yung lalaking nginitian ka yung kinuwento mo saking kinilig at nagwapuhan ka." aniya.
"Ohh?" sabi ko at medyo nagtataka sa mga pinagsasabi niya.
"Nakita ko nga pala siya, di mo lang siya nakita pero nung papasok tayo sa elevator at palabas siya sa elevator ay dumaan kaya siya sa tabi mo." sabi ni Ailenne.
"Ahh okay." simple kong sagot.
So, dumaan pala siya sa tabi ko yung lalaking nasa hospital na gwapo at malaki ang pangangatawan na akala ko ay isang diyos na ng kagwapuhan. Pero ano naman kung dumaan siya? Hindi naman siguro siya yung dahilan kung bakit lumakas yung tibok ng puso ko at parang nag-slow motion yung paggalaw ng lahat. Siguro ay nahilo lang ako noon. Pero pag-naiisip ko siya, di ko talaga maiwasan na puriin siya. Sino kaya siya? Ano kayang pangalan niya?

BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
General FictionMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...