Chapter 1

10.3K 163 6
                                    

A/N: Ito na po ang book 2 ng "Wife's revenge" sana po magustuhan niyo.
------------------------------------------------------
Chapter 1

Masayang naglalaro si Eve sa park, at ang mommy at daddy naman niyang sina Ailenne at Nathan ay nakaupo sa bench. Nakasandal ang ulo ni Ailenne sa balikat ni Nathan, ang saya saya nilang tignan. Habang ako naman ay nakasandal sa tabi ng puno. Happy family na talaga sila. Soulmate nga talaga siguro sina Ailenne at Nathan, pero maniniwala ba ako sa soulmate? Eh 25 years old na ko at hindi ko pa rin nakikita yung soulmate ko haha.

Nagulat ako ng may dumampi na kamay sa balikat ko. Napatingin ako at si mommy lang pala.

"Bakit po mommy?" sabi ko.

"Wala lang, nakangiti ka kasi mag-isa diyan." aniya.

"Ang saya lang po kasi nila tignan, isang masayang pamilya." sabi ko.

Tumango nalang si mommy at umupo sa tabi ko at kinain na ang dala niyang sandwich.

Tinuring na talaga akong isang tunay na anak ni mommy, samantalang ang tunay kong parents ay nasa probinsya pa rin. Pinauuwi ko na sila dito para dito na sila tumira ngunit ayaw nila. Ayaw nilang iwan ang maliit na bahay namin doon at ang lupa namin na pinagsasakahan ni itay. Kami na mismo ang umuuwi nina Ailenne at Mommy doon tuwing pasko at bagong taon.

Pero kahit malayo sila sa akin ay thankful pa rin naman ako na nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal ng tunay na ina. At kay mommy ko iyon ulit nararamdaman. Nakalipas na ang isang taon, bumuti na ulit ang kalagayan ko. Maayos na ang lahat pero parang may kulang parin. Bakit kaya hindi nalang ako makuntento? Bakit parang may hinahanap pa rin ako? Ano nanaman ba ito? Minsan bigla bigla nalang ako lumulungkot ng walang dahilan at minsan sumasaya ng walang dahilan.

Iniisip ko nga kung ganun din yung nararamdaman ng soulmate ko eh. Tsss. Nababaliw na yata ako para akong tanga at isip ng isip tungkol sa soulmate-soulmate na yan. Siguro ay hindi naman talaga totoo yang bagay na yan.

"Ui, Ang lalim ng iniisip mo ahh." sabi ni Ailenne noong nasa bahay nila ako.

Halos mapatalon ako sa gulat ng kinalabit niya ako.

"Wag ka ngang manggulat!" sigaw ko.

"Bakit ba kasi ang lalim ng iniisip mo?" tanong niya at humahalakhak.

"What's funny?" mataray kong sinabi.

"Ito naman High Blood!" sabi ni Ailenne na nakangiti pa rin.

"Naniniwala ka ba sa soulmate?" biglaan kong tanong kay Ailenne.

"U-Uhm... Hindi ko alam eh, maybe? Hindi ko talaga alam eh. Pero kung totoo man yun soulmate talaga kami ni Nathan." sabi niya at humalakhak siya.

"Tsss. Baliw, ewan ko sayo." sabi ko nalang.

"Pero, wag ka mag-alala dadating din yang soulmate mo sa tamang oras at sa tamang panahon." aniya at ngumiti ulit.

"Okay." sabi ko at bumuntong hininga.

Siguro nga at tama si Ailenne na sa tamang oras at tamang panahon pa iyon mangyayari. Hahaha, bakit ko ba iniisip ang mga ito? Nakakainggit naman kasi sila Ailenne at Nathan eh. Gusto ko rin naman magkaroon ng isang masayang pamilya din.

Pero siguro tama nga si Ailenne. Darating din ito sa tamang oras... at sa tamang panahon.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon