Chapter 53

3K 65 6
                                    

Chapter 53

Joanna's POV

Nang makarating na kami sa bahay ni Henry ay agad akong bumaba sa kotse. At pumunta agad sa loob ng mansion nila. Pumasok ako at naabutan ko kaagad sila mom and dad na nakikipag-usap kay tita, pare-pareho pa nga silang naka-ngiti.

"Hi, good evening po." bati ko sa kanila.

"Joanna! You're here na!" maarteng sinabi sakin ni mom.

Agad naman akong nilapitan ng mommy ni Henry, at bineso. Tipid ko nalang silang nginitian.

"Uhm... Tita, where's Henry po?" tanong ko.

"Ahh, nasa kwarto niya. Well, tawagin mo na siya Joanna. Nandito ka na rin naman, let's go na at magdinner na tayo." sabi ni tita, na mommy ni Henry.

Sabay-sabay silang pumunta sa dining room, at ako naman ay umakyat na sa taas. Kinatok ko muna ang pinto ng kwarto ni Henry, pero walanh sumagot. Kaya agad na akong pumasok. Nakita ko siyang nakaupo lang sa kama niya at umiinom nanaman ng alak.

"Henry." tinawag ko ang pangalan niya.

Lumingon siya sakin pero sandali lang iyon at agad na bumalik sa iniinom niyang alak ang tingin niya. Lumapit ako sa kanya, at kinuha ko ang iniinom niyang alak.

"Diba may family dinner tayo ngayon, bakit ka naglalasing?! Andito ang parents ko! At mapapagalitan ka lang ng mommy mo!" sigaw ko.

"Joanna, please. Tigilan mo na ako. Magpapakasal na tayo next month! Ano pa ba ang gusto mo!" sabi sakin ni Henry, at medyo tumaas ang boses niya.

"Ikaw! Ikaw yung gusto ko! Gusto ko na ako lang yung mahal mo!! Puwede ba yun ha?! Puwede?" tumulo ang luha ko ng sinabi ko iyon, dahil naaalala ko yung araw na lumuhod siya sa harap ko para lang sabihin na wag na naming ituloy ang kasal.

Hindi siya sumagot at ngayon ay nakatitig lang siya sa sahig.

"Anyway, magpapakasal na naman tayo next month. At alam kong matututunan ko din akong mahalin." mariin kong sinabi, at marahas kong pinunasan ang mga luha ko.

Umiling si Henry at tinitingnan ako sa mata.

"I'm sorry Joanna, pero isa lang talaga yung babaeng pinakamamahal ko at si Leonora iyon." sabi niya at umalis na siya sa kwarto.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at tumulo nanaman ang mga luha ko. Nakakainis! Puro nalang Leonora! Kung mahal niya talaga iyon, bakit ayaw niyang ipaglaban si Leonora?! Bakit hindi nalang siya yung gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal namin?! Bakit? Siguro ay dahil naaawa siya sakin! Siguro dahil ayaw niyang suwayin ang mommy niya at ayaw niyang mapahiya ako at ang mommy niya sa mga kaibigan namin! No! Ayoko ng kinakaawaan ako!

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko at bumuntong hininga, lumabas na rin ako sa kwarto ni Henry at bumaba na para pumunta sa dining room.

"Ohh, Joanna. Come here and sit beside Henry." sabi ni tita.

Ginawa ko ang gusto niya at kumain na kami ng tahimik, nagkukuwentuhan sila mom, dad at si tita about sa kasal namin.

"Maraming pinakitang bagong designs ng gown sakin yung designer ng gown ni Joanna, for the wedding. May napili na si Joanna pero grabe! Ang dami pang mas magaganda sa pinili ni Joanna." sabi ni mom na parang wala lang ako sa harap nila.

"Mom, mas gusto ko yung simple pero elegante. At ako yung ikakasal hindi kayo." sabi ko.

"Okay, sinasabi ko lang naman." sabi ni mom.

"So, isang malaking kasalan na talaga ang magaganap next month. At pinaka-excited ako sa magiging apo ko!" masiglang sinabi ni dad.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Yeah, sure akong magiging gwapo o maganda yung magiging apo natin." sabi ni tita at humalakhak.

Medyo nawalan ako ng gana ngayon, naaalala ko kasi talaga yung pagmamakaawa ni Henry. Ano ba talaga ang dapat kong gawin? Well, napag-isip isip ko din na kahit ikasal kami. Kung talagang mahal niya si Leonora ay walang magbabago doon, at magiging kawawa lang ako dahil hindi naman talaga ako ang mahal niya. Ayoko ng ganun, gusto ko yung taong pakakasalan ko ay sigurado akong, ako lang din ang mahal.

Yes, naging desperada ako kay Henry. Sobrang dami kong nagawang masama para lang mapasakin si Henry, siguro nga sobrang mahal niya talaga si Leonora. At siguro nga na hindi talaga kami para sa isa't isa. I'm not god, I get tired too. At ngayong gabi ko narealize na nakakapagod talagang maghabol sa taong hindi ka naman mahal. Tumayo ako at nakita ko ang gulat sa mga mukha nila.

"Bakit Joanna?" tanong ni tita.

"Uhm... Gusto ko lang po sanang mag-back out sa kasal." matapang kong sinabi at pinigil ko yung luha kong gustong tumulo.

Alam kong grabe ang matatanggap kong sermon mula kay mom and dad, pagdating sa bahay. But, I don't care. Nakapag-decide na ako, at alam kong mas magiging masaya ako dito sa desisyon kong ito.

"What?!" sabi ni mom at dad, at sabay din silang napatayo.

"J-Joanna, hindi magandang biro yan." sabi naman ni tita at tumayo na din.

"I'm so sorry, pero hindi ko lang talaga kayang pakasalan ang taong hindi ko naman mahal." I lied, sinabi ko lang iyon para may dahilan ako kung bakit gusto kong magback out sa kasal at para hindi na sila magtanong pa ng magtanong.

Agad naman akong tumakbo palabas sa mansion. Nagulat ako ng biglang hinablot ni Henry ang braso ko, nasa may garden na ako ng mansion nila at papalabas na para umuwi.

"Why?" tanong ni Henry.

"Wag ka ng magtanong! Pinagbigyan na nga kita diba?! So, please stop asking me na kunt bakit ko ginawa iyon! Gusto na kita agad na kalimutan kaya please! Wag na wag mo na akong lapitan kahit kailan! I don't want to see you ever again!" sigaw ko sa kay Henry.

Niyakap naman niya ako at gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano at doon na tumulo ang luha ko ulit.

"Thank you, Joanna. I will never forget this." sabi ni Henry.

Tinulak ko siya ng mahina.

"Goodbye Henry." sabi ko at tinalikuran ko na siya at tumakbo patungo sa sasakyan, buti nalang nandoon na agad yung driver namin. Pumasok na agad ako sa loob.

Pinaraya ko na si Henry, sana maging masaya nalang sila ni Leonora.
------------------------------------------------------------------------
A/N: Sorry po kung matagal akong mag-ud ngayon. Busy po sa school huehuehue. Pero, thank you pa rin po talaga sa mga naghihintay ng update ko. Ita-try ko po talagang maging active ulit sa wattpad. Thank youu po! :)

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon