Chapter 34

2.7K 52 2
                                    

Chapter 34

Pinaandar na ni Henry ang kotse at tahimik lang siyang nag-drive. Hanggang sa makarating kami sa isang cafe. Pinark niya yung kotse at bumaba na siya, pumunta naman agad siya sakin at pinagbuksan ako ng pinto.

"Halika na." sabi ni Henry.

Inakbayan niya ako hanggang sa makapasok kami sa cafe na iyon. Umupo kami sa medyo dulo tapos siya na daw bahala sa order.

***

Maya-maya ay dumating na naman ako order namin at nagsimula na kaming kumain ng tahimik.

"Ang sarap talaga mag-breakfast. Lalo na kapag kasama ka." sabi ni Henry nang matapos na kaming kumain.

"Hahaha, ang corny mo." sabi ko nalang.

"Ano naman? Basta para sayo hindi corny yun." aniya.

"Hayy, ewan ko sayo. Halika na nga, baka ma-late ka pa sa trabaho mo. Tsaka may trabaho din ako hahaha." sabi ko.

"Sige, hatid na kita." sabi ni Henry.

"Talagang ihahatid mo ko, hindi ko kaya dinala kotse ko para lang makasabay ako sayo! Hahaha." sabi ko.

"Yes po boss." aniya.

Tumayo na kami at nagsimula ng lumakad papunta sa labas at pumunta na sa kotse ni Henry, pinagbuksan niya nanaman ako ng pintuan ng kotse niya sa front seat. Tapos pumunta naman siya sa driver's seat. Bigla niyang hinawakan yung kaliwang kamay ko kaya habang bumabyahr kami ay magkaholding hands kami. Uminit naman yung pisngi ko sa ginawa niya.

***

Nang makarating ako sa salon ay sinabi kong wag na akong ihatid sa loob, dahil alam ko namang may trabaho din siya at baka makaistorbo ako sa oras niya.

Kakapasok ko lang ng office ko sa itaas ay agad namang, nag-text agad si Henry.

Henry:

"Sunduin kita maya sa salon niyo ahh. Hinatyin mo ko ;)"

Agad naman akong nagreply.

Ako:

"Oo na po! Sige, wag ka na text ng text! Mag-ingat ka sa pagda-drive!"

Hayy, grabe tong lalaking toh. Para namang ang tagal naming hindi nagkita haha. Syempre, nagtrabaho ako ng nagtrabaho, focus lang ako sa trabaho tapos hindi ko namamalayan na ang bilis pala ng oras. Mag-gagabi na.

Chineck ko ang cellphone ko at tama nga ang hinala ko, nag-text na nga si Henry.

Henry:

"Papunta na ko diyan :)"

Nagreply din naman ako.

Ako:

"Okay, hintayin kita."

Ang cute ng smiley ni Henry haha. Para siyang bata lol.

Maya-maya pa ay nakita ko na ang kotse ni Henry sa labas. Agad ko ng kinuha yung bag ko at nagpaalam sa staffs ko.

Sumakay naman ako agad sa kotse ni Henry tapos pinaandar na niya na ito.

***

Maayos kaming nakarating sa bahay. Pagkatapos ay kinisa niya ako sa cheeks ko bago ako bumaba.

"Sige na bye na. Ingat ka ahh!" sabi ko.

"Yes boss." sabi nanaman ni Henry at tuluyan ng umalis.

Pumasok na ako sa gate at nakita ko ulit yung kotse ni Ashley. Anong ginagawa niya dito? Bakit nandito ulit siya? Baka naman namiss niya agad yung luto ni mommy, hahahaha. Sabi na nga ba at nasarapan siya sa luto ni mommy.

Pumasok na ako sa bahay at nakita ko si mommy at Ashley sa sala. Napalingon sila nung dumating ako, kaya nagtaka naman ako.

"Ohh, bakit naman ganyan itsura niyo?" tanong ko.

Lumapit sakin si mommy at parang kakagaling lang niya sa iyak. Anong nagyari?

"Bakit? Leonora, b-bakit?" sabi ni mommy.

"A-Ano po? Hindi ko po kayo maintindihan." sabi ko.

Nagulat ako ng bigla akong sampalin ni mommy. Lumaki yung mata ko sa pagkabigla, at ang daming mga tanong ang sumagi sa isip ko. Bakit niya ako sinampal? Anong ginawa ko? At ano ba talaga ang nangyayari?

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon