Chapter 35
"Bakit mo ginawa iyon Leonora?! Pinagkatiwalaan kita!" sigaw sakin ni mommy.
"A-Ano po ba iyon?" pagtataka ko at nauutal-utal pa ako.
"Wag ka ng magmaang-maangan! Ikaw lang yung last na pumasok sa kwarto ni tita!" sigaw naman sakin ni Ashley.
"H-Huh?" sabi ko dahil wala akong alam sa mga nangyayari.
"Kinuha mo yung tanging ala-ala ko kay Sheryl, kinuha mo yung necklace!" sigaw ni mommy.
Bakit ako yung pinagbibintangan niya? Anong nangyayari? Maayos akong umalis ng bahay, at minsan lang akong pumasok sa kwarto ni mommy. Sino naman ang nagsabing ako yung nagnakaw? Ano ba talaga ang nangyayari?
"Mommy, wala akong ninanakaw! At sobrang bihira lang akong pumasok sa kwarto niyo diba?" sabi ko.
"Eh sino yung kukuha?!" sigaw niya.
"Mommy, matagal na akong nakatira dito diba po? Bakit ko nanaman nanakawin yun? Diba nga po malaki ang utang na loob ko sa inyo?" sabi ko.
"Matagal ka na nga'ng nakatira dito, pero kailan mo lang nakita yung kwintas diba?" sabi ni mommy.
"P-Pero hindi talaga ako yung kumuha!" sabi ko at naiiyak na nga ako eh.
"Leonora, ikaw lang yung last na pumasok sa kwarto ni tita yesterday diba? Impossibleng si manang yung kumuha nun dahil bata pa si Sheryl ay andito na si manang! Impossibleng ako yun, kasi sobrang tagal ko na ring tumira dito. Lumipat nalang ako dahil pinaggawa na ako ni tita ng bahay!" sabi naman ni Ashley.
"Oo, ako nga yung last na pumasok pero diba pinakuha mo lang yung bag mo? Kinuha ko lang naman yung bag mo!" sabi ko kay Ashley.
"Eh, may dala-dala ka ring sarili mong bag nung pumasok ka doon diba! Yung kulay brown na bag mo yung dala mo noon diba?! Malay ba namin na nilagay mo iyon doon!" sabi ni Ashley.
"Nasaan yung bag mo na iyon Leonora?" sabi ni mommy.
"N-Nasa kwarto ko po, at kahit tignan niyo pa! Wala akong kinukuha!" sabi ko.
Umakyat agad si mommy patungo sa kwarto ko. Sinundan naman namin siya ni Ashley, nang pumasok na kami ay agad binuksan ni mommy yung closet ko at kinuha niya yung brown na bag na ginamit ko kahapon.
"Kahit tignan niyo pa, wala po talaga diyan." sabi ko.
Binuksan ni mommy iyon, lumaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nandoon yung kuwintas! S-Sino ang naglagay noon?! Inayos ko pa yan kanina bago ako umalis. Tinanggal ko yung mga laman ng bag ko at nilagay ko sa bag kong isa pa. B-Bakit nandoon yung kuwintas?!
Lumingon sakin si mommy at Ashley.
"How dare you to do this to me?! Pinagkatiwalaan kita! Itinuring kitang parang tunay kong anak! Bakit mo ginawa sakin ito?!" sigaw ni mommy at umiyak pa siya ng umiyak.
"Mommy hin-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng sinampal naman ako ni Ashley.
"Sinira mo yung tiwala sayo ni tita! Wala kang utang na loob!" sigaw nito sakin.
"Leonora, please. Lumayas ka na sa pamamahay ko! Wala kang dadalhin kundi yang suot mo lang, dahil lahat ng gamit mo ay galing sa pera ko! Lumayas ka! Layas!" sigaw ni mommy.
"P-Pero saan naman po ako titira? At hindi po talaga ako yung may gawa niyang mommy. Please, maniwala kayo sakin." sabi ko at napaiyak na ako ng tuluyan.
"Kung hindi ikaw, eh sino?! Atsaka nasa bag mo na nga ohh! Hindi ka pa ba aamin?!" sabat naman ni Ashley.
"Umalis ka na dito, Leonora. Bring nothing but yourself. At iyang suot mo lang!" sigaw ni mommy at tuluyan na niyang kinuha yung necklace at umalis.
"Pero mom-" hindi nanaman natuloy yung sasabihin at pagsunod ko kay mommy dahil hinarang ako ni Ashley.
"What are you waiting for? Umalis ka na." aniya.
"Ashley, hindi talaga ako yung kumuha nun." sabi ko sa kanya.
"Shut up! Wala ka nang dapat ipaliwanag dahil may ebidensya na nga na ikaw yung kumuha! Magnanakaw!" sigaw sakin ni Ashley.
Tinulak niya ako papunta sa hagdanan.
"Tamana! Kaya ko namang bumaba mag-isa eh." sabi ko habang umiiyak.
Papunta na dapat ako sa pintuan palabas ng bahay pero muli akong hinarang ni Ashley.
"Hep, hep. Diba sabi ni tita bring nothing but yourself? So, bakit mo dadalhin yung bag mo?" sabi sakin ni Ashley.
"Pero, kailangan ko itong pera kong nandidito at yung cellphone ko." sabi ko.
Agad kinuha ni Ashley yung shoulder bag ko at tinulak niya ako.
"Wala akong pake, diba sabi nga ni tita na wala kabg dadalhin? Bakit ba ang kulit mo? Shooo!" aniya.
Tuluyan nalang akong lumabas ng bahay at ng gate. Saan naman kaya ako titira ngayon? Saan naman kaya? Hindi naman puwede kela Henry dahil andun yung mommy niya at wala akong cellphone para contact-kin siya.
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
Fiction généraleMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...