Chapter 8

5K 109 6
                                    

Chapter 8

Medyo naging awkward ako nung umupo na kami.

"Uhmm, order ka na." masiglang sinabi ni Joanna sa fiancé niya.

"Sige." simpleng sagot nung fiancé niya.

Tumingin ako sa menu at sinabi na rin sa waiter ang order namin.

"Oo nga pala, Leonora si Henry Alcantara nga pala. Siya yung fiancé ko. At Henry si Leonora De Guzman yung sinasabi kong kaibigan ko." sabi ni Joanna.

Tumango nalang ako dun sa nakatingin na si Henry sakin at ngumiti. Hindi naman talaga 'De Guzman' yung apelyido ko, siguro ay nasanay na sila dahil nga sa pinaniniwalaan nilang tunay na anak ako ni mommy at sa pangalan na rin ng salon na 'De Guzman's Beauty Salon.'

Oo, nga pala. Walang nakakaalam ng naging issue sa pamilya kundi si mommy at kami kami lang din, at ayaw na rin naming ipagsabi iyon kahit kanino dahil kinalimutan na namin yun. Sabi nga ni Ailenne ay past is past dapat ay kalimutan na namin ang masamang bangungot na iyon at magsimula ulit ng panibago. Hindi ko na kinorrect si Joanna sa pagsabi sakin sa real surname ko dahil baka marami pa siyang itanong, kaya pinanindigan ko nalang yung De Guzman na iyon.

Dumating na yung order at sila lang naman yung nag-uusap feeling ko tuloy nao-op ako. Kaya tahimik nalang akong kumain. Hindi ko alam pero naiinis ako kapag hindi ako sinasali ni Joanna sa usapan. Nakakainis. Ewan!

"So, kamusta ka naman." sabi ni Henry sakin.

Napatingin ako sa kanya... Ako ba yung kausap niya? Maya-maya ay napagtanto kong ako nga ang talagang kausap niya.

"Uhm... Mabuti naman, ikaw?" sabi ko.

"Okay lang din." sabi niya at ngumiti.

Nginitian ko nalang siya pabalik at kumain na akong muli. Ewan ko pero parang may mga paru-parong nagwawala sa tiyan ko nung nginitian niya ako. Ano ba toh?! Hayy, may fiancé na siya Leonora!

Nang matapos na kami sa pagkain ay tumayo na kaming tatlo.

"Hatid ka na namin." sabi ni Henry.

"Huh? May dala naman akong sasakyan kaya wag na." sabi ko.

"Ako nalang hatid mo may sasakyan na si Leonora eh." singiy ni Joanna.

"Eh diba kasama mo driver mo?" sabi ni Henry.

"Ahh, pinauwi ko na kasi sabi ko ikaw maghahatid sakin." sabi ni Joanna.

Medyo nainis ako kay Joanna, pero hindi ko alam kung bakit.

"So, una na ko. Bye." sabi ko kay Henry at Joanna at tumakbo na ko papunta sa parking lot kung nasaan yung sasakyan ko.

Ano ba toh, hindi ko maintindihan yung sarili ko kung ano bang nangyayari sakin. Tsss.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon