Chapter 49
Joanna's POV
Nang makarating na kami sa isang mamahaling restaurant kung saan gaganapin ang aming engagement party ay marami na agad na bisita ang naunang dumating at nang pumasok kami ay tumayo silang lahat at nagpalak-pakan pa. Nakangiti ako, pero si Henry ay walang kaemosyon-emosyon ang mukha at parang nakainom nanaman siya.
"Congrats! Malapit na kayong ikasal." sabi ng isang kaibigan ko nang maka-upo na kami sa may mini stage.
"Thanks." sabi ko at ngumiti.
Mayroon na ding mga media na pinipicturan kami. Actually, nakalagay na sa dyaryo na ngayon ang engagement namin at sana nga ay mabasa iyon ni Leonora. Para ipamukha ko sa kanya na akin na talaga si Henry.
Hinarap ko si Henry at bigla ko siyang hinalikan.
"A-Ano ba?!" sabi ni Henry pero mahina lang ang boses niya.
"Ikakasal na naman tayo kaya okay lang yan." sabi ko.
Leonora's POV
Pinunasan ko ang pawis sa noo ko gamit ang panyo ko. Ang init talaga ng panahon lalo na't nagluluto pa man din ako.
"Ui!" tawag ni Mikaela sakin.
"Bakit nanaman? Lagi kang tambay dito ah." sabi ko at humalakhak.
"Sana magka-boyfriend na ko hahahaha. Gusto ko may engagement party pa tapos yung bonggang kasal!" sabi ni Mikaela at nagtatatalon pa.
"Darating din yan." sabi ko.
"Inggit tuloy ako dun sa couple na nakita ko sa dyaryo!" aniya.
"Wag kang mag-alala, makakahanap ka din ng lalaki para sayo." sabi ko.
"Ang gwapo kaya nitong lalaki sa dyaryo! Para siyang diyos ng kagwapuhan!! Sana siya nalang mapangasawa ko! Kaso may magandang fiancée na siya eh." sabi ni Mikaela.
"Huh? Artista ba yang couple na yan?" tanong ko habang nagpupunas ng lamesa.
"Hindi, ano ka ba! Mayaman lang talaga sila kaya nasa dyaryo ayan ohh. Mga tagapagmana nga sila eh." sabi naman ni Mikaela at pinakita sakin yung dyaryo.
Tinignan ko iyon dahil na-curious naman ako. Nagulat ako sa nakita ko si Henry at si Joanna at ngayon ang engagement party nila. Yes ngayong araw nga, well expected ko naman na malapit na silang ikasal. Pero ang sakit pala, sobrang sakit palang makita silang dalawa na malapit ng ikasal.

BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
General FictionMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...