Chapter 46
"Please, Leonora. Layuan mo na ang anak ko!" sabi ng mommy ni Henry.
Tinayo ko siya mula sa pagkakaluhod niya at umupo naman siya sa gilid ng kama ko, kaya umupo din ako sa tabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Please, layuan mo na siya!" sigaw niya sakin.
Ayaw na ayaw talaga ng mommy ni Henry sa akin. Hindi niya talaga ako matanggap at ayoko namang ako yung piliin ni Henry kaysa sa mommy niya. Syempre, alam kong mahal ni Henry ang mommy niya at ayoko namang mawasak ang relasyon nila dahil sa akin. Kaya siguro nga, tama nga siguro na lumayo ako kay Henry. Para sa ikabubuti niya, kahit masakit. Kahit na sobrang sakit... Para din naman sa kanya toh.
"S-Sige po, kung ito rin naman ang mas nakakabuti kay Henry. Lalayuan ko na po siya." sabi ko at tumayo na agad ako.
"S-Salamat hija. Ito, tanggapin mo itong pera para sa pamasahe mo kung saan ka man pupunta." sabi ng mommy ni Henry at inilahad sakin iyong pera.
"H-Huwag na po." sabi ko.
"Tanggapin mo na! Alam kong wala kang pera at hindi ko toh ginagawa para sayo. Para din ito sa anak ko, para mas lalo kang lumayo sa kanya. Pumunta ka sa lugar na hindi ka na niya mahahanap kahit kailan. Sige na!" sabi ng mommy ni Henry at inilagay sa kamay ko yung pera.
Napaluha naman ako sa sinabi niya. Ang hard niya talaga sakin, talagang ayaw niya sakin. Napailing ako sa iniisip ko at inayos na ang mga gamit ko. Kinuha ko yung iphone na binili sakin ni Henry at tinext ko muna siya. Ito na yung huling mensahe ko para sa kanya.
Ako:
"Henry, I love you! Sana lahat ng gagawin ko maintindihan mo. Para sayo din naman iyon. I love you so much :)"
Inilagay ko sa gilid ng kama iyong cellphone. At iniwan ko nalang, lumabas ako ng kwarto at bumaba na. Tinignan naman ako ng matalim ni Joanna.
"Aalis ka na? Mabuti naman at na-realize mo na hindi talaga kayo bagay ni Henry ko!" sabi niya sakin.
Hindi ko nalang siya pinansin bagkus ay tinuloy ko nalang iyong paglalakad ko palabas ng bahay nila Henry. Sana maging masaya ka sa piling ni Joanna, Henry. Tumulo ang luha ko ng makalabas na ako ng tuluyan. Kapag itinuloy ko pa ang relasyon ko kay Henry ay pareho lang din naman kaming masasaktan. Baka itakwil siya ng mommy niya dahil sakin.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero siguro mas mabuti nalang na pumunta ako sa probinsya kung saan nakatira ang mga magulang ko. Sa Candelaria, Zambales. Malayo-layo sa Manila iyon. 6 hours ang biyahe at hindi naman alam ni Henry ang address ko doon eh. Nag-tricyle ako paglabas ko ng subdivision nila at pumunta sa may terminal ng bus. Uuwi na ako kung saan talaga ako nararapat, pinunasan ko yung nga luhang lumalandas sa pisngi ko. Kaya ko toh, kailangan ko lang tanggapin na hindi talaga kami ni Henry ang bagay.
Joanna's POV
Sa wakas nakaalis na din si Leonora. Pina-uwi ko talaga si tita para mag-drama sa harap ni Leonora. Alam kong maawain si Leonora at sigurado naman ayun ang kahinaan niya, masyado siyang mabait kaya madaling ma-uto. Tssss.
"Tita! Effective ang pagdadrama mo!" tili ko.
"Aba't syempre. Best actress yata ito hija." sabi ni tita.
"Masosolo ko na si Henry." sabi ko naman.
Humalakhak lang si tita at itinuloy namin ang pag-inom ng wine.
"Para sa pagkawala ni Leonora at para sa anak kong malapit ng ikasal sayo hija. Cheers!" sabi ng mommy ni Henry at nag-cheers kami.
Sa wakas, akin na akin na talaga si Henry. Kagaya ng lagi kong sinasabi, akin si Henry at walang makakaagaw kay Henry dahil noon pa man ay akin siya!
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
Fiksi UmumMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...