Chapter 56

2.8K 54 5
                                    

Chapter 56

Hindi ko alam kung si Henry nga ba yung totoong nasa harap ko ngayon. Ang daming pangyayari ngayong araw na ito na ikinagulat ko, ang daming pangyayari sa araw na ito. Ang aga aga palang pero ang dami ng nakakagulat na pangyayari.

"L-Leonora, God I miss you so much!" aniya at niyakap ako ng mahigpit.

Hindi ko napigilan na maluha, sa sobrang dami kong napagdaanan sa buhay ko. Hindi ko alam kung matatapos pa ba ito.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin and he wiped my tears. Pero ayaw pa rin tumigil ng mga luha ko.

"H-Henry, paano mo nalaman na nandito ako?" biglaan kong tanong.

"I have my ways, baby. Kahit nasan ka pa hahanapin kita." aniya at agad na naglapat ang mga labi naming dalawa.

Di ko ma-explain yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung masaya ba ako o malungkot. Masaya ako dahil nandito na ulit si Henry, pero at the same time malungkot ako dahil naiisip ko yung kasal nila ni Joanna.

Tumigil siya sa paghalik sakin kaya nagsalita na ako.

"Paano yung kasal niyo ni Joanna? Diba ikakasal na kayo? P-Paano na yung kasal?" tanong ko habang nanginginig yung boses ko.

"Pina-cancel niya yung kasal." aniya.

"What? Paano? I mean diba mahal na mahal ka niya? Paano niya nagawa yun?" tanong ko ulit.

Ikinuwento niya sakin lahat ng pangyayari. At sobrang nagulat talaga ako sa ginawa ni Joanna, hindi ko aakalain na kaya niya palang pakawalan si Henry. Siguro nga't mahal na mahal niya si Henry na kaya niyang pakawalan nalang yung mahal niya kung saan ito masaya.

"Ang importante ngayon ay nandito na ulit ako, bumalik ako para sayo. Damn! Hinding-hindi na ulit kita papakawalan, dahil hindi ko na talaga kaya pag wala ka." sabi ni Henry sakin.

Napaluha nanaman ako, ang sarap sa feeling na naririnig ko yung mga words na iyon sa taong mahal ko. Ang saya, sobrang saya ko na nakabalik na sakin si Henry. No words can explain, how happy I am.

"Now, ako naman ang magtatanong. Bakit magkayakap kayo ni Ivan kanina? Alam mo bang nagselos ako ng sobra, gusto ko na nga'ng umalis kanina pero hindi ko magawa dahil ayoko na ulit na mapalayo sayo." sabi ni Henry.

"Uh, hindi ko naman siya niyakap pabalik! Siya lang yung yumakap sakin." sabi ko at uminit ang pisngi ko.

"Nevermind, may tiwala naman ako sayo." sabi niya at ngumiti.

Damn, I miss his smile. Nakakagaan ng loob, parang nakakalimutan ko lahat ng hirap na napagdaanan ko dahil lang sa isang ngiti niya.

"Magluluto pa ako, ito yung maliit na business ng magulang ko." sabi ko nang maaalala ang carenderia.

"I'll help you." aniya.

"Huh? Eh, hindi ka naman yata marunong magluto eh." sabi ko sa kanya.

"Edi, ako muna ang waiter mo. Ako ang magseserve sa kanila." sabi niya at kumindat pa.

"Sige, ikaw bahala." sabi ko at pinigilan ang pag-ngiti.

Nagsidatingan na rin ang ibang customer, at syempre nag-focus ako sa pagluluto at sa paglalagay ng mga inorder nila sa mga plates at si Henry naman ang nagseserve sa kanila.

"Hala! Sobrang gwapo naman nito!" narinig ko ang ilang kababaihan na kumakain sa carenderia namin.

"Oo nga! Paniguradong dito na ako lagi mag-aalmusal, mag-tatanghalian, at maghahapunan!" sabi nung mga kababaihan.

Medyo nairita ako sa mga pinagsasabi nila, ewan ko ba! Basta ugh! Nagseselos yata ako. Hindi ko nalang sila pinansin at nagfocus nalang talaga ako sa pagluluto. Nagtaka ako dahil sumobrang dami ng customer ko ngayong araw. At puro babae pa! May iilan pang nagpapapicture kay Henry. Umirap ako sa kawalan, bahala ka diyan Henry! Tuwang-tuwa ka pa yata sa mga babaeng nakaaligid sayo!

"Leonora" tawag ni Henry sakin.

"Ano?!" sigaw ko.

"Ui, bakit ka naman sumisigaw?" tanong ni Henry.

Hindi nalang ako umimik.

"Nagseselos ka ba?" aniya at ngumiti pa.

"H-Hindi noh!" sigaw ko ulit.

Hinarap niya ako sa kanya.

"I know you well, baby. Alam kong nagseselos ka. Pero wala ka naman dapat na ipagselos. Dahil ikaw naman na ang nagmamay-ari ng puso ko." bulong ni Henry sa tainga ko.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko at parang nanghina ang mga tuhod ko. Bigla nalang din niyang inilapat muli ang labi niya sa labi ko. Natunaw nanaman ang puso ko at ang selos ko. Dahil sa isang halik ng pinakamamahal kong si Henry.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon