Chapter 30
Nandito na kami ni Henry sa isang restaurant na malapit lang nga sa salon. Mag-didinner kami, kaya naman pagkadating namin ay agad siyang umorder.
"So, gusto mo ba ulit pumunta sa bahay namin?" sabi ni Henry habang kami ay kumakain.
"Uhm, b-baka next time nalang ulit." sabi ko.
"Bakit naman?" tanong niya.
"W-Wala lang marami pa namang panahon eh." sabi ko.
"Okay, if that's what you want." aniya.
Kumain nalang kami ng kumain, hanggang sa may nakita ako sa peripheral vision ko na parang nakatitig samin. Agad ko iyon nilingon. At nakita ko na ang mommy ni Henry iyon. Nasamid ako sa kinakain ko kaya naubo ako.
"Are you okay?" tanong ni Henry at binigyan ako ng tubig.
"Y-Yes." sabi ko.
Napatingin ulit ako sa mommy ni Henry at papalapit na siya dito.
"Hello!~" bati ng mommy ni Henry samin.
Napatayo si Henry.
"M-Mommy, why are you here?" tanong niya sa mommy niya.
"Ohh, di ko pala sayo nasabi. We have a meeting in this place, yung kinukuwento ko sayong isang client. Di kami magmemeeting together with the executive director ng isang network. Kasama rin siya sa meeting." sabi ng mommy niya.
"Ahh, ganun po ba." sabi ni Henry na bumalik sa pagkakaupo niya.
"Hi, Leonora." sabi naman sakin ng mommy ni Henry.
"H-Hi po." sabi ko at nauutal-utal pa.
"Ohh, i need to go na pala. Baka ma-late ako sa meeting namin. Bye." sabi ng mommy ni Henry.
Bakit naman sa dinami-dami ng restaurant ay dito pa talaga kami nagkita ng mommy ni Henry? Nakakainis. Kung minamalas ka nga naman. Nakakainis yung mommy niya, pakitang tao.
Kumain nalang ulit kami ni Henry ng tahimik.
"Hatid na kita sa inyo." sabi ni Henry nang matapos kaming kumain.
"Sige." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
Художественная прозаMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...