A/N: Sorry at super natagalan po sa pag-uupdate, pero sa lahat po ng naghintay sa update ko. Thank you po! Enjoy!~
-----------------------------------------------------------
Chapter 58Medyo naexcite ako bumangon ng unaga dahil alam kong pupunta dito si Henry, kaya agad akong lumabas sa kwarto. Pero paglabas ko nandoon na agad si Henry at nakaupo sa maliit naming sofa.
"Good Morning!" sabi ni Henry.
Shocked naman yung mukha ko.
"Bakit ang aga mo?" tanong ko.
Nahihiya ako, may muta pa nga yata ako at di ko alam kung maayos ba yung buhok ko o gulo-gulo.
"Wala lang, excited kasi akong makita ka agad." aniya.
Hindi agad ako nakapagsalita at dumiretso na ako sa CR, agad akong naghilamos at nagtoothbrush. After nun ay pumunta ako sa kwarto ko para magsuklay at magpalit ng damit. Tsaka ako humarap muli kay Henry.
"Tagal mo naman." sabi niya.
"Syempre! N—Nag-ayos pa ako eh." sabi ko.
"Maganda ka na naman kahit hindi ka na mag-ayos." aniya.
Feeling ko umakyat nanaman yu g dugo ko sa mukha ko at pulang pula ako ngayon!
"Tara pasyal tayo." anyaya niya.
"Huh? Pero kasi kailangan ko pang tulungan sila nanay at tatay." sabi ko naman.
"Nagpaalam na naman ako sa kanila, okay lang daw." aniya.
Bigla nalang naman niya hinawakan ang kamay ko at lumakad na kami papunta sa kotse niya.
Joanna's POV
Hindi puwedeng lagi nalang ako nagkukulong dito sa kwarto! Kailangan ko ring lumabas mag-shopping or something. I need to accept the truth na hindi talaga ako mahal ni Henry at sila ni Leonora talaga ang para sa isa't isa. Bumuntong hininga ako at lumabas sa kwarto. Naka-ayos ako simpleng dress lang ang suot ko.
Gusto ko sanang ituwid yung mga pagkakamali ko na ginawa ko kay Leonora. Kasi kahit papaano ay naging mabuting kaibigan naman siya noon. Di ko alam, bahala na sasabihin ko nalang ang totoo kay Sarah De Guzman na wala talagang kasalan si Leonora sa mga pinaggagawa ni Ashley. Kinuwento rin naman ni Ashley dati na kinuha niya yung necklace yata yun? Na mahalaga sa kay Sarah.
Agad akong bumaba sa bahay at tinawag ko ang aming driver. Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinawagan ko si Ashley.
"Hello?" sagot ni Ashley.
"Ash, kamusta?" panimula ko.
"Ito masayang masaya dahil ako ang namamahala sa salon." aniya.
"Ohhh, puwede bang pumunta sa bahay niyo ngayon? I mean bahay ng mga De Guzman." sabi ko.
"What?! Anong gagawin mo naman dun?" tanong niya.
"May sasabihin lang akong mahalaga, andun ba si Tita mo?" tanong ko.
"Uhh, yes. Di siya pumasok ngayon." sabi niya.
"Okay, uwi ka na rin para marinig mo yung mahalaga kong sasabihin." sabi ko.
"Ohh, okay? Uhm, sige." aniya.
I'm so sorry Ashley, pero kailangan ko na talagang sabihin ang katotohanan. Dahil marami na akong nagawang kasalanan at ayoko ng dagdagan pa.
***
Nang makarating kami sa bahay ng mha De Guzman. Nag-door bell ako at binuksan naman agad ng kasambahay nila iyong gate."Ano pong kailangan nila?" sabi ng medyo matanda na nilang kasambahay.
"Nandiyan ba si Sarah De Guzman?" tanong ko.
"Opo, tuloy po muna kayo sa sala. Tatawagin ko lang po si ma'am Sarah." aniya.
Maya-maya lang ay dumating na rin si Sarah De Guzman.
"Anong kailangan mo dito at sino ka?" agad niyang tanong.
"Well, may importante lang naman po akong sasabihin. Ako nga pala si Joanna, kaibigan ni Leonora...uhm dati." sabi ko.
Medyo awkward nung sinabi kong kaibigan ko siya. Maya-naya rin ay dumating na si Ashley.
"Ui, Joanna! Long time no see." sabi niya.
"Yeah." tanging tugon ko.
"Ano ba iyong sasabihin mo?" tanong ni Ashley.
"Well, kumpleto na naman kayo kaya sasabihin ko na ang lahat." sabi ko.
Marami na talaga akong naging kasalanan, itutuwid ko na yung pagkakamali ko para di na ko makonsensya pa.

BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
General FictionMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...