Chapter 5

5.3K 121 3
                                    

Chapter 5

Joanna's POV

Badtrip akong nagising dahil sa tunog ng cellphone ko, sino naman kaya ang nagtext sakin?! Yung mga client nanaman ba? Or yung si Daddy at about the company nanaman.

Tinignan ko ang cellphone ko at nagulat ako ng si Henry ang nagtext sakin, yes, si HenryAlcantara ang fiańce ko. Actually, pinagkasundo lang talaga kami ni Henry since bata pa kami kaya nahulog na rin ako kay Henry sobrang gwapo, mala-Adonis ang pangangatawan, matalino at mabait naman siya, medyo may pagkasuplado nga lang.

Henry:

"Joanna, kung free ka puwede ba kitang yayain mag-dinner?" yan yung text sakin ni Henry.

Agad akong nagreply dahil minsan siya magyaya at magtext sakin.

Ako:

"Sure! Saan ba? Anong saktong oras?" reply ko text niya.

Mga 30 mins ay di pa siya nagrereply kaya naman tinawagan ko muna si Leonora para ibalita ang napakagandang pangyayaring ito.

Matapos kong tawagan si Leonora ay tsaka pa nagreply si Henry. Tinext lang naman niya kung saan at kung anong saktong oras.

Ako:

"Sige! Sige! Asahan mong dadating ako!" reply ko.

Medyo napaaga ako sa salon ni Leonora at nagkuwento rin ako sa kanya. Ang ganda ng pagmimake up ni Leonora sakin, pero mas gusto ko yung medyo makapal para mas maganda.

Matapos ay sumakay na ko sa kotse at sinabi ko sa driver kung saang restaurant kami kakain ni Henry ko.

Yes! After how many hours ng paghihintay, ito na yun! Ito na ang pinakahihintay kong oras na maka-date siyaaa!~ Pumasok na ako sa restaurant at agad ko siyang nakita sa may dulo. Bakit naman di kami VIP? Ano bayern. Di bale na basta magdidinner kami.

"Uhm... Hi." simple kong bati.

"Hi, upo ka." simple din niyang sagot.

"N-Nag-order ka na ba?" tanong ko.

Hindi siya umimik at tumingin nalang siya sa menu, siguro ay hindi pa kaya nga siya nakatingin sa menu eh.

Matapos naming umorder ay nandito na ang order namin at kumain na kami. Parang ang awkward napakatahimik naming kumakain.

"K-Kamusta? Masarap naman ba?" tanong ko na tinutukoy ko ang pagkain niya.

"Yup." sagot niya.

"Uhm... K-K-Kamusta yung mukha ko? May dumi ba kaya di ka makatingin?" biglaan kong sinabi at tinakpan ang bibig ko.

Hala! Ano ba yung sinabi ko? Shet, unti-unting umangat yung tingin niya sakin. Bakit ganun? Parang hindi ko pa siya nakikita ngumiti? Tsss.

"Bakit ka naman nagmake-up ng ganyan kakapal? Mas bagay yung simple lang, mas bagay nga yung wala kang make-up eh." sabi ni Henry.

Nabigla ako sa sinabi niya, sana sinunod ko na nga lang si Leonora na mas bagay yung simpleng make-up na nagmumukhang anghel sakin.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon