Chapter 60

4.1K 71 28
                                    

A/N: Ang bilis ng panahon hahaha, magiisang taon na pala akong hindi nag-uupdate 😂 hahaha. Thank you po talaga sa mga naghihintay sa update ko. Last chapter na po ito at maguupdate po ako this month din po ng epilogue. Enjoy~
----------------------------------------------------------------------
Chapter 60

Sumama na nga ako kay Henry pabalik ng Manila. Kaya tuwang tuwa itong kasama kong si Henry.

"Bakit ba ngiti ka ng ngiti?" sabi ko.

Ayan nanaman ngumiti nanaman siya.

"Wala lang, matagal na talaga kitang gustong iuwi sa Manila." sagot naman niya.

"Paano yung mommy mo? Kung dadalhin mo ko sa bahay niyo, hindi ba siya magagalit?" tanong ko.

"Wala naman siyang magagawa eh. Kung ayaw niya pa rin sayo, kaya ko naman sarili ko at kaya naman kitang buhayin." aniya.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala. Talaga bang mas pinipili niya ko kaysa sa mommy niya? Masaya ako at the same time nagi-guilty ako, kasi parang ako yung dahilan kung bakit nagkakasiraan silang dalawa at feeling ko, ako yung dahilan kung bakit sila nag-aaway. At bakit ba tumawag si mommy? Ang alam ko ay galit na galit siya sakin ah.

***
Minulat ko ang mga mata ko, nakikita ko na ang mga building at billboards. Nakatulog pala ako hindi ko namalayan, at nasa Manila na kami. Lalo akong kinakabahan.

"Gising ka na? Nagugutom ka ba? Gusto mo kumain na muna tayo?" tanong ng nagda-drive na si Henry.

"Hindi, okay lang ako tsaka ang daming pinakain sakin nina inay bago tayo umalis." sabi ko sa kanya.

Busog pa rin ako dahil ang dami talagang pinakain nila inay sakin. Mahaba raw kasi ang biyahe kaya dapat busog daw ako.

"Saan nga pala tayo muna pupunta?" tanong ko.

Alam na niyang tinawagan ni mommy si inay para kausapin ako. Kaya hindi ko alam kay Henry kung sa bahay na muna nila o kay mommy muna. At pareho akong kinakabahan kung saan man kami pupunta.

"Sa bahay na muna namin." sabi niya.

Tumango nalang ako at tumingin sa bintana ng sasakyan.

***
Ayan na, andito na kami sa bahay nila Henry. Bumukas na ang maganda at napakalaki nilang gate at pinark na ni Henry sa garage ang sasakyan niya. Bumaba na siya, tinanggal ko na ang seatbelt ko at pinagbuksan na ako ni Henry. Pagkababa ko ng kanyang sasakyan ay bumilis nalang bigla ang tibok ng puso ko. Ayan na, makikita ko na ang kanyang mommy. Kinakabahan na ako ng sobra.

"Wag kang kabahan, okay?" sabi ni Henry at hinawakan niya na ang aking kamay.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa loob ng bahay nila habang hawak hawak ni Henry ng kamay ko.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay nila ay agad kong nakita ang kanyang mommy na nakaupo sa sala at may hawak na wine habang nanonood ng TV.

"Mommy" tawag ni Henry sa kanyang mommy.

Napatingin ang kanyang mommy sa amin at bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay. Tumayo siya at nagbuntong hininga.

"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. You know that I don't like Leonora for you. Pero ang kulit kulit mo Henry at talagang sinundan mo pa siya sa probinsya niya–" sabi ng mommy niya na hindi na pinatapos ni Henry.

"Mommy naman! Alam niyo namang mahal ko talaga. Kaya please, tanggapin niyo nalang siya." sabi ni Henry sa kanyang mommy.

"Shut up, I'm not yet done. Oo ayaw ko sa kanya kasi mahirap lang siya. Hindi natin siya kalevel." sabi ng mommy ni Henry.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon