Chapter 31

2.8K 60 5
                                    

Chapter 31

"Sige, ingat ka. Thanks sa paghatid." sabi ko kay Henry nung hinatid niya ako sa bahay at tsaka umalis na rin siya.

Pumasok ako sa bahay at naabutan ko si mommy sa sala na may hawak na isang kuwintas tas may pendant siya na pabilog tapos sa gitna may malaking diamond.

"Mommy, ano po iyan?" tanong ko.

"Ahh, ito yung regalo ko dati kay Sherryl nung nag-18th birthday siya. Hahahaha. Miss na miss ko na talaga yung anak kong iyon." aniya.

Niyakap ko si mommy.

"Sigurado po akong miss na miss niya na din po kayo." sabi ko.

"Hahahaha. Ikaw talaga, sige itatago ko muna ito sa cabinet ko baka mawala pa ang ala-ala kong natitira sa kanya hahaha." sabi ni mommy.

Nginitian ko siya, pumunta na ako sa loob ng kwarto ko at agad akong dumapa sa kama. Bakit ganun? Feeling ko lagi nalang akong pagod, feeling ko stress ako. Ewan. Itutulog ko nalang agad ito.

Joanna's POV

Tinext ako ni tita kanina lang at sinabi niya sakin na kasama daw ni Henry si Leonora sa isang restaurant at nagdinner pa sila. Hindi pa parin ba talaga titigilan ni Leonora si Henry ko? May naiisip nanaman akong ideya, para talagang mawala na sa landas ko ang Leonora'ng iyan! Kinuha ko ang sasakyan ko at nag-drive papunta sa isang bahay, sa bahay ni Ashley. Si Ashley na pamangkin ni Sarah De Guzman, well. Parehas kasi kami ng school noong high school. Kaya kilala na namin ang isa't isa.

Nang makarating ako ay agad akong nag-doorbell. Binuksan din naman niya ang pinto.

"Ohh, Joanna. Nabisita ka?" sabi niya at halatang gulat.

Hindi kami close, magkakilala lang talaga kami.

"Uhm, may itatanong lang sana ako." sabi ko.

"Ahh, sige pumasok ka muna." aniya.

Nang makapasok na ako sa bahay nila ay pinaupo niya ako sa sofa at kumuha pa siya ng juice para sa amin.

"So, ano ba yung itatanong mo?" sabi ni Ashley.

"Uhm, diba si Sherryl. Ayun yung namatay na anak ni Sarah De Guzman?" panimula ko.

"H-Hindi pa hahahaha. Hindi pa patay si Sherryl haha. Diba nga sikat siya ngayon hahaha, bakit mo naman naitanong?" aniya.

"Kaibigan ko si Leonora, kaya alam kong hindi siya si Sherryl." sabi ko, sinabi kong kunyari na kaibigan ko si Leonora.

"Ohhh, o-okay." aniya.

Well, hindi alam ng mga tao na si Leonora ay hindi talaga anak ni Sarah De Guzman. At ang alam nila ay parang screen name lang ang "Leonora" at ang alam ng iba ay "Sherryl" ang tunay na pangalan ni Leonora. Dahil nga sa isa siyang sikat na make-up artist. Anyway, hindi na naman siya sobrang sikat na ngayon kaya hindi na siya masyadong pinapansin ng media.

"Sapalagay mo, kanino ipapamana ni Sarah yung salon niya?" tanong ko kay Ashley.

"I-I don't know, pero feeling ko kay Leonora. Kasi parang tunay na anak na rin yung tingin ni Tita kay Leonora eh." sabi naman ni Ashley.

"Pero diba, ikaw yung natitirang kamag-anak o kadugo ni Sarah. Diba dapat ikaw talaga ang magmana ng salon niya?" sabi ko.

"W-What do you mean?" tanong niya.

"Ibig kong sabihin, sa totoo lang ikaw naman talaga ang tagapagmana nung salon. Kaso umepal lang si Leonora. So, if i were you kukunin ko kung ano yung akin. Gagawa ako ng paraan para makuha ang akin at mapalayas ko si Leonora sa bahay na kung saan dapat ka nakatira." sabi ko at nag-smirk pa.

"Akala ko ba kaibigan mo si Leonora? Bakit mo siya sinisiraan. I mean bakit gusto mo siyang mapabagsak?" tanong ni Ashley.

"Well, just to be honest may atraso kasi sakin si Leonora. Sobrang laki. Anyway, hindi mo pa ba gets? Tulungan mo akong mapabagsak si Leonora at tutulungan kitang yumaman ng bongga at mapunta sayo ang ari-arian ng mga De Guzman. Deal?" sabi ko at nilahad ang kamay ko.

"Sino ba naman ang ayaw yumaman? Okay, deal." sabi ni Ashley at nakipagkamayan na sakin.



Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon