Chapter 7

5.3K 120 8
                                    

A/N: Sorry, ngayon lang po ulit ako nakapag-update. Pero thank you po sa mga naghintay ng update ko ^_^
--------------------------------------------------
Chapter 7

Makalipas ang isang linggo ay tinawagan na ako ni Joanna, at nagpareserve na daw siya sa isang mamahaling restaurant kaya maya-maya ay pupunta na rin ako doon.

"Leonora!" sigaw ni Ailenne na siyang ikinagulat ko.

"Ohh? Bakit ka nandito?" tanong ko dahil kakababa ko lang mula sa kwarto ko, dahil nakatulog ako ng tanghali kaya medyo hapon na ko nagising at naabutan ko agad sila ni Eve sa sala.

"Wala lang, gusto ka lang ulit yayain ni Eve na mag-shopping." utas ni Ailenne at nakipag-appear kay Eve.

"Opo, go with us tita." sabi ni Eve na nakangiti.

"Uhm... Grabe kayo puro shopping nalang kayo haha. P-Pero di kasi ako puwede, kasi may lakad na ko." sabi ko na medyo nanginig anh boses ko.

Biglang lumungkot yung mukha ni Eve, kaya lumapit ako sa kanya. Lumujod ako para maging magkalevel ang tingin namin.

"Promise, babawi si Tita. Treat kita sa susunod huh." sabi ko.

"Okay, you promise me. Next time po tayo aalis." sabi ni Eve.

"Yah, i promise." sabi ko at niyakap si Eve.

Umaliwalas na ang mukha niya at tumakbo patungo sa garden para maglaro o tumingin ng kung ano.

"Saan ang punta mo?" biglaang tanong ni Ailenne.

"Pupunta ako sa dun sa restaurant na pinareserve ni Joanna, para daw makilala ko na yung fiancé niya." sabi ko.

"Ayy, ganun. Bakit kailangan ka pang ipakilala?" tanong ni Ailenne at biglang humalakhak.

"Aba'y malay ko dun. Tinatamad nga akong pumunta eh, kaso no choice mapilit eh tsaka magagalit yun." sabi ko.

"Takot ka dun? Ano naman kung magalit siya?" sabi ni Ailenne.

"Ui, di ako takot dun noh! Sinasabi ko lang na baka magalit meaning di naman pangmatagalan yung parang magtatampo lang kapag di ako pumunta." sabi ko.

"Sige sige, paano ba yan una na kami. Baka abutin pa kami ng gabi." sabi ni Ailenne at nakipagbeso na sa akin.

"Sige, ingat kayo." sabi ko.

"Even, anak. Paalam ka na kay tita mo." sabi ni Ailenne kay Eve.

"Tita, Goodbye po." sabi ni Eve at kiniss ako sa cheeks.

"Take care." sabi ko.

Nanonood ako ng TV habang hinihintay ang text ni Joanna, kung aalis na ba ako sa bahay at pupunta na ko sa restaurant.

Bago pa siya magtext ay nag-shower na ko at sinuot ko na ang susuotin ko para sa pagpunta ko doon. Hindi naman sobrang pormal ng suot ko isang simpleng color gray na T-Shirt lang at naka-pants and sneakers lang ako. Pagkabihis ko ay saktong nagtext si Joanna sakin.

Joanna:

"Punta ka na :)"

Mabilis naman akong nagreply.

Ako:

"Sige, paalis na ko sa bahay."

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at para pumunta sa restaurant.

Nang makarating na ko sa isang restaurant na sinasabi ni Joanna ay agad ko siyang nakita dahil inaabangan niya ako sa harap ng resto.

Pinark ko ang kotse ko at lumabas ako at ni-lock ito. Agad akong tumakbo sa kay Joanna.

"Bakit ka nandito sa labas?" tanong ko.

Naka-maiksing dress pa siya at kulay white ito, bagay na bagay sa kanya.

"W-Wala, hinihintay kasi kita eh." utas niyang para siyang nalulungkot.

"Pasok na tayo sa loob, nandiyan na ba yung fiańce mo?" tanong ko.

"W-Wala pa nga eh. On the way palang daw siya." sabi ni Joanna.

"Ano?! On the way palang siya?! Dapat nga ay mas nauuna pa siya sayo, kasi siya yung lalaki! Hindi siya gentleman, grabe. Tsss. Halika na nga pumasok na muna tayo doon nalang natin siya hintayin." medyo galit kong sinabi.

Pumasok na kami at nasa may dulo kami ng restaurant, table for three ito. Kaya tama lang dahil tatlo lang naman talaga kami.

Nagkuwentuhan muna kami ni Joanna habang hinihintay yung lalaki. Medyo marami-rami na rin kaming napagkuwentuhan at kita namang masaya siyang kakuwentuhan ako. Pero minsan ay paligoy-ligoy ang tingin niya para bang may hinihintay, siguro yung hinihintay niya ay yung fiancé niya.

After 20 minutes ay tsaka pa dumating yung fiańce niya.

"Oh, andiyan na siya." sabi ni Joanna at napatayo siya, kaya tumayo na rin ako.

"Saan?" sabi ko.

Bigla siyang tumakbo patungo doon sa lalaki. Nakahawak siya sa braso nung lalaki, habang yung dalawang kamay nung lalaki ay nasa bulsa ng pants lang niya.

Lumapit na sila sa table at nanigas ako sa kinatatayuan ko, medyo nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko. Halata rin sa mukha nung lalaki na nagulat din siya dahil lumaki din ang mga mata niya ng makita ako. Sa dami ng pagkakataon at chance na makita ko siya, bakit ngayon pa? Bakit dito pa at bakit nakilala ko pa siya bilang fiancé ni Joanna? Na isa sa malapit kong kaibigan.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon