Chapter 18

3.5K 77 3
                                    

Chapter 18

Halos araw-araw na kaming kumakain ni Henry sa labas, at lagi din niya akong sinusundo sa Salon.

Alam kong parang temporary'ng kasiyahan lang ito dahil nga may makakaalam din naman ng tungkol sa amin ni Henry. At kapag nangyari yun, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung ipagpapatuloy ko pa ba ito o ititigil ko na at lalayo nalang ako.

Again, niyaya ulit ako ni Henry na kumain sa labas mamayang dinner kaya naman susunduin niya ulit ako dito sa salon. At hindi ko nanaman matanggal ang ngiti sa labi ko.

Joanna's POV

Parang mas lalong lumayo ang loob sakin ni Henry, lagi ko siyang niyayaya umalis or kumain sa labas. Pero lagi niya akong tinatanggihan. Naiinis ako! Feeling ko may ibang kinakalokohan itong si Henry! Kaya naman pupunta ako mamayang hapon sa company nila. At sasabihin ko ito kay Tita o sa mommy ni Henry.

Kinuha ko ang bag ko at kinuha ko ang susi ng kotse ko doon.

~~~~~

Nang makarating na ako sa company nila Henry ay agad akong pumunta sa office ng mommy niya.

"Oh, Joanna. What are you doing here?" sabi ng mommy ni Henry at nagulat pa.

"Tita, s-si Henry po?" tanong ko.

"Aba'y ang alam ko ay nasa office lang siya lagi. Bakit?" sabi ng mommy ni Henry.

"Tita, parang nagiging cold na po kasi sakin si Henry. Well, cold naman na po talaga siya. Pero once na niyaya ko siya pumapayag naman siya kahit minsan na kumain kami sa labas. Pero ngayon kahit isang beses hindi na siya pumapayag." sabi ko.

"Okay, hija. Kakausapin ko siya mamaya sa bahay." aniya.

"Maraming salamat po tita. K-Kasi kapag nalaman kong may ibang babae pala siya baka pahirapan at mapatay ko yung babaeng yun." sabi ko at tumaas pa ang kilay ko.

"Impossible, alam naman niya may fiancé na siya. At kahit na mambabae siya, sayo pa rin naman ang bagsak niya." aniya at kinindatan pa ako.

"Sige po tita, pupuntahan ko muna sa Henry sa office niya." sabi ko.

Umalis na ako doon sa office ng mommy niya at pupuntahan ko naman siya sa office niya ngayon. Aalamin ko kung anong pinagkaka-abalahan niya this past few weeks.

Malalaman at malalaman ko din iyon.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon