Chapter 48

2.5K 51 3
                                    

Chapter 48

Isang linggo na rin simula noong pumunta ako dito, masaya naman yung naging buhay ko dito. Nagkaroon agad ako ng mga kaibigan at syempre mas masaya ngayon dahil kasama ko ang mga magulang ko. At masaya din ako dahil parang bonding namin ni inay ang pagluluto doon sa carenderia namin.

"Grabe, ang ganda mo na. Ang sarap mo pang magluto!" sabi nung kaibigan kong si Mikaela.

Naging kaibigan ko siya at siya ang naging kauna-unahang close ko dito sa probinsya mula nung dumating ako. Araw-araw kasi siyang kumakain dito.

"Ui, grabe ka mambola! Walang discount yan." sabi ko at pareho nalang kaming tumawa.

"Oo nga pala, bakit wala ka pang nagiging nobyo?" aniya.

Napatigil ako sa ginagawa kong paghuhugas ng pinggan dahil sa sinabi niya. Naalala ko tuloy si Henry, pero bakit ko ba siya inaaalala? Umiling-ikung ako dahil sa mga naiisip ko.

"Mikaela, alam mo. Ang daldal mo hahahaha. Kumain ka na nga lang diyan!" sabi ko sa kanya.

Joanna's POV

Isang linggo na rin ang lumipas nung umalis si Leonora, nagwala nga si Henry nung nalaman niya umalis na si Leonora. Hindi namin sinabi ang tunay na dahilan kung bakit umalis si Leonora dahil kaki ang mapapahamak ni Tita, kaya sinabi nalang namin hindi namin alam ang dahilan. Nagtaka din si Henry kung bakit maaga umuwi si Tita noon pero sinabi lang ni Tita na sumama ang pakiramdam niya at natulog lang siya maghapon sa kwarto niya. Hahahaha, ang galing talagang umarte nito ni Tita.

"H-Henry, ito ohh. Kumain ka na." sabi ko kay Henry nung pumasok ako sa kwarto niya.

Punong-puno ng bote ng alak at halos isang linggo na rin siyang hindi pumapasok sa opisina at nagiinom at nagkukulong lang sa kwarto niya, lumalabas lang siya ng kwarto kapag kakain na at minsan hindi talaga siya kumakain pero dinadalhan ko pa rin siya.

"Ano?!" sigaw niya sakin.

"Kumain ka na at kailangan gwapo ka bukas dahil engagement party na natin!" masigla kong sinabi.

Bukas na kasi ang engagement party namin at nag-imbinta rin ng mga media si Tita para ipaglandakan sa buong Pilipinas na ikakasal na ang anak niyang si Henry sakin. Ang saya, naeexcite na ako. Inilapag ko ang tray na may nakalagay na pagkain at tubig sa may table. At lumapit sa kanya.

"Henry, ikakasal na tayo. Kaya dapat maging masaya ka na." sabi ko at ngumiti.

Iniharap ko siya sakin at hinalikan ko siya sa labi niya. Hinalikan naman niya ako pabalik.

"L-Leonora." sabi niya sa gitna ng halikan namin.

Bahagya ko siyang itinulak at agad naman akong tumayo at lumabas sa kwarto niya. Anong sabi niya?! Ako ang hinahalikan niya! Tapos si Leonora pa rin ang nasa isip niya?! No! Hindi na dapat akong magselos. Engagement party na namin bukas at malapit na rin kaming ikasal! Sa akin din siya mapupunta kahit anong mangyari kaya hindi na dapat akong mabahala pa!

***

Kinabukasan ay maaga pala ay naligo na ako, isinuot ko na rin iyong red dress ko para mamaya. May mga make-up artist na rin na pumunta sa kwarto ko at minake-upan ako. Pagkatapos nun ay agad na akong bumaba sa living room at nakita ko si Tita at Henry doon na nakaupo sa couch. Nakabihis na rin si Henry at bagay na bagay sa kanya ang black suit niya. Sobrang gwapo niya talaga! At magiging asawa ko na rin siya soon!

"Hello." bati ko sa kanila.

"Ohmygod! You look stunning Joanna!" sabi ni Tita.

"Alam ko naman iyon, kaya nga po bagay na bagay kami nitong si Henry." sabi ko.

Tumango at ngumiti nalang si Tita.

"Let's go na." sabi ko.

Tumayo naman na si Henry at agad akong kumapit sa nga braso niya. Naglakad na kami papunta doon sa kotse nila. Iba yung sinakyan ni Tita at iba din naman yung sinakyan namin ni Henry.

"Excited ka na ba?" sabi ko kay Henry habang nakakapit sa braso niya at nasa loob na kami ng kotse.

Hindi ako inimikan ni Henry.

"Bakit ba ang tahimik mo?" sabi ko.

"Puwede ba? Puwede bang itikom mo yang bibig mo kahit ngayon lang!" nagulat ako sa pagtaas ng boses niya.

Naiinis ako! Naiinis ako, dahil alam kong si Leonora pa rin ang laman ng puso niya! Pero kahit anong mangyari, alam kong matututunan din akong mahalin ng isang Henry Alcantara. At malilimutan na din niya yang Leonora na iyan!

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon