Chapter 10

4.9K 109 2
                                    

Chapter 10

Kinabukasan noon ay agad kong kinuwento kay Ailenne yung mga nangyari din ng tumawag si Joanna, para naman makahingi ako ng advice or kahit ano. Pero bakit naman ako hihingi ng advice? Ano ba tong nangyayari sakin?! Arrggh!

"Sintomas yan ng inlove na." sabi ni Ailenne.

"Anong inlove?! No way!" napasigaw ako sa kanya.

"Why not?" sabi ni Ailenne at tumaas pa ang kilay.

"Anong why not? Eh may fiancé na siya kaya kahit mainlove ako wala rin namang mangyayari." sabi ko.

"Eh kung maiinlove din naman siya sayo, edi go." sabi ni Ailenne.

"Ui, naririnig mo ba yang mga sinasabi mo? May fiancé na yung tao. At yung fiancé niya kaibigan ko pa." sabi ko.

Medyo natahimik si Ailenne sa sinabi ko, kaya medyo natahimik rin ako. Nagkamali yata ako ng sinabi, kasi sa tingin ko ay naaalala niya yung naging sitwasyon namin dati. Naisip ko tuloy na parang ang awkward.

"Uh... D-Depende rin naman dun sa lalaking sinasabi mo na Henry? Basta yun yung sinasabi mong Henry, kung mahal ba niya si Joanna? Or malay mo ikaw pala yung gusto niya." sabi ni Ailenne sa gitna ng katahimikan namin.

"Paano naman niya ako magugustuhan kung dalawang beses palang kami nagkita at isang beses nagkausap." sagot ko kay Ailenne.

"Malay mo lang, iyon yung tinatawag na love at first sight." sabi ni Ailenne.

"Hayy, ewan ko sayo." sabi ko nalang at humalakhak.

Kung sakaling nagkagusto na nga talaga ako kay Henry, wala rin namang mangyayari dahil fiancé na niya si Joanna at ikakasal na sila. Umalis na si Ailenne sa bahay, siguro ay dumaan lang siya dito at bukas na pala magbubukas ulit yung salon niya kaya baka puntahan niya na iyon ngayon.

Naligo na agad ako at hindi ko alam pero medyo wala akong ganang kumain. Kaya hindi muna ako nagbreakfast, pero nung nagdadrive ako at nakakita ako ng isang cafe ay parang nagsimula na kumulo ang tiyan ko kaya naman pinark ko na ang kotse ko at pumasok na sa cafe na iyon.

Sinabi ko ang order ko isang coffee at bread lang. Kung alam ko lang na gugutumin ako ay sana sa bahay nalang pala ako nag-breakfast. Hindi kasi ako ginugutom kanina eh. Umupo na ko sa may gilid at nagsimula ng kumain.

"Miss, puwede bang makiupo?" tanong ng isang boses lalaki.

Inangat ko ang paningin ko at nakita kong si Henry iyon. Ano naman kaya ang ginawa niya dito? Sinusundan ba niya ako? H-Hindi naman siguro. Ano ba! Bakit ba ko natataranta?!

"Ah, sige umupo ka na diyan." sabi ko at umupo na siya sa may harapan ko.

"So, dito ka ba nagbe-breakfast lagi?" tanong niya.

"H-Hindi naman, napadaan lang ako." sabi ko at medyo nanginginig pa ang boses ko.

Ano ba, kalma lang okay? Kalma lang. Wag kang mataranta!

"Actually, napadaan lang din ako dito eh." sabi niya at ngumiti sakin.

Ngumiti nalang ako pabalik, ano ba yang ngiti niya?! Killer smile! Nagwawala nanaman yung mga paru-paro sa tiyan ko!

"Haha, sakto talaga noh. Lagi tayong pinagtatagpo." wala sa sarili kong sinabi at medyo nag-blush ako sa sinabi kong iyon.

"Hindi kaya soulmate tayo?" sabi ni Henry at ang seryoso pa ng napaka-gwapo niyang mukha nun.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon.

"H-Huh?" yan nalang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko.

"Ahh, wala. Biro lang yun." sabi ni Henry.

Medyo na-disappoint naman ako ng sinabi niyang biro lang yun. Ayokong mag-assume pero, bakit niya pa kasi kailangan sabihin yun? Kahit biro lang iyon ay medyo iba yung meaning sakin nun. Pero ano ba Leonora? Wag ka ng umasa please lang. Tigil mo na yang kahibangan mo!

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon