Chapter 36

2.5K 52 5
                                    

Chapter 36

Balak kong pumunta kela Ailenne pero malayo-layo ang bahay nila at wala akong pamasahe papunta doon at wala akong cellphone para ma-contact siya. Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating na ako sa exit ng subdivision. Makikitawag nalang ako sa guard, para makatawag ako kay Ailenne. Kabisado ko naman ang cellphone number niya eh.

"Uhm, manong. Puwede po bang makitawag?" tanong ko.

"Ms. De Guzman? B-Bakit po hindi pa kayo pumapasok sa bahay niyo?" tanong sakin nung guard.

"B-Basta makikitawag lang ako please." sabi ko.

"A-Ahh, ito po." aniya, sabay bigay ng cellphone sakin.

Dinial ko ang number ni Ailenne at matapos kong ma-dial ang number ni Ailenne ay tinawagan ko na siya. Nag-ring ito at sa wakas ay sinagot niya na din.

"Hello, who's this?" iba ang sumagot, pero feeling ko si Eve ito dahil kaboses niya eh.

"Hello, Eve?" sabi ko.

"Ohh! Why did you suddenly call tita?" sabi ni Eve.

"Where's your mommy?" agad kong sinabi.

"Ayy, wait tatawagin ko siya sa labas." aniya.

Hinintay ko si Ailenne at mamaya-maya ay nagsalita na rin siya.

"Hello?" sabi ni Ailenne.

"Ailenne! I need your help! Tsaka ko na eexplain puwede bang diyan muna ako sa bahay niyo?" sabi ko.

"Hala, sorry. Nasa Palawan kami ngayong pamilya. Nagkayayaang mag-outing you know. Minsan lang kasi kaming mag-outing. Chosss. Hahahaha. I miss you best!" sabi ni Ailenne.

Dahil sa ayoko ng istorbohin sila Ailenne at ang bakasyon nila ay napag-isipan kong wag nalang muna sabihin sa kanya ang mga nangyari sakin, dahil baka mag-alala lang sila sakin at baka hindi sila makapag-enjoy sa family outing nila.

"I-I miss you too." sabi ko nalang at pinilit pasiglain ang boses ko.

"Ano nga pala yung problema? Bakit ka humihingi ng tulong?" aniya.

"Ahh, wala namiss ko lang kayo. Hahahaha. Sige na! Uwi na ako!! Byeee!" sabi ko at inend call ko na.

Lumapit ako kay manong at ibinigay na ang cellphone niya.

"Thank you po." sabi ko.

Tumango nalang si manong. Hayy, saan naman kaya ako tutuloy ngayon? Naglakad ako hanggang sa tuluyan na akong nakalabas ng subdivision. Nakaramdam na ako ng gutom kaya umupo muna ako sa may sidewalk. Ano ba ito, wala akong kapera-pera. Yumuko ako hanggang sa maya-maya ay naka-idlip na ako sa may sidewalk. Hindi ko iyon napansin nagising nalang ako ng biglang may tumutulong basa sakin tapos maya-maya ay lumalakas ito.

Shit, ngayon pa talaga umulan! Ano ba itong kamalasang natatamasa ko ngayong araw? Great, just great! Naghanap ako ng masisilungan pero wala akong makita. Malayo-layo na rin ito sa subdivision! At dahil sa basa na rin naman ako umupo nalang ako sa sidewalk at yumuko nalang muli. Maya-maya ay parang may tumigil na yung ulan dahil hindi na ako nababasa pero naririnig ko pa rin yung patak ng mga ulan.

Unti-unti kong itiningala ang ulo ko at nakita kong may puting payong, at nakita ko si Ivan. Pinayungan niya ako. Pinayungan ako ni Ivan.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon