Chapter 47
Habang nasa bus ako ay walang tigil yung paglandas ng mga traydor kong luha. Kahit anong pigil ko ay hindi ko makayang pigilan yung iyak ko. Talaga bang ipapaubaya ko nalang si Henry kay Joanna? Bahala na. Iyon naman ang mas nakakabuti sa kanya, at kung ipagpapatuloy lang namin yung relasyon namin. Pareho lang kaming masasaktan.
***
Hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa probinsya namin. Wala na rin masyadong tao sa loob ng bus, siguro ay nagsibabaan na sa mga nadaanang bayan. Nang makarating na naman kami sa Candelaria ay agad akong bumaba. Isang sakay pa ng jeep at tricycle para makapunta sa mismong bahay namin.
Nang makarating na ako sa maliit naming bahay ay agad akong kumatok. Binuksan naman agad iyong pinto ni inay. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.
"L-Leonora?" sabi ni inay na nauutal pa.
"Nay!" sabi ko at agad na yinakap siya.
"B-Bakit ka nandito?" tanong ni inay.
Hindi ko pinansin ang tanong niya at agad akong pumasok sa bahay namin. Namiss ko toh! Bumabalik yung mga alaala ko nung bata pa ko. Umupo ako sa maliit naming sofa at sumunod naman si inay.
"Nay, asan po si itay?" tanong ko at pinilit kong ngumiti.
"N-Nasa palengke, pinabili ko ng mga gulay para sa hapunan." aniya.
"Ahh, ganun po ba." sabi ko nalang.
"Anong ginagawa mo dito? At bakit namumugto iyang mga mata mo? Anong nangyari? Hindi ka naman siguro uuwi ng walang dahilan diba? At bakit kakaunti lang ang mga dala mo?" sunod-sunod niyang tanong.
"K-Kasi po..." hindi ko alam ang sasabihin ko pero naisip kong sabihin nalang ang totoo.
Kinuwento ko ang lahat-lahat kay inay, pati na rin yung pagpapalayas sakin ni mommy... I mean ni ma'am Sarah, at kinuwento ko na din ang lahat pati ang tungkol samin ni Henry.
"Grabe namam iyon! Hindi mo naman magagawa iyong magnakaw! Ang babaw namam niya!" sigaw ni inay nung kinuwento ko yung tungkol sa pagpapalayas ni ma'am Sarah.
"Hayaan mo na po, tapos na naman yun. Atsaka hindi na naman ako babalik ng Manila. Dito nalang po ako." sabi ko.
"Talagang hindi na kita papabalikin dun! Pati yung nanay nung mahal mo, yung Henry ba yun? Napakawalang-hiya! Bakit nagpapa-api ka sa mga yun! Porket mayayaman sila!" sabi ni inay.
"Nay, yung puso niyo." sabi ko at pinilit na ngumiti.
Habang nandito ako, paniguradong makaka-move on din naman ako sa mga nangyari sakin sa Manila.
***
Kinaumagahan ay agad kong inayos ang mga gamit ko sa maliit kong kwarto. Nung dumating kasi si itay kahapon ay syempre nagulat siyang nandito ako, kinuwento naman agad ni inay lahat ng kinuwento ko sa kanya, sa lahat ng pinagdaanan ko sa Manila. At pagkatapos malaman ni itay ang lahat syempre nagalit din siya sa mga taong iyon, pero agad din naman akong pumasok sa kwarto ko at natulog maghapon.
Lumabas na ako sa kwarto at nakita ko agad ang mga pagkain sa lamesa.
"Anak, kumain ka na." sabi ni inay.
"Sige po." sabi ko.
"May maliit pala akong carenderia diyan sa tabi lang ng bahay natin. Yung carenderia diyan ay akin, inipon ko kasi yung mga pinapadala mo kaya naisipan kong magtayo ng carenderia. Diba? Business din yun." sabi ni inay.
"Sino naman po ang nagluluto doon?" tanong ko habang kumakain.
"Ako at yung isang babae, hindi mo naman siya kilala. Basta dalawa kaming nagluluto, siya yung katulong ko sa pagluluto." sabi ni inay.
"So, sinuswelduhan mo pa siya?" tanong ko.
"Oo, syempre kailangan iyon." sabi naman ni inay.
"Nay, wala na akong trabaho. Uhm... Baka puwedeng ako nalang yung maging katulong niyo sa carenderia ninyo. Hindi niyo na ako kailangang suwelduhan pa." sabi ko kay inay.
"P-Pero-" hindi ko na pintapos sa pagsasalita si inay.
"Please naman po, hayaan niyo akong tumulong sa inyo. Marunong naman po akong magluto. Please." sabi ko.
"Hayy naku, itong batang toh talaga. Sige na bilisan mo ang pagkain mo at pupunta na tayo sa carenderia. Yung tatay mo nga pala yung taga-bili ng mga kailangan natin sa carenderia kaya namalengke siya." sabi ni inay.
"Salamat po." sabi ko at kumain na.
Matapos kong kumain ay pumunta ako sa maliit na sala namin at naabutan ko si inay na nanonood lang sa TV namin.
"Nay, may cellphone kayo diba? Pa-text po. Itetext ko lang si Ailenne na nandito ako sa inyo. Baka kasi mag-alala sakin yun." sabi ko.
"Ahh, O sige. Ito" sabi ni inay at ibinigay sakin yung cellphone niya.
Ako:
"Ailenne, si Leonora ito. Nandito na ako kela nanay at tatay ngayon. Dito na ulit ako titira."
Kakasend ko palang ay maya-maya'y nagreply na siya.
Ailenne:
"Huh?! Bakit? Anyaree?"
Ako:
"Hayy, mahabang kuwento tsaka ko nalang ikukuwento sa susunod na pagkikita."
Ailenne:
"Sige, mag-ingat ka diyan! Miss ka na namin ni Eve hahaha. Ikamusta mo nalang ako kela nanay at tatay."
Hindi na ako nagreply at agad akong pumunta sa CR para maligo at pagkatapos ay nagbihis na ako para masundan ko na si inay sa carenderia niya. Tama, siguro dito talaga ako nababagay. Hindi kami puwede ni Henry dahil malayong-malayo ang agwat namin sa isa't isa. Mayaman siya at wala naman akong maipagmamalaki.
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
Ficción GeneralMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...