Chapter 39

2.5K 52 2
                                    

Chapter 39

Nagising ako at agad na akong bumaba. Nakita ko naman si Ivan na nagreready na ng breakfast. Nahihiya tuloy ako, dapat pala mas inagahan ko yung gising ko para ako nalang yung naghanda ng almusal.

"G—Good Morning." sabi ko ng makarating na ako sa dining room.

"Good Morning!" aniya at ngumiti.

Naaalala ko tuloy yung sinabi niya sakin kagabi. 'You look hot' arggghhhh! Ano ba itong iniisip ko! Nung sinabi niya sakin iyon ay agad akong umakyat. Sabi ko nalang na inaantok na ako.

Kumain nalang kami at nabalot kami ng nakabibinging katahimikan.

"Aalis tayo mamaya ah." pagbasag niya sa katahimikan.

"S—Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Ibibili kita ng mga damit." aniya.

"P—Pero-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay agad niya na siyang nagsalita.

"Wala ng pero, pero. Isipin mo nalang yung kalagayan mo, huwag mo na unahin yang hiya mo. Hindi mo namang kailangang mahiya sakin eh." sabi ni Ivan.

Napalunok naman ako sa sinabi niya, sabagay. Totoo nga naman. Dapat kapalan ko na rin yung mukha ko, kasi kung patuloy akong mahihiya ay wala ring mangyayari sakin hayy.

"Ako na ang magliligpit ng pinagkainan natin." sabi ko nang matapos na kaming kumain.

"Huwag na, mag-ayos ka nalang para mabilis din tayong makauwi." aniya at ngumiti nanaman.

"Pero ikaw na yung naghanda ng breakfast, pabayaan mo na akong iligpit yan." sabi ko.

"Huwag ka ng makulit Leonora." aniya.

"Okay." sabi ko at umakyat na.

Pumunta akong bathroom at nag-ayos na, hindi na ako nagpalit ng shorts at yung T-Shirt ko nalang na suot ko kahapon yung sinuot ko, dahil nalabhan at tuyo na naman iyon. Sinuot ko na rin yung sapatos ko.

Agad na naman akong bumababa ng tapos na ako. Nakita ko si Ivan na bihis na at nakaupo nalang sa sofa. Ang bilis talagang kumilos ng mga lalaki kaysa sa mga babae. Tsss.

"Lika na." sabi ni Ivan at lumabas na sa bahay.

Sumunod nalang ako sa kanya at pinagbuksan niya ako sa kotse niya sa may front seat, pinanood ko naman siyang umikot papunya sa driver's seat.

***

Nakarating kami sa isang mall na malapit lang naman sa subdivision. Pumunta kami sa department store at pinabili niya na ako ng gusto ko. Binigay niya sakin yung card niya at iniwan muna ako dahil may titignan lang daw sa sa taas ng mall.

Syempre, bumili ako ng underwears, shorts, socks, at shirts. Bumili din ako ng dalawang pants. Hindi naman lalagpas ng anim yung bilang ng mga binili ko. Dahil syempre kahit papaano ay nahihiya na talaga ako. Pagkatapos kong mamili ay agad na akong pumunta sa labas ng department store. Sakto namang kakadating lang ni Ivan doon. Kinuha niya yung nga bitbit ko at may binigay siya sakin na isang maliit na paper bag.

"Ako na magbibit-bit niyan. At ano ito?" sabi ko.

"Tignan mo nalang." aniya at ngumisi.

"Iphone? Hindi mo naman ako kailangan ibili ng mamahaling cellphone eh." sabi ko.

"Wag ka ng magreklamo, halika na nga ipagluluto kita ng sinigang sa bahay." aniya.

Naglakad siya at sinundan ko nalang siya. Dala-dala niya yung nga pinamili ko at yung dala ko naman ay yung tanging iphone na binili niya sakin. Pumunta na kami sa parking lot. Inilagay niya yung mga pinamili ko sa compartment ng sasakyan niya sa likod, tapos pinagbuksan niya ulit ako ng sasakyan niya.

"Salamat sa lahat ng ito ahh." sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot pero nakita kong gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Tahimik lang kaming dalawa at parang nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsalita. Hanggang sa makarating na kami sa subdivision, parang nakita ko yung kotse ni Henry na nakapark sa harap ng bahay nila mommy. Biglang lumiko yung kotse ni Ivan at parang bumalik palabas ng subdivision.

"B—Bakit?" tanong ko.

"W—Wala lang, kumain nalang tayo sa labas. Parang tinamad ako biglang magluto eh." aniya at humalakhak.

Hindi nalang ako sumagot. Kay Henry bang sasakyan yun? Baka naman guni-guni ko lang? Medyo malayo-layo kasi kaya hindi ko ganoong malinaw na makita.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon