A/N: So, yeah xD pagpasensiyahan na ang walang kuwenta kong update ngayon haha. Dahil nabura ko ang ginawa kong update nung una at inaantok ako noong ginagawa ang update na ito xD pero sa lahat ng naghintay ng update ko ngayon. Tyvm! Hahaha.
----------------------------------------------------------------------------
Chapter 37
Ashley's POV
Hindi pa rin lumalabas si tita mula sa kwarto niya. Ang lakas ng ulan mula sa labas at sigurado akong basang-basa na si Leonora doon hahahaha. Kinuha ko lang naman kung ano ang akin. Tssss. Ang bilis naman mauto ng matandang toh, tinutukoy ko si tita haha. Ang bilis niyang mauto hahahahaha.
Umupo ako sa sofa at kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko, at tinawagan ko si Joanna. Tumingin ako ng kaunti sa paligid dahil baka may makarinig sakin.
"Hello?" sagot ni Joanna.
"Hey" sabi ko.
"Why?" simpleng sabi niya at halatang bored niya akong kinakausap ngayon. Tsss.
"Wala lang, I just want to say na nagawa ko na." sabi ko.
"Huh? Nagawa ang ano?" pagtataka niya.
"Nagawa ko lang naman ang pinapagawa mo sakin. Wala na si Leonora ngayon sa bahay, pinalayas na siya ni tita. Thank you sa brilliant mong idea!" sabi ko.
"What?! Talaga! Wow! That's good! So, we need to celebrate! Magkita tayo bukas at mag-party hahaha!" sabi ni Joanna na halata namang biglang sumaya ang boses.
"Wag na, nakuha ko na ang gusto kong makuha at baka may makakita pa sating magkasama at magtaka sila kung bakit tayo magkasama. Sige, bye na. I need to go. Uutuin ko pa si tita." sabi ko.
"Ohh, okay. Bye~!" aniya.
Nilagay ko na muli ang cellphone ko sa bulsa. Maya-maya habang umiinom ako ng kape ay naalala ko kung paano ko ginawa yung plano para mapalayas si Leonora.
-FLASBACK-
Pumunta ako sa bahay ni tita para kunyaring bumisita, pero kaya lang ako pumunta doon ay para magawa ko na yung sinabing plano sakin ni Joanna. Hindi ko na sinayang ang oras ko para gawin iyon, gustong gusto ko na makuha ang kayamanan ni tita. Bagay naman talaga na sakin lang mapunta iyon, dahil ako lang naman ang tunay at tanging natitirang kamag-anak ni tita.
Noong bumisita ako sa bahay ni tita ay agad niya akong niyaya sa kwarto niya para daw makapag-kuwentuhan kami ng maayos, dahil sa dati naman na akong nakatira dito bago pa pumunta ang Leonora'ng iyan ay alam ko na kung saan nakalagay ang pinakamahalagang bagay para kay tita at iyon yung necklace ni Sheryl. Dahil yun nalang ang natitirang ala-ala ni Sheryl sa kanya at napakahalagang gamit din kasi ni Sheryl yun dahil iniregalo sa kanya ni tita iyon noong 18th birthday niya.
"So, dito kana mag-dinner Ashley. Ipagluluto kita! At hintayin natin si Leonora para sabay-sabay na tayong kumain." sabi ni tita.
"Sige po." sabi ko naman.
Lumabas na ako sa kwarto at bago ako lumabas ay sinadya kong iwan yung bag ko sa kwarto. Sumunod naman na lumabas si tita sakin.
"Diyan ka lang sa sala, hija. At ako'y magluluto na para sa inyo ni Leonora." sabi ni tita at ngumiti.
"Sige po, hihintayin ko po kayo dito." sabi ko naman.
Makalipas ang ilang minuto ay nandun pa rin sa loob si tita kaya naman agad akong tumakbo papunta sa kwarto niya at agad na kinuha sa drawer niya yung necklace. Inilagay ko yun sa pinaka-ilalim ng bag ko at iniwan ko lang yung bag ko doon. Agad akong lumabas sa kwarto ni tita at agad na umupo sa sofa. Whooo, mission accomplished.
Saktong pumunta si tita sa sala at binigyan ako ng isang basong tubig.
"Nauuhaw ka ba? Uminom ka muna ng tubig." sabi ni tita at pumunta na uli sa kitchen.
Hanggang sa tuluyan ng dumating si Leonora, sa kanya ko pinakuha yung bag ko sa kwarto ni tita para siya ang pag-alamang huling pumasok dito sa kwarto ni tita at siya ang pagbintangan kung sakaling may mawala! Actually, hindi 'kung sakali' dahil talagang may nawawala at yun ay yung necklace.
Kinabukasan ay pumunta uli ako dito doon ko na muli isinagawa ang plano, hindi alam kung bakit hindi agad napansin ni tita yung pagkawala nung necklace. Eh, lagi niyang inaalala si Sheryl tuwing gabi habang pinagmamasdan yung necklace. Pero hindi ko na yun pinansin, nag-sho-shower daw si tita nung pagkadating ko sabi ni manang. Kaya iyon na yung pagkakataon kong pumasok sa kwarto ni Leonora at nakita ko yung bag niyang dala-dala kahapon kaya naman agad kong nilagay doon yung necklace. Namalengke si manang kaya walang nakakita sa ginawa ko at pagkatapos ni tita mag-shower ay tinanong ko yung necklace dahil kunyari naaaalala ko si Sheryl kapag nakikita ko yun. Tssss. Uto-uto. Pinilit kong si Leonora ang huling pumasok sa kwarto niya at pinilit ko rin na si Leonora ang kumuha nung kuwintas.
-END OF FLASHBACK-
Pumasok ako sa kwarto ni tita at tahimik lang siyang naka-upo sa sofa sa kwarto niya at tinititigan yung necklace.
"Tita, kumain ka na po. Papayat po kayo lalo niyan at baka nagkasakit po kayo." sabi ko na kunyari ay concern ako.
"Wala talagang makakapalit sa pinakamamahal kong anak na si Sheryl. Mali pala ako ng pagkakakilala ko kay Leonora, akala ko mabuti siya katulad ni Sheryl." sabi ni tita at bumuntong hininga pa.
"Okay lang yan tita. Nandito naman ako at aalagaan ko kayo. Promise!" masiglang sabi ko.
"Salamat hija, buti nalang at nandiyan ka." sabi ni tita at niyakap ako.
Hahahaha, sa akin na talaga ang bagsak ng lahat ng kayamanan niya.
------------------------------------------------------------------------------
Sorry po ulit sa walang kuwentang update ko xD wala po ako sa sarili dahil sa antok hahahaha. At sorry kung ang tagal kong mag-update, sobrang tamad ko kasi huehuehue. Anyway, sa lahat ng naghintay ng update ko thank you po ulit! Babawi ako sa next chapter xD
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
Genel KurguMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...
