Chapter 59
Joanna's POV
"Ano ba yung sasabihin mo?" pag-uulit ni Ashley.
"Kung umupo kaya muna tayo?" sabi ko at nagtaas ng kilay.
"Sige, maupo muna tayo. Mukhang napaka-importante niyang sasabihin mo ah?" ani ni Sarah De Guzman.
Umupo muna kami sa sofa nila, kaharap ko sila na nakaupo rin.
"Yes, you're right. Talagang importante ito. Well, ayoko ng magpaligoy-ligoy." pagsisimula ko.
Halata mo sa mga mukha nila ang pagtataka at ang kuryosidad sa sasabihin ko. Napataas naman ako ng kilay.
"Gusto ko sanang itama yung mga pagkakamali ko noon lalo na kay Leonora. Masyado na akong maraming kasalanan at ayoko ng dagdagan pa, ayoko namang makarma ng todo no. Atsaka, kahit papaano ay may konsensya rin naman ako." sabi ko.
"A–Anong ibig mong sabihin na itatama mo ang lahat ng pagkakamali ko kay Leonora?" tanong ng kinakabahan na si Ashley.
"Hindi ka naman tanga Ashley diba? So, by now napagtanto mo ng sasabihin ko na sa Tita mo ang lahat lahat." sabi ko.
"Ano ba talaga yung sasabihin mo?" tanong ni Sarah De Guzman.
"Well, hindi po totoong si Leonora ang nagnakaw ng kuwintas nung anak niyong si Sheryl. Actually, nakipagtulungan sakin si Ashley para magawa iyong plano namin na palabasin na si Leonora ang may kasalanan at mapalayas niyo siya sa pamamahay niyo." tuloy-tuloy kong sinabi.
Agad na tumayo ang namumutlang si Ashley.
"Hindi yan totoo! B–Bakit mo ba ako pinagbibintangan?! Kayo ang magkaibigan ni Leonora diba? Baka ako yung pinagtutulungan ninyo!" sigaw ni Ashley.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumawa.
"Seryoso ka bang wala kang kasalanan? Eh, bakit ka namumutla? Atsaka bakit nauutal ka?" sabi ko.
"Paano ako makakasiguro na totoo ang sinasabi mo? Atsaka kung kaibigan ka nga ni Leonora, bakit mo naman siya tatraydorin?" tanong ni Sarah.
Napabuntong hininga ako at ikinuwento ko nalang sa kanya ang totoong nangyari, na nagalit ako kay Leonora dahil kay Henry at ang pakikipagsabwatan ni Ashley sakin dahil gusto niya rin naman na siya ang magmana ng lahat ng ari-arian ni Sarah.
"Oh my god?! Is this true, Ashley?!" sigaw ni Sarah sa kay Ashley.
"I–I'm so sory po tita." sabi ni Ashley at bigla na lamang napaiyak.
"Naniwala ako sayo! Dahil mas matagal na kitang kilala kay Leonora! Pero nagkamali ako! Pinagkatiwalaan kita at sa lahat ng ginawa ko para sayo, ito lang ang isusukli mo? My god!" paghuhurementado ni Sarah sa kay Ashley.
"Sorry tita, sorry po."
"May magagawa ba yang sorry mo? Ayaw muna kitang makita Ashley. Get out of my house!" sigaw ni Sarah.
"Tita-"
"Umalis ka nalang daw Ashley." sabi ko at nagtaas ng kilay sa kanya.
Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo.
"Nasabi ko na rin naman yung totoo, mauna na ko." sabi ko.
Nauna na akong umalis kay Ashley at agad akong sumakay sa sasakyan ko. Atleast, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sinabi ko na ang katotohanan.
Leonora's POV
Namasyal lang kami ng namasyal ni Henry hanggang sa maggagabi na. Nasa kotse niya kami ngayon at iuuwi na niya ako sa bahay.
"Leonora, ayaw mo bang bumalik sa Manila? Kasama ko?" Aniya
"H–Hindi pa kasi ako ready umuwi muna ng Manila. Ayoko munang makita si mommy." Sabi ko.
Di ko pa rin talaga maiwasan na tawaging mommy si Sarah De Guzman. Dahil talagang nasanay na ako.
"Sabihin mo sa kanya yung totoo, na hindi naman talaga ikaw ang may kasalanan." Aniya.
"Sinabi ko na sa kanya yung totoo na wala talaga akong kasalanan, pero hindi naman siya naniwala. At mas pinaniwalaan niya si Ashley na pamangkin niya." Sabi ko.
Hindi na lamang umimik si Henry, siguro ay napagtanto niyang ayaw ko rin naman iyon pag-usapan.
"Andito na tayo." Aniya.
Agad niyang tinanggal ang seatbelt ko kaya agad nanamang uminit ang pisngi ko. Bumaba siya sa driver's seat at syempre pinagbuksan niya na ako.
"See you ulit bukas." Sabi ni Henry ay ngumiti pa.
"Wala ka na bang balak umuwi ng Manila? Paano yung business niyo?" Tanong ko.
"Kaya naman ni mommy yun kahit wala ako." Sabi ni Henry.
"Ikaw talaga! Pero syempre dapat tinutulungan mo pa rin siya kasi mommy mo siya!" Sabi ko.
"Hinding hindi ako uuwi ng Manila hangga't hindi kita kasama." Sabi ni Henry.
"Pero–" hindi natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan sa lips.
"Hihintayin ko nalang kung kailan ka handang umuwi sa Manila. Goodnight Leonora." Sabi ni Henry at agad na sumakay sa kotse niya.
Ang adik talaga nun. Bigla nalang nanghahalik, napangiti tuloy ako.
Pumasok na ako sa bahay at agas na tumambad sakin si inay.
"Nay, bat gising pa po kayo?" Tanong ko.
"Tunawag sa cellphone ko si Sarah eh. Gusto niyang magkaayos na daw kayo at pinapabalik ka na sa Manila." Aniya.
"Pero Nay, ayoko na po kayong iwan. Dito nalang po ako." Sabi ko.
"Aba't ikaw na bata ka! Paano ka naman makakabuo ng sariling pamilya kung lagi kang naririto sa amin? Sige na at bukas na bukas ay umuwi ka na sa Maynila!" Sigaw ni inay.
"Pero sino pong mag-aalaga sa inyo ni itay?" Tanong kong may halong pag-aalala.
"Kaya naman namin! Tsaka si Mikaela ay tinutulungan naman kami kahit papaano." Aniya.
"Pero kasi hindi ko talaga kayang iwan nanaman kayo."
"Wala ng pero pero! Sige na at umuwi ka na sa Maynila! Gusto ko rin naman magsimula na kayo ng pamilya ni Henry ng magkaapo na ako!" Sigaw ni inay.
Uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya. I guess wala na akong choice kundi unuwi ng Manila? Kakasabi ko lang naman kay Henry na hindi pa ko ready tapos bukas babalik akong Manila. Yayayain ko na siyang umuwi ng Manila bukas. Atsaka, bat naman kaya ako pinapauwi ni mommy? Anong naman kayang nangyari at gusto niya kaming magkaayos?
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
Ficción GeneralMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...
