Chapter 19
Joanna's POV
Nakita ko si Henry na kakalabas lang sa kanyang opisina. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa at tinawagan ko siya.
"Hello? Joanna bakit?" sinagot ni Henry ang tawag ko at tumigil siya doon sa tapat ng pintuan ng opisina niya.
"Nasaan ka ngayon?" tanong ko.
"Nasa opisina. Bakit?" aniya.
"Puwede ba tayong mag-dinner ngayon?" tanong ko.
"Sorry, may lakad ako eh." sabi ni Henry.
"Saan lakad mo?" tanong ko.
"Basta importante lang, sa trabaho toh." aniya.
Binaba ko na agad ang linya, at nakita kong naglakad na siya muli. Sinundan ko lang siya hanggang sa mapunta kami sa parking lot. Pinatunog niya ang kotse niya at sumakay na siya. Agad akong tumakbo sa kotse ko, pinatunog ko din ito at sumakay na ako. Sana nga trabaho lang ang importanteng pupuntahan niya.
Sinusundan ko ang kotse ni Henry pero syempre may distance para hindi ako masyadong mahalata na sumusunod ako sa kanya.
Nakarating kami sa isang restaurant. May ka-meeting ba siya dito? Sana nga ganoon lang at sana nga mali ang kutob ko na may babae siya. Bumaba na ng kotse si Henry at pumasok na siya sa restaurant na iyon. Ganoon din ang ginawa ko. Sinundan ko siya at ng makarating na kami sa medyo dulo ay agad kong nakita si Henry ni hinalikan si L-Leonora sa forehead niya.
"What the fvck." sabi ko sa sarili ko ngunit mahina lang.
B-Bakit nandito si Leonora? Bakit sila magkasama? Bakit hinalikan ni Henry si Leonora sa noo? Bakit ang saya nila? Bakit kaibigan ko pa? Ang daming tumatakbong tanong sa isipan ko.
Humanda ka Leonora! Traydor ka! Wala kang kuwentang kaibigan! HUMANDA KA!
AKIN. LANG. SI. HENRY! At hinding hindi siya mapupunta sa iba!
Agad akong sumugod sa kanila. Habang sila ay masayang nagtatawanan at kinukuha ang menu. Nakita ako ni Leonora at lumaki ang kanya mga mata sa gulat. Lumingon naman agad si Henry at parang kalma lang ang itsura niya.
"Akala ko ba, importante ang pupuntahan mo?" sabi ko at kinakalma ko ang sarili ko para hindi ako mag-eskandalo.
"Oo nga, siya yung importanteng tao na pinuntahan ko dito." sabi ni Henry na kalmado lang din.
"Akala ko ba trabaho ang pupuntahan mo?" tanong ko ulit.
Hindi umimik si Henry at alam ko na ang sagot.
"Leonora at Henry, puwede bang mayaya ko kayo sa labas kahit sandali lang?" sabi kong kalmado at tinaasan ko ng kilay si Leonora.
Lumabas ako ng restaurant at pumunta doon sa walang katao-tao. Sumunod naman silang dalawa.
Pagkadating na pagkadating namin doon ay agad akong humarap kay Leonora at sinampal ko siya ng napakalakas.
Leonora's POV
Nagulat ako ng dumating si Joanna sa restaurant na iyon. Kalmado siyang nagsasalita pero kitang-kita sa mukha niya ang sobrang pagkainis sakin at kay Henry. Pero hindi ko man lang maramdaman na kinakabahan si Henry. Hinawakan pa nga ni Henry ang kamay ko eh.
Dinala kami ni Joanna sa labas ng restaurant na wala masyadong tao. At pagkadating namin doon ay agad akong sinampal ng napakalakas ni Joanna. Nagulat ako sa ginawa niya at pati si Henry ay nagulat din.
Nangilid ang luha sa aking mga mata. Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya. At pakiramdam kong napakasamang tao ko, at napakasamang kaibigan ko.
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi talaga.
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
General FictionMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...