Chapter 20

3.5K 91 3
                                    

A/N: Sinipag po akong mag-update ^_^

-----------------------------------------------------------------
Chapter 20

"Bakit mo naman ginawa yun!" sigaw ni Henry kay Joanna.

Parang nagkaroon ng lump o bara sa aking lalamunan kaya hindi ako makapagsalita, at tuluyan na ring tumulo ang aking luha.

"Bakit?! Kasi inagaw ka niya sakin! Henry! Ako ang fiancé mo!" sigaw ni Joanna.

Mabuti nalang at dito siya sa walang katao-tao nagsisigaw, dahil kapag sa loob pa siya ng restaurant ay malamang napahiya na ako doon. At masisira ang image ng salon at pati na rin si mommy ay magagalit sa akin.

"Yes! Ikaw nga ang fiancé ko! Pero hindi ko naman ginusto na ikaw ang maging fiancé ko! Dahil lang sa pamilya natin kaya tayo pinagkasundo! Kaya wala kang karapatang saktan si Leonora!" sigaw ni Henry.

"HENRY! AKIN.KA.LANG!!" sigaw ni Joanna.

"Joanna, hindi mo ako pag-aari! Walang iyo!" sigaw naman pabalik ni Henry.

Hindi na tumigil ang pagluha sa aking mga mata. At lalong hindi na rin ako makapagsalita, kasalanan ko ito eh. Alam ko naman ang pakiramdam ni Joanna. Pero bakit ibinabalik ko lang yung naranasan ko kay Joanna? Hindi ko alam. Isa lang kasi ang alam ko, at iyon ay yung mahal na mahal ko na si Henry.

"Akin ka lang dati eh! Bakit mo pa ako binibigyan ng chocolates at flowers noon kung hindi mo ako mahal?!" sabi ni Joanna.

"Joanna, inuutusan lang ako ni mommy! At sinasabi niya lagi na wag ko daw sabihin na siya iyong nagpapabigay! At wala rin naman akong sinasabi na galing iyon sakin! Hindi na nga lang ako umiimik!" sabi ni Henry.

Nanlaki ang mga mata ni Joanna, at may tumulong luha na rin galing sa kanyang mga mata.

"Hindi totoo yan! Alam kong minahal mo rin ako!" sabi ni Joanna.

Umiling nalang si Henry.

"I'm sorry." yan lang ang tanging nasabi ni Henry.

"NO! Alam ko namang sa huli ay tayo ang ikakasal! Kundi lang dumating yang Leonora'ng iyan!" sigaw ni Joanna.

"S-Sorry." sabi ko gamit ang mahinang boses at humihikbi pa ako.

"Ikaw! Alam mo, malandi ka! Yes, tama ka ng dinig. MALANDI KA!" sigaw ni Joanna at sinampal ulit ako at hinatak ang buhok ko.

Agad naman ako nilayo ni Henry sa kanya at nilagay ako ni Henry sa likod niya.

"Ano?! Kakampihan mo pa siya?!" sigaw ni Joanna.

"Oo! At lagi ko siyang kakampihan kanino man!" sigaw ni Henry.

Humagulgol na sa iyak si Joanna at nagbalak nanamang susugod sakin ngunit agad akong hinarangan ni Henry para hindi makalapit si Joanna sakin.

"Sasabihin ko toh sa mommy mo, Henry!" sabi ni Joanna.

"Okay, then go ahead. Magsumbong ka." malamig na sabi ni Henry.

Kinuha ni Henry ang wrist ko at naglakad na kami palayo.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon