Chapter 57

2.8K 48 11
                                    

Chapter 57

"Hindi ka na ba talaga uuwi sa inyo?" sabi ko kay Henry ng mag-gagabi na.

"Hindi ako uuwi, kapag hindi kita kasama." aniya.

"Baka nag-aalala na yung mommy mo sayo!" sabi ko.

Hindi siya umimik. Nandito kami ngayon sa may bakanteng lote kung saan kami nag-usap ni Ivan kaninang umaga.

"Alam mo ba, hindi ko na talaga kakayanin kapag napalayo pa ko sayo. Kaya hayaan mo muna ako dito." sabi ni Henry.

"Pero saan ka naman tutuloy? Maliit lang ang bahay namin atsaka hindi pa nga kita napapakilala sa parents ko." sabi ko.

"Edi tara na, pakilala mo na ako." aniya at bigla niyang hinablot ang wrist ko.

Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makarating na kami sa harap ng maliit naming bahay. Medyo hiningal ako kaya naghahabol ako ng hininga.

"Ang bilis mong tumakbo!" sigaw ko kay Henry.

Tumawa lang siya, kaya inirapan ko siya.

"Pasok na tayo?" tanong niya.

"Hindi ka ba kinakabahan na ipapakilala kita sa parents ko?" tanong ko.

"May konting kaba pero mas nangingibabaw pagka-excite ko." aniya.

"Tara na nga." sabi ko at binuksan na ang pinto.

Nakita ko si itay at inay na nakaupo at nanonood lang ng TV. Napalingon sila samin.

"Oh, Leonora. Sino yang kasama mo?" tanong ni inay.

"Ah, nay. S–Siya po si Henry." sabi ko.

"Siya ba iyong kinukuwento mo samin?" tanong ni inay.

"Uhm, opo." sabi ko.

"Sige tumuloy ka hijo." sabi naman ni itay.

Nag-bless si Henry kay inay at itay, medyo napangiti naman ako sa ginawa niyang yun.

"Aba't magalang naman pala itong batang ito." sabi ni inay.

"Ako po si Henry Alcantara, gusto ko po sanang ligawan muli ang anak niyo. Kung papayag po kayo." biglaang sinabi ni Henry.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pati nga si nanay at tatay ay nalaglag ang panga sa sinabi ni Henry, pero agad din naman silang naka-recover.

"Ah, hijo. Hahahaha, papayag naman kami dahil mabait ka naman at magalang na bata. Pero kay Leonora ka magpaalam hijo, dahil nasa kanya ang desisyon." sabi ni nanay.

Tumingin naman agad sakin si Henry, na para bang naghihintay ng sagot ko. Ngumiti ako then I nod.

Napangiti rin siya sa sagot kong iyon.

"Saan ka pala tutuloy hijo?" tanong ni tatay.

"Ah, magpapabook nalang po ako sa isang hotel malapit dito." sagot ni Henry.

"Pero gabi na, baka mapaano ka pa." sabi ni inay kay Henry.

"Ah, hindi po. Okay lang po ako. May dala naman po akong sasakyan eh." sabi ni Henry.

***
Matapos ang kuwentuhan nila nanay, tatay at Henry ay tumayo na ako kaya naman tumayo na rin si Henry.

"Aalis na po ako, salamat po sa pagkain." sabi ni Henry.

"Walang anuman." sabi ng mga magulang ko.

"Nay, Tay. Hatid ko lang po so Henry sa labas." sabi ko.

"Sige, mag-ingat ka hijo." sabi ni nanay at sabay na sila ni tatay na pumasok sa kwarto nila.

Lumabas na kami ni Henry.

"Mag-iingat ka." sabi ko.

"Oo, babalik din naman ako agad bukas ng umaga." aniya.

Tinanguan ko siya at ngumiti. Papasok na sana ako ng tinawag niya ako.

"Leonora." aniya.

"Oh?" sabi ko.

"May nakalimutan ka." aniya.

"Huh? Ano?" tanong ko pero bigla niya nalang ako kiniss, yunh smack lang.

Uminit ang pisngi ko dahil dun.

"Goodnight, Leonora Alcantara." sabi niya na mas lalong nagpainit sa pisngi ko, hindi lang sa pisngi ko kundi pati buong mukha ko! Piling ko para na akong kamatis sa sobrang pula.

"S–Sige na, bye." sabi ko at tumakbo na papasok ng bahay.

Agad akong dumiretso sa kwarto ko at umupo sa kama ko. Humawak ako sa dibdib kong sobrang lakas ng tibok. Grabe pa rin pala talaga ang epekto ni Henry sakin.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon