Chapter 54

2.9K 58 6
                                    

A/N: Sorry po kung sobrang natagalan yung update, busy lang po sa school. Pero salamat po talaga sa mga naghintay ng update ko, thank you po talaga! :)
--------------------------------------------------------------------------
Chapter 54

"Ui, Leonora! Bakit parang wala ka nanaman sa sarili mo? Ang aga-aga ohh." sabi ng kaibigan kong si Mikaela.

"Anong wala sa sarili? Nagluluto po ako." sabi ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang itsura ko, mukha lang siguro akong stressed nitong mga nakaraang araw kakaisip sa kay... Aish, nevermind.

Maaga akong nagising para makaluto din ng maaga at hindi din nga ako masyadong makatulog ng mahimbing.

"Ui, 7am na pala. Alis muna ako ahh pupuntahan ko yung tiyahen ko sa kanila may pinapabigay ang aking nanay hahaha. Bye una na ako." ani ni Mikaela.

"Sige, ingat." sabi ko naman.

Ipinagpatuloy ko ang pagluluto ko hanggang sa may tumawag sakin.

"Leonora!" sigaw ni Mikaela.

"Oh? Bakit ka bumalik?" tanong ko.

"Ayy, shet! Leonora! May naghahanap sayo, sobrang pogi! Tas shet mukhang prinsipe!" sigaw ni Mikaela.

"Huh?" pagtataka ko.

Sino naman ang maghahanap sakin? Eh, wala naman ako masyadong kakilalang lalaki. Hindi kaya si Henry iyon? Tsss, ano ba itong iniisip ko. Impossibleng siya iyon, sigurado akong busy iyo para sa kasal niya.

"Sumama ka nga sakin! Patayin mo muna yung kalan dali!" tili ni Mikaela.

"Yung boses mo nga hinaan mo!" pagsuway ko sa kanya.

"Sorry na, minsan kang may pumuntang gwapo dito eh." sabi ni Mikaela.

Umiling nalang ako at sinundan ko siya. Nang makarating na kami sa may bakanteng lote na malapit lang naman sa bahay ay umalis na din si Mikaela kaagad at nagulat ako ng makita ko si Ivan doon, hindi ko alam pero parang may gumuho sa sistema ko. Inexpect ko kasing si Henry iyon... Pero sabi ko nga'ng napaka-impossible noon, dahil ikakasal na siya.

"I-Ivan" panimula ko.

Bigla siyang naglakad patungo sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Ugh, namiss kita ng sobra." sabi niya sakin.

Nang bumitaw na siya sa pagkakayakap ay ikinagulat kong hinalikan niya ako sa bandang noo ko.

"P-Paano mo nalamang andito ako?" tanong ko.

"Nag-hire ako ng private investigator para lang mahanap ka, ang tagal din kitang pinahanap at sa wakas. Nakita na rin kita." sabi ni Ivan.

"B-Bakit mo naman ako pinahanap pa?" tanong ko.

"Alam mo namang gusto kita diba?" sabi ni Ivan.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Ivan, magkaibigan lang tayo. Alam mo naman yan diba." sabi ko.

Ngumiti siya at niyakap uli ako ng mahigpit.

"I know, pero handa akong maghintay. Kahit gaano pa iyan katagal." sabi ni Ivan.

Hindi ko alam kung bakit ko hinayaan siyang yakapin lang ako, siguro ay alam kong marami na siyang naitulong sakin at hindi ko alam kung paano iyon masusuklian. Pero ayoko din naman na paasahin siya, dahil alam ko sa sarili na mahal ko pa din siya... Yes, mahal ko pa din si Henry. Kahit anong tanggi ko, siya pa rin talaga.

Henry's POV

Kagabi, pinilit ko ang best friend ni Leonora na si Ailenne. Para sabihin kung nasaan si Leonora at napilit ko naman siya. Talagang hindi ko siya tinantanan, kaya ngayong umaga ay agad akong pumunta ng Zambales. Sinabi pa nga sakin ni Ailenne na kinulit din daw siya nung Ivan na yun, pero hindi daw siya nagpakulit sa Ivan na yun, dahil sakin daw niya ipinagkatiwala yung best friend niyang si Leonora.

Ikinatuwa ko yun, at sobrang excited na akong makita si Leonora.

Nung nakarating ako sa Zambales ay nag-drive na ako patungo sa bahay nina Leonora, binigay kasi sakin ni Ailenne ang buong address nila Leonora, naadaanan ko ang isang bakanteng lote, likod palang ni Leonora ay kilalang-kilala ko na. Pero ang ikinagulat ko ay may kayakap siya. At sigurado akong si Ivan iyon. Nainis ako at gusto ko nalang biglang magwala o manuntok! Huli na ba ako?

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon