Chapter 50

2.7K 54 4
                                    

Chapter 50

"Ui, Leonora. Okay ka lang?" tanong sakin ni Mikaela.

Ibinalik ko sa kanya iyong dyaryo.

"O-Oo naman." sabi ko.

Parang may nagbara sa lalamunan ko pero pinilit ko pa ring magsalita ng maayos.

"Bakit para kang namumutla? Ano ba Leonora mukha kang constipated hahahahahah." aniya at humalakhak pa.

I smiled painfully.

"E-Ewan ko sayo." sabi ko.

Ang sakit pala, parang sinasaksak ng paulit-ulit yung puso ko. Akala ko pa naman magiging okay na ako at makakamove on na din ako kay Henry pero kapag nakita ko uli siya kahit sa picture lang. Bumabalik lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.

Ipinagpatuloy ko nalang yung ginagawa kong pagpupunas ng lamesa at pinilit ko nalang na ialis sa isipan ko yung nakita ko kanina.

Joanna's POV

Makalipas ang ilang oras ay sa wakas at natapos na din yung engagement party, syempre dahil pupuntahan daw namin nila Henry at Tita yung simbahan kung saan kami ikakasal! Excited na ko!! Agad kaming umalis doon sa restaurant ng matapos na yung party kaya sumakay na agad kami ni Henry sa kotse at si Tita din ay nakisabay na sa amin ngayon.

***

Nang makarating kami doon sa simbahan kung saan kami ikakasal ni Henry sa susunod na buwan ay namangha ako, ang laki at talagang super excited na akong ikasal sa pinakamamahal kong lalaki na si Henry!

"Joanna and Henry, dito muna kayo ahh. Kakausapin ko lang si father." sabi ni Tita sa amin.

"Sige po." sabi ko naman.

Nasa labas kami ng simbahan ni Henry at wala masyadong katao-tao ngayon dito. Actually, di ko alam kung bakit pero wala talaga ako nakikitang mga nagsisimba ngayon. Nakatayo kami ni Henry sa may labas sa harap ng malaking pintuan ng simbahan.

"Excited ka na ba sa kasal natin? Ako sobra! Ohmygod! Ikakasal na tayo, tapos ano kaya magandang flowers na idesign para habang naglalakad ako sa altar diba? Ang ganda!!" tili ko.

"Joanna..." sagot ni Henry.

"Ano?" sabi ko.

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko! Ano tong ginagawa niya?

"Please, hindi ko kasi kayang magpakasal sa babaeng hindi ko naman mahal. Kaya please, ikaw nalang mismo ang umatras sa kasal natin. Alam mo naman kung sino ang mahal ko hindi ba? Si Leonora lang at wala ng iba. Siya lang ang gusto ko makasama pang-habang buhay. Kaya please..." sabi ni Henry habang nakaluhod siya sa harapan ko at may nakita ako luha sa mga mata niya.

Nakaramdam ako ng pagbabara sa lalamunan ko. Naramdaman ko na malapit nang tumulo ang luha ko. Bakit? Bakit ba si Leonora nalang lagi? Bakit hindi nalang ako?!

"N-No, sa susunod na buwan. Ikakasal tayo dito sa simbahan na ito. At wala ng atrasan pa. D-Don't worry, matutunan mo din akong mahalin." sabi ko at tumakbo, may nakita akong taxi at pinara ko iyon. Sinabi ko naman agad kung saan ang bahay namin.

Doon sa loob ng taxi, doon ko pinakawalan ang mga luha ko. Ang sakit pala! Ang sakit pala na marinig lalo na't sa bibig ng taong mahal mo, na may mahal siyang iba! At talaga lumuhod siya sa harapan ko! Binaba niya ang pride niya para kay Leonora?! Tssss.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon