Chapter 40
Tinanong ako ni Ivan kung saan ko gustong kumain, pero sinabi ko nalang na sa isang fast food para mas tipid at iyon lang din naman ang mas malapit sa subdivision.
"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Ivan.
"O-Oo naman." aniya at ngumiti sakin.
Napansin ko kasing parang namumutla siya at nakatulala lang sa pagkain niya. Hindi ko nalang pinansin at kumain nalang ako ng tahimik. Pagkatapos namin kumain ay tumayo na ako at tumayo na rin namam siya.
"G-Gusto mo pang mamasyal?" aniya.
"Huh? Gumagabi na eh. Uwi na tayo." sabi ko at ngumiti.
"S-Sige." aniya.
Bakit parang nauutal siya? At ano bang nangyayari sa kanya? Dinampi ko yung likod ng palad ko sa noo niya na ikinagulat naman niya.
"A-Anong ginagawa mo?" sabi ni Ivan at bigla nalang namula, tinanggal ko din naman agad yung likod ng palad ko na nakadampi sa noo niya. Ang puti kasi ng balat niya kaya kitang-kita ang pamumula ng buong mukha niya.
"W-Wala lang, chineck ko lang kung may sakit ka. Para kasing namumutla ka at parang nauutal-utal ka na ewan. Akala ko lang naman na may sakit ka." sabi ko.
Bigla naman niya akong inakbayan.
"Ikaw talaga, halika na nga at umuwi na tayo." aniya.
Tumango nalang ako sa sinabi niya.
***
Nung dumating na kami sa bahay ni Ivan ay naalala ko yung nakita ko kanina. Kotse ba talaga yun ni Henry o baka guni-guni ko lang iyon? Hindi ko alam. Miss ko na siya, kaso lang ayoko namang puntahan siya sa opisina niya or sa bahay nila. Alam ko namang may galit sakim ang mommy ni Henry or should I say na talagang hindi niya ako gusto para sa anak niya. Hayy.
Umakyat na ako sa guest room at inayos ko ang mga gamit na binili sakin ni Ivan. Kakaunti lang naman pero okay na rin, maglalaba nalang ako twice a week. Nakakapagod ngayong araw. Kaya naman nag-shower na ako at nagbihis na para diretso tulog na. Miss ko na rin si mommy. Sana naman binigyan niya ako ng pagkakataon para mag-explain sa kanya na wala naman talaga akong kasalanan. Hayyy. Kung alam lang niya na nasa kabilang bahay lang ako, baka masugod pa ako dito. Kaya dapat hindi ako masyadong lumabas sa bahay ni Ivan baka may makakita pa sa akin. Naramdaman ko ang unti-unting pagbigat ng mga mata ko kaya naman agad akong nakatulog na.
***
Nagising ako at tinignan ko yung wall clock, at 9am na. Mukhang napasarap ang tulog ko ahh. May pasok yata si Ivan ngayon at siguradong ako ang maiiwan dito sa bahay niya. Naghilamos muna ako bago bumaba. At pagtapos ay agad din naman akong bumaba, may nakita ako sa dining room na may nakatakip. Pagkain siguro iyon, may nakita akong note sa ibabaw ng takip.
"Mukhang masarap ang tulog mo, kaya hindi na kita ginising pa :) pinagluto nalang kita ng porridge. Sana magustuhan mo at may pasok ako ngayon kaya mga 7pm pa ang uwi ko. -Ivan" yan ang nakasulat.
Binuksan ko ang nakatakip sa pagkain at sinimulan ng kainin ito. Infairness, masarap talagang magluto si Ivan.
Pagkatapos ko kumain ay pumunta ako sa sala at umupo sa sofa. Iniisip ko si mommy, kumain na kaya siya? Kahit hindi siya ang biological mother ko ay nag-aalala pa rin ako sa kanya at kamusta na din kaya si inay at itay sa probinsya? Hindi na ako nakakapagpadala sa kanila ahh. Mukhang kailangan ko ng maghanap ng trabaho. Kaya maghahanap na ako simula bukas, ichecheck ko muna sa internet at maghahanap din ako sa dyaryo. Kakaisip ko sa mga iyon ay lumabas ako ng bahay. May pasok si mommy kaya wala naman sigurong makakakita sakin, mukhang pumasok na din yata si Ashley kaya malaya akong makakalabas ng bahay ni Ivan para magpahangin dahil wala namang makakakita sakin.
Lumabas ako ng gate at balak kong pumunta dapat sa park pero saktong paglabas ko ay may napalingon ako sa tapat ng bahay ni mommy. Nakita ko yung kotse na nakapark at napatingin din ako doon sa lalaki na nakasandal sa kotse niya. Naka-maong pants, rubber shoes at plain na V-neck shirt. Dahan-dahan naman siyang napalingon sakin.
"H-Henry..." halos pabulong kong sinabi.
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
General FictionMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...