Chapter 9

4.9K 112 12
                                    

Chapter 9

Nang makauwi na ko sa bahay ay medyo hindi pa rin ako makapaniwala na yung lalaking nakita ko sa hospital ay siya yung lalaking fiancé ni Joanna. Gusto ko na toh ikuwento kay Ailenne ng mabigyan naman niya ko ng kahit anong advice sa puwede kong gawin.

Wait... Bakit ko naman kailangan ng advice? Ano naman kung nakita ko ulit siya? Ano naman kung fiancé siya ni Ailenne? As if i care. Ano ba tong nangyayari sakin? Hindi ko talaga alam pero nung nalaman kong fiancé siya ni Joanna, medyo nalungkot ako. Haiist. Baka antok lang toh. Kaya matutulog na ako.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa salon. Pero hindi pa rin natatanggal sa isip ko iyon. Sabihin ko kaya kay Ailenne? Ano kaya magiging reaksyon niya? Tatawagan ko nalang siya.

"Hello?" sabi ni Ailenne sa cellphone nang sagutin niya ang tawag ko.

"Ailenne, may kukuwento ako sayo." sabi ko agad.

"Ang aga naman niyan, nasaan ka ba?" tanong niya.

"Nandito sa salon sa may office." sabi ko.

"Sige, kuwento mo na. Ano bang nangyari?" tanong niya.

"Hindi, kasi naaalala mo ba yung lalaking nakita natin sa hospital?" panimula ko sa kuwento ko.

"OHMYGOD! AHHHHH." tili ni Ailenne.

Nilayo ko ang cellphone ko sakin dahil sobrang lakas ng tili niya at nakakabingi.

"Huy! Tili ka agad? Sakit sa tainga." sabi ko.

"Sorry, naexcite lang. Ano na nga ba yun?" tanong niya ulit.

Kinuwento ko lahat lahat ng nangyari kagabi kay Ailenne. Pati na rin yung pagyayaya ni Henry na paghatid sakin at yung pagsingit ni Joanna sa usapan namin. Basta lahat lahat.

"Ang epal talaga ng Joannang yan. Ang epal sa momento niyo!" sabi ni Ailenne.

"Hindi naman, ako nga yung epal sa momento nila. Kasi diba nga? Si Joanna yung fiancé niya." sabi ko.

"Sa bagay, pero sayang lang talaga. Kasi kung wala lang sana siyang fiancé noh." aniya.

"Hayy, sige na bye na tapusin ko pa mga trabaho ko dito." sabi ko at binaba na ang linya sa pag-uusap namin ni Ailenne.

Bakit ba kailangan ko pang problemahin yung lalaking iyon? Bakit hindi nalang kasi siya mawala-wala sa isipan ko? Dammit.

*RING! RING! RING!*

Halos mapatalon ako sa gulat ng may tumawag sakin. Sino naman kaya toh? Si.. Joanna? Mabilis ko naman itong sinagot.

"Hello? Bakit ka napatawag?" sabi ko nang sinagot ko na ang tawag niya.

"Wala lang. Ang saya lang kasi nung hinatid ako ni Henry. Sabi ko kasi sa kanya 'I love you' tapos sumagot siya sakin ng 'I love you too' grabe! First time niya sinabi sakin iyon!" utas ni Joanna.

"Ahh, ang sweet naman pala niya eh." sabi ko.

Nagkuwento pa siya ng nagkuwento, hanggang sa hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Ano ba ito?! Hindi ko dapat siya iniiyakan. Binaba ko ang linya sa pag-uusap namin ni Joanna, kahit nagsasalita pa siya. Hindi ko dapat iyon iniiyakan! Ano ba tong nangyayari sakin?! Damn!

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon