Chapter 26

2.8K 58 10
                                    

Chapter 26

Joanna's POV

Pumunta yung private investigation ko sa bahay at agad kong kinuha iyong long brown envelope. Pagkabigay na pagkabigay niya sakin noon ay umalis na siya.

Umupo ako sa sofa sa living room at binuksan ko na iyong envelope. Lumaki agad ang mga mata ko sa una kong nakita. Hindi si Sarah De Guzman ang nakasaad na nanay niya? Salazar ang surname niya? A-Ano ito? Para akong naguluhan sa mga nakasaad dito sa documents. Lalo na ng makita kong kasal na pala siya dati, kay Nathan Jimenez? What the?! Asawa yun nung best friend niya ahh? P-paanong nangyari ang lahat ng ito? Tapos yung tatay nung Nathan Jimenez ay pinakulong niya? Dahil na-rape siya nito dati? Halos nalaman ko na ang buong pagkatao ni Leonora Salazar... Tinawagan ko yung private investigation ko at tinanong ko yung mga dapat kong itanong na hindi ko maintindihan. At dahil doon, nalaman ko na ang buong istorya sa buhay niya.

Ngayon, ipapakita ko to kay Tita, sa mommy ni Henry. Ipapamukha ko sa kanila na ako talaga ang karapat-dapat para kay Henry at hindi iyang Leonora na yan! Pupuntahan ko siya ngayon sa company nila.

Nang makarating ako sa company ay agad akong sumakay ng elevator papunta sa office ng mommy ni Henry. At nung makadating na ako ay agad akong pumasok at nagulat si Tita sa biglaang pagpasok ko.

"Oh, hija. Diba wala na kayo ni Henry? Then, why are you here?" sabi niya.

"Well, i just want to give this documents to you. Isang nakakagulat sa pagkatao ni Leonora." sabi ko at inilahad ang brown envelope.

"Don't tell me na pina-imbestigahan mo pa siya. Ano ka ba naman? Kilala ko na siya. Isa siyang De Guzman, so di ko na kailangan yang documents na yan." sabi ni Tita.

"Hindi po siya isang De Guzman, tita." sabi ko.

Lumaki naman ang mata ni Tita.

"What? I don't understand. Paano nangyari iyon? Kung sinisiraan mo lang siya, i don't care. Mayaman siya, at siya ang gusto ni Henry. Just leave my son alone." aniya.

"No, tignan niyo po muna kasi ang laman ng envelope na ito." sabi ko.

Kinuha niya ang envelope at tinignan ang laman nito.

"What? S-Salazar?" aniya.

Kinuwento ko rin sa kanya ang lahat ng sinabi sakin ng private investigation at gulat na gulat din si Tita.

"I'm sorry Joanna, sa mga inasta ko. Alam kong hindi pa alam ni Henry ito! I need to tell him na sinungaling ang babaeng iyon! Hindi pala siya tunay na anak ni Sarah De Guzman!" sabi ni Tita.

Napangiti ako sa sinabi niya, sa wakas. Babalik at babalik talaga sakin si Henry.

"So, akin na po ulit si Henry?" sabi ko at ngumiti.

"Yes hija, he's yours." aniya.

Nagkamali ka ng kinalaban mo, Leonora.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon